BAGAY na bagay kay Vic Sotto ang bago niyang endorsement, ang CitiGlobal which is involved in building rest houses and condotels. Ang vision kasi nila is empowering hardworking Pinoys to make use of their hard-earned money wisely and enjoy it leisurely.
Kilala naman natin si Bossing na very much involved sa pagtulong sa mga less fortunate nating mga kababayan, tulad ng ginagawa nila sa Eat Bulaga araw-araw.
Knowing their sacrifices to give their families better lives, Bossing Vic has developed a soft ideas directed to OFWs. He shared, “I am very partial to our OFWs.
Nakakasama ko at nakakausap ang marami sa kanila hindi lang sa studio ng Eat Bulaga kungdi pati na rin sa international concerts namin. Nito lang April, nasa Toronto, Canada kami.
“Ramdam mo talaga na sabik na sabik sila sa Pilipinas. Lahat nag-iipon para makapagbakasyon sa tin. Kaya ganoon na lang ang kayod nila para makapag-relax at mag-enjoy dito,” sey ng TV host-comedian.
Kaya raw agad niyang tinanggap ang offer ng CitiGlobal ay dahil sa pagbibigay halaga nila sa OFWs, “I hope more efforts are placed on teaching OFWs how to invest and not just save their money.
This is my personal advocacy and I am just happy that CitiGlobal has a way to help OFWs invest through leisure properties. Maganda kasing investment ang mga rest house at condotel.”
Inamin ni Vic na kasama ang girlfriend niyang si Pauleen Luna sa mga plano niyang kunan ng property pero mukhang wala pa talaga sa immediate priorities nila ang magpakasal.
Natanong din siya kung balak na niyang mag-retire soon, ang tugon ni Bossing, “‘Wag muna, relaks lang muna. Yung trabaho kasi, that’s one thing that’s keeping us really going strong, loving what you’re doing.”
1 comment:
شركة نقل عفش بالبقعاء
شركة نقل عفش بجازان
شركة نقل عفش بالدمام
شركة نقل عفش بالمدينة المنورة
شركة نقل عفش بجدة
شركة نقل عفش بمكة
شركة نقل عفش بالطائف
شركة نقل عفش بالرياض
شركة نقل عفش بينبع
Post a Comment