a blog and Super Collections for all Classic Tagalog Movies and Actors from 1912 to 2016 from famous and not so famous Movies in the Philippines, Actors and Actresses, Directors, Movie Company and Great Actors of Silent Films from Prewar up to the Present of Movie Video, Bluffs and other happenings and Award Giving Bodies.
Thursday, September 24, 2015
Ningning (Makati & Sta Ana, Manila) - September 22, 2015
Labels:
Ningning taping
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Lance, Ibunuyangyang lahat sa pelikulang Esoterica Manila
Ano ba itong nabalitaan namin na halos lahat ng mga scenes ni Lance Raymundo sa pelikulang Esoterica Manila ay pawang mga nude scenes???
Oh, my.
Kaya naman pala nu’ng may nakapunang blogger na kung bakit ang ipinakitang eksena ni Lance sa trailer ng nasabing pelikula ay iyong nahulog siya sa isang mini-pool, very confident at hindi affected si direk Elwood Perez kung sakali man daw na sitahin siya nu’ng pakialamerong blogger na iyon.
“Handa na ako sa isasagot ko kung sakali mang may isulat na hindi maganda ang blogger na iyon”, sey daw ni direk Elwood kay papa Lance. “Ang isasagot ko: ano pa ba ang ipakikita ko sa trailer, eh, halos lahat ng eksena ni Lance sa pelikula namin ay nakahubad siya at naked to-the-max! Alagay namang iyon ang ipakita ko sa trailer ng movie namin, eh, di nawala ang suspense!”
Tawa lang daw ng tawa si Lance nang sabihin ito ni direk Elwood sa kanya. Kaya naman pala nanahimik na ang blogger na iyon at hindi na nag-complain sa exposure ni Lance sa trailer. In fairness naman kasi kay direk Elwood, maganda naman ang exposure ni Lance sa trailer dahil pinakita pa doon ang Fidel movie clip (Lance’s solo film made in the year 2011) ni Lance na kung saan ay akap-akap siya ng veteran actress na si Snooky Serna.
Plus, maganda ang billing ni Lance sa said movie na pagbibidahan ni Ronnie Liang at second lead naman si Vince Tanada. Special participation lang si Lance sa pelikulang ito but he provided great support to both Ronnie and Vince in the said film that tackles issues about LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders) community.
“This is my first film na may pagka-homosexual ang theme”, sabi ni Lance sa isang blogger. “But I cannot reveal my role here. I signed kasi a contract with direk Elwood na huwag ko munang i-reveal sa media people ang role ko sa pelikula. I guess, it’s direk Elwood’s own way of packaging his film. And I agreed naman and I signed nga the contract of agreement.”
All Lance could say now about the film Esoterica Manila is:
“It’s the first time in the Philippines na magkaroon ng ganitong klase ng pelikula about homosexuals and lesbians”, anya pa. “And my role/character in this film is something so different that I have never done before! It’s such a brave movie! And I hope my fans won’t get disappointed kapag napanood na nila ako dito!”
Bakit, may ‘man-to-man’ love scenes kaya si Lance sa movie na ‘to?
“No, wala naman”, sagot niya. “Leave that to Dennis Trillo and Tom Rodriguez. But no offense meant to them. Hindi pa ako payag sa ganu’ng klase ng karakter sa pelikula. Basta ang masasabi ko, I have nude scenes in the movie!That’s all I can say for now.”
Oh. no.
Tunay namang ka-abang-abang kung ganu’n ang pelikulang Esoterica Manila. Nariyan pa sina Ronnie Liang at papa Vince Tanada na marami ring nude scenes sa pelikula! Grabe!
Iba talaga ang ‘touch’ ni direk Elwood in convincing male actors to do those provocative scenes, di ba???
Labels:
2014,
Esoterica Manila (2014) - Ronnie Liang & Vince Tanada,
Gay Movie,
Lance Raymundo,
Tabloid
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Ronnie Liang nagpasilip ng birdie sa ‘Esoterika: Maynila’
SINIGURO ng singer-actor na si Ronnie Liang na hindi mabibigo ang manonood, lalo na ang mga beking nagpapantasya sa kanya, sa kontrobersiyal na pelikula nilang “E-soterika: Maynila” na idinirek ni Elwood Perez.
