Tuesday, September 1, 2015

Panambitan (1940) - Carmen Rosales & Rogelio dela Rosa



Panambitan (1940)

Carmen Rosales

Rogelio dela Rosa

Bert Le Roy Jr

Precioso Palma

Tita Duran

Jaime Castellvi

Rita Rica

Amelita Sol

Jose Criz Soto

Patring Gomez

Conrado Conde

Gerardo de Leon
(Direction)


Panambitan (1940) - Carmen Rosales & Rogelio dela Rosa


Panambitan (1940)

Carmen Rosales

Rogelio dela Rosa

Bert Le Roy Jr

Precioso Palma

Tita Duran

Jaime Castellvi

Rita Rica

Amelita Sol

Jose Criz Soto

Patring Gomez

Conrado Conde

Gerardo de Leon
(Direction)

alamin kung sino ang mga bituin sa larawan at kung ano ang titulo ng pelikula....


alamin kung sino ang mga bituin sa larawan at kung ano ang titulo ng pelikula

Victory Joe (1946 - )


....alamin kung ano ang title ng pelikulang ito noong dekada 40s

.......at kung sino ang gumanap dito 

Ina Raymundo napapabayaan na ang asawa at mga anak mula nang magbalik-showbiz



Itinanggi ni Ina Raymundo na nagkakaroon sila ng pagtatalo ng kanyang asawa dahil nawawalan na ito ng para sa kanyang pamilya dahil sunud-sunod ang kanyang trabaho sa showbiz.

Bukod sa Marimar, may special role rin siya sa bagong afternoon series ng ABS-CBN na All Of Me. 

Marami rin siya ngayong product endorsements.
“So far, hindi pa naman. Sabi ko nga sa kanya, magreklamo ka if ever, pero I don’t think, he will ever, ever complain. Talagang ako yung magkukusa pag napapansin ko na wala na talaga akong time,” ani Ina.

“May tinanggap akong isa, kasi naniniwala ako sa produkto. Pero mas marami talaga akong tinanggihan. I’m so picky kasi gusto ko pag nag-endorse ako, someting na that I truly believe in and something na ginagamit ko.

Kasi, gusto kong maging honest na endorser,” sabi pa ng aktres.


Kylie: Wala kaming relasyon ni Julian Trono, bata pa yun!





WALANG dyowa ngayon si Kylie Padilla. Pero maligaya raw siya bilang “single lady”. “Masaya ako! Maraming trabaho, maganda yung show, maganda ang ratings,” ang simulang chika ni Kylie nang bisitahin ng ilang piling miyembro ng entertainment press sa taping ng afternoon series ng GMA 7 na Buena Familia sa New Manila, Q.C.. 

Siya ang gumaganap na Celine Buena sa nasabing soap na ampon nina Bobby Andrews at Angelu de Leon.
Natanong si Kylie kung sino ang inspirasyon niya ngayon matapos siyang makipag-break sa last boyfriend niya, “Sino nag-i-inspire sa akin? Siguro wala, siguro gusto ko lang mag-improve, ganyan.

“Sana mag-improve pa ‘ko sa pag-arte, na galingan ko pa dito sa show.” May gusto pa ba siyang ma-improve sa kanyang personality? “Simple lang naman. Gusto ko lang, bago matulog, alam ko na marami akong napasaya. Yun lang.”

Umamin naman si Kylie na nakikipag-date pa rin siya, “Yung iba, hindi showbiz.” Pero tumangging pa- ngalanan ng dalaga ang aktor na nakaka-date niya ngayon, “Wala pa kasi, mamaya bigyan ng ano, e,” tumatawang pag-iwas ng anak ni Robin Padilla.

Pero hindi raw si Martin del Rosario iyon, magkaibigan lang daw talaga sila at magkatrabaho sa Buena Familia. At lalong hindi raw si Julian Trono na itinuturing din niyang lalaking bestfriend.

Pero inamin niyang lumalabas din sila at nanonood ni Julian ng sine. Magkapatid ang papel nila ni Julian sa Buena Familia at mas matanda ng six years ang aktres kay Julian.
“Parang kapatid ko lang yun. Ano kasi, e, kung paano kami mag-isip, parehas kami. Parehas kaming mahilig magsulat, ganu’n. So nu’ng nagkatrabaho kami dito sa Buena Familia, magka-vibes na agad kami,” depensa ng dalaga.

Hindi rin daw nanliligaw sa kanya si Julian. “Bata pa siya!” Samantala, mas lalo pang tumitindi ang mga kaganapan sa Buena Familia kung saan kasama rin sina Sheryl Cruz, Jake Vargas, Julie Anne San Jose, Mona Louise Rey, Tessie Tomas at marami pang iba, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr..

