Friday, September 4, 2015

Malilisyosong litrato ni Alden na may kasamang beki kalat na





MUKHANG sinisira si Alden Richards now that he’s sikat na sikat.

Muli kasing naglabasan ang photos niya kasama ang isang beki na sinasabing organizer ng mga pakontes na panglalaki.

Tatlong photos ang naglabasan muli sa social media at parang may malisya ang muling paglabas ng mga litrato. It was made to appear that Alden is more than friends with the unnamed beki. Kuha ang mga shots sa isang swimming session.

Merong isang shot na pareho ng shorts ang dalawa, identical na identical ang mga ito. One picture naman showed the beki being on the lap of Alden while in a pool. Sobrang close silang dalawa sa mga photos na naglabasan.

Actually, last year pa namin nakita ang mga pictures na ‘yon na out of the blue ay biglang naglabasang muli.
Apparently, there are those who are trying to tarnish Alden’s image.

But hey, nothing can damage Alden now. Wala itong epek sa mga fans ng AlDub. He’s a hit kahit saan siya magpunta. 

He’s been mobbed anywhere he goes. Just recently, when he did a show in a mall in Pampanga, super daming tao, talagang hindi mahulugang karayom ang lugar. At wala pa si Maine Mendoza by his side niyan, ha.

How much more kung kasama pa niya sa show si Yaya Dub, siguro pandemonium na ang nangyari

Jake babu sa pagiging yosi kadiri; pati dyowa napilitang mag-quit



TAGUMPAY si Jake Cuenca at ang kanyang model girlfriend na si Sara Grace Kelley sa pagku-quit mula sa pagi- ging “yosi kadiri”.

Ayon sa Kapamilya hunk actor, halos isang buwan na rin siyang hindi naninigarilyo ngayon. Sa kanyang Instagram account, ipinagmalaki ni Jake ang bagong “achievement” na ito sa kanyang buhay.

Sabi ng aktor, nagsimula siyang mag-quit sa pagyoyosi, pati na rin ang kanyang dyowang foreigner, noon pang nakaraang buwan. Kaya na- gulat siya nang makatanggap ng napakaraming negative comments matapos kumalat sa social media ang isang litrato nila ni Sara.

Makikita sa nasabing picture ang magkarelasyon na nagyoyosi together. Isa sa mga follower nila ang nag-comment ng, “Don’t glamourise cigarettes and smoking!” na sinang-ayunan naman ng marami pang netizens.

Sa ngayon daw nag-shift na sila ng kanyang girlfriend sa “vaping”, aniya, “These pictures were actual shoots with two separate professional photographers. Similar themes for both our shoots…  we quit smoking a month ago… We use vapes now.”

Maine nakiusap sa AlDub fans: ‘Wag n’yo na akong bigyan ng regalo





HINDI pala Material Girl itong si Maine Mendoza, now more popularly known as Yaya Dub.

A photo of her conversation with a friend yata surfaced on social media in which she told her friend to dissuade  her fans from giving her material gifts. Pinagsabihan niya ito na ‘wag nang tatanggap uli ng regalo para sa kanya. Okay na raw siya sa simpleng thank you, sobra-sobra na iyon para sa kanya.

With that Instagram post ay lalong napamahal si Maine sa kanyang followers. Puring-puri nila ang dalaga, “At least di tulad ng mga idol nyo na free loader. Just saying.”
“Ay ang buti naman niya. Madami akong alam na artista may mga project naman pero hayok na hayok sa regalo. Minsan nga may special requests pa sa mga fans na OFW. Kapal!! At nagtataka pa kapag binibigyan ng bill halimbawa sa resto, hopia na libre lagi. PG lang. Ayos ka Maine!”
“Only shows di sya interesado sa material…Siguro nga dahil marami na sya non. :) tama din nman na ipunin na lng ng fans pera nila. A wise advice from a kid raised by businessmen.”

“I don’t think its a case of pa-humble. It is called sensitivity for others. She does not want her fans to spend their hard-earned money on her all the time. It’s actually refreshing. May she remain the same and not let the fame change who she really is. And yes, I am a big fan of both Yaya Dub and the real person behind the character she portrays.”

Napakabait naman pala nitong si Yaya Dub. Hindi siya nasisilaw sa material things. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Ang ibang celebrities, lalo na ‘yung mga nasa love team, ay tuwang-tuwa kapag nakaka-receive ng mamahaling regalo mula sa fans nila like branded bags or shoes.

Mayayaman na kasi ang mga fans ngayon. Hindi na lang sila basta-basta supporter, talagang gumagastos sila para iparamdam sa idol nila kung gaano nila ito kamahal. Meron pa ngang iba diyan na nagpapa-private or block screening ng movie ng idol nila.



Michael Pangilinan magiging tatay na



Na-shock kami sa pag-amin ni Michael Pangilinan na magiging tatay na siya sa edad na 19.

Opisyal itong inamin ng binata kahapon sa launching ng Your Face Sounds Familiar. Sa Disyembre raw niya makikita at mahahawakan ang anak niya. “Excited nga po ako,” ang pahayag ni Michael nang makausap namin kahapon.

Dagdag pa nito, “Na-excite po ako kung ano ang magiging itsura ng anak ko, ‘yung daddy na ako, excited na akong bumili ng gamit niya, ng gatas, diapers, mga ganu’n.”

