Gustong iparating ng aming friends sa kinauukulan ang obserbasyon nila na “kakaiba” nga ang ilang changes sa script ng adapted Korean soap na Two Wives.
Sa original daw kasi ay parang hindi naman ganu’n kaangas o katatapang ang mga linya ng dalawang misis pero nang i-translate na ito sa Tagalog ay lumabas tuloy na mas ini-encourage sa palabas ang pagtataksil ng lalaki (to the point na pati ang nanay at asawa niya ay lokohin nitong tunay na anak niya ang anak ng kabit), pati na ang kakaibang tapang at angas ni kabit.
“May mga linya kasing parang nagu-glorify pa yung pagiging tama na magtaksil dahil mas may pinag-aralan at mayaman si kabit,” litanya ng isang nakausap namin.
Yes, ito nga ang soap na pinagbibidahan nina Kaye Abad (as original wife), Jason Abalos as the husband and Erich Gonzales as the kabit na mayaman.
Hirit pa ng mga kausap namin kapatid na Ervin, “Maganda si Erich at kering magmukhang rich pero hindi naman halatang may mataas na pinag-aralan kung pagbabasehan namin ang pagde-deliver niya ng dialogue kontra sa jologs style ni Kaye.”
No comments:
Post a Comment