Pangako ni Daniel kay Kathryn: Lagi akong nandito kahit anong mangyari!



KILALANG-KILALA na raw ni Kathryn Bernardo ang kanyang rumored boyfriend na si Daniel Padilla. Sa tagal na raw nilang magkasama, kabisado na niya pag-uugali ng Teen King.

Ayon kay Kathryn nang mainterview ni Korina Sanchez sa Rated K last Sunday, sa mahigit apat na taon nilang pagiging magka-loveteam, marami na raw silang shared me- mories and discoveries ni Daniel tungkol sa isa’t isa.

Chika ng Teen Queen, alam na niya ang moods at ugali ni Daniel, kahit daw ang mga paboritong pagkain ng binata ay kabisado na niya kaya knows na raw niya kapag may pinagdaraanan ang akto at kung may mabigat itong dinadala.
Sobrang mysterious din daw si Daniel in some ways pero maalagain at lahat ay tinuturing na family.
Sey naman ni Daniel kay Kath, mababaw lang at madaling pasayin ang dalaga.


Anito, “Bigyan mo lang yan ng cotton candy masaya na ‘to, e.” Marami-rami na ring napuntahang lugar ang dalawa na magkasama, hindi lang dito sa Pili- pinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang paborito raw ni Kathryn ay Los Angeles, pati na rin ang Norway dahil sa magagandang tourist spots doon at dito rin daw nila naranasan ni Daniel na tumakbo sa yelo.
Tiyak namang kinilig nang bonggang-bongga ang milyun-milyong fans ng KathNiel sa mga naging mensahe nila sa isa’t isa.

Nang tanungin kasi ang magka-loveteam kung ano ang maipapa- ngako nila sa bawat isa, ang sey ni Kathryn kay Daniel, “After ng family ko, malaking part siya ng buhay ko forever.” Dagdag pa ng dalaga, hindi na raw mawawala ang shared me- mories nila ni Daniel habang siya’y nabubuhay.
Ang pangako naman ni Daniel kay Kathryn, “Lagi lang akong nandito, kahit anong mangyari.”

Speaking of pangako, patuloy pa ring nangunguna sa ratings game ang serye nila sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo, isa pa rin ito sa mga top trending topic sa Twitter gabi-gabi kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng dalawa sa mga manonood na hindi bumibitiw sa kuwento nina Yna Macaspac at Angelo Buenavista.


Tinanong sina Kathryn at Daniel kung ano ang mga favorite kilig scenes nila bilang Angelo at Yna sa Pangako Sa ‘Yo, sey ni Daniel hindi niya makakalimutan ang mga scenes nila ni Kathryn noong “nagkakailangan pa sila ni Yna.”
Favorite naman ni Kathryn ang eksena kung saan hinarana siya ni Angelo at ng buong Casa Corazon.

At kung gusto ni Kathryn na mag-date sila ni Daniel sa Amanpulo sa Palawan kung mabibigyan sila ng chance, ang dream date naman daw niya with Kathryn ay isang bonfire date sa “shore.” So, almost the same lang ang trip nilang gawin sa kanilang dream date, ‘no!




Tunying nagpaalam sa mga show ng ABS-CBN, DZMM







Nag-file na ng leave of absence sa ABS-CBN at DZMM ang broadcast journalist na si Anthony Taberna. Ito’y may koneksyon pa rin sa nagaganap na kontrobersiya sa liderato ng Iglesia Ni Cristo.

Isang kilalang miyembro ng INC si Tunying at napapanood sa mga programa ng Kapamilya network na Umagang Kay Ganda at Tapatan Ni Tunying, at sa radio show na “Dos Por Dos” sa DZMM.

Ayon kay Anthony, nagdesisyon siyang lumiban muna sa kanyang mga programa dahil sa “conflict of interest between his role as a news personality and an active member of INC.”
Suportado naman daw ng ABS-CBN management ang kanyang na- ging desisyon na mag-leave muna at bumalik na lang kapag naresolbahan na ang isyu sa pagitan ng INC at ng gobyerno.

Narito ang kabuuan ng naging mensahe ni Tunying na kanyang ipinost sa Instagram: “Mga kapamilya, napakalungkot po na nagpapaalam po muna ako sa programa namin na Dos por Dos at Umagang Kayganda dahil sa mga kaganapan po ngayon.