Napahanga kami ni Michael dahil talagang inamin niya ang totoo, “Handa ko pong panagutan ang bata. Sobrang proud po talaga ako na magiging daddy na ako, una kong nalaman na buntis, wala pong ibang pumasok sa isipan ko kundi itutuloy ko ‘yan, mawala na ang lahat, ayoko lang malaglag, we’re friends naman po (nanay ng magiging anak niya).

“Iyon po ‘yung mga pumapasok sa akin na ano ang puwedeng mangyari kapag mayroon na akong binibitbit (karga), alam mo ‘yung uuwi ka ng bahay galing ka sa trabaho tapos makikita mo ‘yung anak mo.

“Nang malaman kong ganu’n nga (buntis), mas lalo akong ginanahang magtrabaho, hindi ako nanghina na parang, ‘Ayoko nang magtrabaho.’ Hindi ganu’n, eh. Lalo kong naisip na kailangan kong magtrabaho para maging maganda ‘yung buhay ng magi- ging anak ko,” aniya pa.

Parang kailan lang nang sabihin ni Michael na kaila- ngang may sariling bahay at malaking ipon muna siya bago mag-asawa, pero heto’t, magi- ging tatay na siya.

Sobrang nagpapasalamat si Michael sa manager niyang si katotong Jobert Sucaldito dahil hindi siya nito iniwan sa oras ng pangangailangan at higit sa lahat, tinulungan din siyang magtapat sa kanyang mga magulang.

Say naman ng katotong Jobert, “Umpisa talagang nagalit ako, pero naging proud ako kasi nu’ng tinanong ko siya kung anong plano niya, sinabi nga niyang pananagutan niya kaya talagang na-proud ako kasi may paninindigan siya at napatunayan niyang lalaki siya.”

Ayaw ng magkuwento ni Michael tungkol sa pagkakakilanlan ng ex-girlfriend niya dahil pareho silang 19 years old at galing sa maayos na pamilya at higit sa lahat, matinong babae raw.
Samantala, excited si Michael sa Your Face Sounds Familiar dahil gusto niyang mapasama talaga sa show nu’ng unang season palang dahil gusto niyang i-challenge ang sarili niya.
Sa tanong kung hindi ba siya natatakot na baka makaapekto sa ka- rera niya kapag hindi siya nanalo sa YFSF, “Hindi naman po, hindi kami natatakot na bumagsak kasi, lahat kami may kanya-kanyang ipakikita na hindi namin akalaing kakayanin pala namin, dito mapatutunayan na may iba ka pa palang kayang gawin.

“Lahat kami hindi namin inisip na makakasira, kundi makakatulong po sa amin ang show, kasi maiisip ng tao na marunong pala siyang manggaya ng (icon) singers,” kuwento ni Michael.

Bukod kay Michael, kasama rin sa second season ng YFSF sina Denise Laurel, Sam Concepcion, Kean Cipriano, Myrtle Sarroza, Eric Nicolas, KZ Tandingan at Cacai Bautista.
Sina Billy Crawford at Melai Cantiveros ang magsisilbing hosts ng programa at magsisimula na sa Sept. 12 sa ABS-CBN.

...magkamukha ba silang dalawa ...kilala ba ninyo ang maglolo na ito ...kung....



...magkamukha ba silang dalawa
...kilala ba ninyo ang maglolo na ito
...kung kilala nyo sila

SINO SILA?

Wednesday, September 2, 2015

Ajka - Undefined (album)




Undefined
(2015)

Category
POP

Label
Sony Music Corp

Artist AJKA

Ako Naman

In Denial

Tanong Lang

Down

Endless

The Breakup Playlist (album)



The Break-up Playlist OST The Break-up Playlist OST

Category POP

  SOUNDTRACK

Label Star Records

Artist Sarah Geronimo
  Piolo Pascual

Paano Ba Ang Magmahal

With A Smile

Huwag Na Huwag Mong Sabihin

Ikaw Lamang

Bida

Patawarin

Nagsimula Sa Puso

Paano Ba Ang Magmahal-Acoustic

Paano Ba Ang Magmahal (Instru)


Nora Aunor - I Believe (1970)


Nora Aunor - Forever Loving You (1970)


Nora Aunor - Mama (1971)


Nora Aunor - My Song (1971)


My Song (1971)

Nora Aunor - Mistaken (1971)


Mistaken

1971

Nora Aunor

Nora Aunor (1971) - Go Away


Go Away

(1971)

Nora Aunor

Alpha Records


Narito ang Tanong: ..anong pelikula ni Nora Aunor na halos matapos na ay...

Image result for nasaan ka inay

Narito ang tanong?

..anong pelikula ni Nora Aunor na halos matapos na ay hind pa itinuloy at hndi pa naipalabas sa mga sinehan?

Nora Aunor - Love Story (video)




Image result for nasaan ka inay

Nora Aunor - We Miss You (1971)













We Miss You

1971

Nora Aunor

Alpha Records

album
The Song Of My Life



Missing You (1971) by Nora Aunor



Missing You 

(1971)

Nora Aunor

Alpha Records






Nora Aunor - Love Story (1971)

Image result for nasaan ka inay

Love Story

(1971)

Nora Aunor

Alpha Records