Ako po bilang aktibong miyembro ng Iglesia ni Cristo ay nasa isang sitwasyon na hindi maaaring maging credible sa pagtalakay sa isyung may kinalaman dito.

“Mayroon po akong paniniwalang pangrelihiyon at mayroon din naman akong tungkulin bilang mamamahayag, bagay na hindi po maaaring pagsamahin ngayon dahil sa tinatawag na conflict of interest.

“Agad pong pinahintulutan ng pangasiwaan ng ABSCBN Integrated News and Current Affairs ang aking leave of absence mula ngayon hanggang sa humupa ang partikular na isyung may kinalaman ang INC.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa sa aking napakahirap na kalagayan sa ngayon. Sa mga hindi naman hindi makakaunawa, nauunawaan ko po Kayo.”

Bago ito, naging headline din si Tunying matapos pagbabarilin ang bago niyang cafe sa Quezon City. Wala pa ring lead ang pulisya kung sino ang nasa likod ng insidente pero naniniwala ang marami na may kunek ito sa pagiging hard-hitting journalist ni Anthony sa kanyang radio show sa DZMM.

Wally nagpapatawa pero may matinding problema sa pamilya; anak patuloy na nakikipaglaban sa cancer




Habang nagpapatawa si Wally Bayola sa harap ng camera ay matinding pagsubok naman ang hinaharap nito sa tunay na buhay.

Inamin ng TV host-comedian na sikat ngayon sa Pilipinas at sa iba’t iba pang bahagi ng mundo bilang si Lola Nidora sa kalyeserye ng Eat Bulaga, na hanggang ngayon ay patuloy silang nakilipaglaban para sa paggaling ng anak niyang si Rian na may sakit na kanser.

May orbital tumor ang kanyang 18-year-old daughter at limang taon pa ang hihintayin upang ganap na madeklarang cancer-free ang dalaga.

Dalawang taon nang sumasailalim sa medication ang anak. Kuwento ni Wally sa interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, “Simula nung nadiskubre namin na meron siya nito, sobrang pagsubok sa amin yun.

Hanggang sa paunti-unti na na-survive namin yung mga pangangailangan. “Kailangang matapos niya yung chemotherapy niya, tapos ngayon under medication siya.
Five years pa bago malaman kung talagang total free na siya o puwedeng bumalik (ang cancer). Ngayon nakadalawang taon na siya, may tatlong taon pa,” kuwento ni Lola Nidora.
Lahat daw ay gagawin ni Wally at ng asawang si Riza para gumaling ang kanyang anak. Pagmamalaki naman ng kanyang misis tungkol sa ko- medyante, “He’s very responsible.

Hindi niya talaga kami pi- nabayaan kahit kailan, yung mga bata. Yun yung pinakaano du’n, hindi niya kami iniiwan. Ang bait. Mabait naman si Wally. May konting kalokohan, malaking kalokohan siguro…pero mabait, mabait na tao.”
Natanong si Wally kung paano niya nagagawang magpatawa sa telebisyon sa kabila ng pinagdaraanan nila, “Iniisip ko na lang, ‘O, mamaya ka na.

Mamaya na lang. Mamaya na ‘yang emo-emo, ha. Lola Nidora muna ako.’ Kasi ilang oras lang naman ito, e. Pagkatapos ng Lola, ‘O, balik ka ulit. Bahala kang magmukmok diyan sa gilid.'”

Marami na ring pinagdaanan si Wally sa buhay, kabilang na riyan ang paglabas ng sex video niya. Pero sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa niya noon, muli siyang binigyan ng second chance at nakabalik pa sa Eat Bulaga.

Paano nga ba niya nagawang makabawi? “Mahirap na magkamali ka muna bago ka matuto. Much better na matuto ka nang matuto ng hindi ka nagkakamali.”

Nagsimulang bumango muli ang pangalan ni Wally nang gampanan niya ang iba’t ibang karakter sa “Problem Solving” segment ng Eat Bulaga, pero ang pinakasikat nga sa lahat ay ang kanyang Lola Nidora role sa kalyeserye ng Eat Bulaga na siyang kontrabida sa pagmamahalan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay.

0

0

Rufa Mae namaga at nagkabukol sa mukha; doktor sinisi



Nag-explain si Rufa Mae Quinto kung saan niya nakuha ang mga pasa niya. “My left face, [may] bukol, pasa. Nahimatay ako for 5 minutes on the floor.

Wait for my other pics, pati nose ko super pasa at namaga. Finished na, kaya I can share na para wag na maranasan ng lahat,” tweet niya.
Apparently, Rufa Mae underwent four surgeries at nakuha niya ang mga pasa as complication ng pinagdaanan niya.

Obviously, ang kanyang doctor ang kanyang sinisisi sa nangyari sa kanya when she said, “I always say choose your doctor and if pwede, mag-first, second, and third opinion tayo guys.

Wala akong sama ng loob sa dark scary kong doctor. Forgive and forget. Pero sana next time, wag nang maulit sa iba. And be hygenic para walang infection (na) maganap.”

“I had to experience this pa para masabi ko na don’t be afraid, may purpose pa ako. ‘God said wake up!'” dagdag pa niya.

Monday, August 31, 2015


..pumasok ako bilang artista noong late 40s ....hindi ako taga LVN o Sampaguita ....



    ..pumasok ako bilang artista noong late 40s

....hindi ako taga LVN o Sampaguita kundi isa akong taga Premiere Productions na pinasikat ng mga Santiago

Sino Ako?



...seksi ang napangasawa ko ...sayang nga lang maga akong pinatay


...magaling akong action star

...sumikat ako sa dekada 60s

...seksi ang napangasawa ko

...sayang nga lang maga akong pinatay

SINO AKO?

ang mga litratong ito ay hindi madali pang difficult ito Sino kaya ang makapagsasabi ng kumpletong pangalan ng tatlong.......


ang mga litratong ito ay hindi madali pang difficult ito

Sino kaya ang makapagsasabi ng kumpletong pangalan ng tatlong babaeng ito sa bakuran ng LVN Pictures?

Saan kaya hango ang pelikulang.....


Saan kaya hango ang pelikulang ito ?

....ang pelikulang ito ay pelikula pa noong 60s ...sino ang kasama ni Bernard Bonnin sa larawang ito .....


....ang pelikulang ito ay pelikula pa noong 60s

...sino ang kasama ni Bernard Bonnin sa larawang ito na isa rin sa kanyang kapareha sa pelikulang ito

...ang babae sa larawan ay isang mang-aaawit sa Amerika

SINO SIYA?

Anong Ganda Mo (1941) - Rogelkio dela Rosa & Norma Blancaflor




ANONG GANDA MO

 (1941)

Sampaguita Pictures

Rogelio de la Rosa

Norma Blancaflor

Angel Esmeralda

Gerardo de Leon
(direction)

Hustisya (2014) - Nora Aunor & Rocco Nacino



A woman fights for her soul in the belly of the city

Biring (Nora Aunor) is a foul-mouthed woman who works for Vivian, her townsmate in Bicol province. Vivian operates a human trafficking agency controlled by a powerful syndicate. But Biring sees no evil, hears no evil. She cares only for herself.

But when she is framed up for a murder committed by Vivian, she is forced to confront realities. She experiences the slow grind of justice in the Philippines. She learns of the corrupt practices of the powerful syndicate behind Vivian. And she realizes the utter helplessness of it all.

Gerald, her young enterprising lawyer, is correct---in a society like ours, you have only two choices---to be a victim, or a victimizer.

She makes her choice.

She lets Gerald transform her, like a Pygmalion. She goes through a slow but steady descent into corruption and evil. Until in the end, she is finally like Vivian herself. 

Hustisya (2014)

Nora Aunor

Rocco Nacino

Rosanna Roces

Sunshine Dizon

Gardo Versoza

Jeric Gonzales

Romnick Sarmenta

Ricardo Lee (writer)

Joel Lamangan (direction)


Hustisya (2014) - Nora Aunor & Rocco Nacino


A woman fights for her soul in the belly of the city

Biring (Nora Aunor) is a foul-mouthed woman who works for Vivian, her townsmate in Bicol province. Vivian operates a human trafficking agency controlled by a powerful syndicate. But Biring sees no evil, hears no evil. She cares only for herself.

But when she is framed up for a murder committed by Vivian, she is forced to confront realities. She experiences the slow grind of justice in the Philippines. She learns of the corrupt practices of the powerful syndicate behind Vivian. And she realizes the utter helplessness of it all.

Gerald, her young enterprising lawyer, is correct---in a society like ours, you have only two choices---to be a victim, or a victimizer.

She makes her choice.

She lets Gerald transform her, like a Pygmalion. She goes through a slow but steady descent into corruption and evil. Until in the end, she is finally like Vivian herself. 


Hustisya (2014)

Nora Aunor

Rocco Nacino

Rosanna Roces

Sunshine Dizon

Gardo Versoza

Jeric Gonzales

Romnick Sarmenta

Ricardo Lee (writer)

Joel Lamangan (direction)