Sa presscon ng pelikula kamakailan, sinabi ni Ronnie na masa-shock at tiyak na maiiskandalo ang mga viewers kapag napanood nila ang unang pagsabak niya sa indie movie, ang debut film production ng T-Rex Productions in cooperation with the Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Nagsimula na itong ipalabas noong Miyerkules sa Shang Cineplex, Edsa Shangri-La Mall at tatagal hanggang Sept. 29. Kasama rin dito sina Vince Tañada, Boots Anson-Roa, Carlos Celdran, Snooky Serna, Lance Raymundo, Jon Hall at marami pang iba.
Ang “Esoterika: Maynila” ay tungkol sa isang binatang promdi na mapapasabak sa iba’t ibang pagsubok sa Maynila, kabilang na ang pakikipagrelasyon niya sa transgender.
Pero alam n’yo ba na hindi pala si Ronnie ang first choice para maging bida sa nasabing proyekto? Si Hayden Kho ang unang napili ni direk Elwood Perez para sa “Esoterika” pero tinanggihan niya ito dahil sa maseselang eksena.
Hanggang sa makita ni direk Elwood ang isang billboard ni Ronnie sa Edsa (endorsement para sa isang brand ng cologne) na aniya’y perfect din sa role.
Ayon kay Ronnie, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto dahil napakaganda ng materyal. I-namin niyang natakot din siya nu’ng una dahil kailangan nga niyang maghubad, pero siniguro sa kanya ni direk Elwood na aalagaan nito ang mga maseselan niyang eksena.
Marami naman sa nakapanood na rito (nu’ng ipalabas ito sa 10th Cinema One Originals) na malaki ang posibilidad na maging next Coco Martin si Ronnie na nagsi-mula rin sa mga sexy at gay-themed indie films tulad ng “Masahista” at “Serbis”.
“First time ko maghubad na may frontal nudity. Hindi lang ganoon ka-grabe because of the MTRCB. Pero meron. Kung paano
namin ginawa ‘yun, panoorin na lang nila. Siguradong magugulat sila sa mga ginawa ko,” ani Ronnie nang makachikahan namin after ng presscon.
“Sabi ko nga, pumayag akong gawin ito para maipakita sa mga tao na hindi lang ako singer, na kaya ko ring gumawa ng mga proyektong out of the box, yung magbibigay ng bagong challenge sa career ko.
“This is something new I can offer to the public. Siyempre una parang medyo nahihiya pa, pero, nu’ng nag-shoot na at nasanay na, medyo na-ging okay na, lahat ibinigay ko para hindi mabitin ang mga manonood,” chika pa ng binata na game na game nakipaghalikan at nakipag-love scene sa kapwa lalaki.
Sa isang panayam naman, sinabi ni direk Elwood na bilib na bilib siya sa akting ni Ronnie sa pelikula, “If you go through my filmography, you will notice that I’ve worked with se-veral newcomers in their launching pictures. Ronnie is one of the best and probably the most winsome. He delivers a luminous performance.
“It took exactly three days for me to realize where he was coming from. Although fully equipped with experience gained through several acting workshops, he thoroughly succeeds and makes his attack seem unstudied and effortless,” paliwanag pa ni direk.
Kamakailan, ang “Esoterika: Maynila” ang tumanggap ng Film Critics’ Choice Award sa nakaraang 62nd FAMAS Awards. Naimbitahan din ito para maging opening film sa 22nd Filipino Arts & Cinema International Film Festival sa San Francisco, California ngayong October. Maging ang direktor nitong si Elwood Perez ay gagawaran din ng Lifetime Achievement Award for his contribution to the growth and development of the Filipino motion picture industry.
Labels:
Bandera Chikka 2015,
ervin santiago,
Ronnie Liang
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
American singer Bryan White abot-langit ang pasalamat sa AlDub
ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng American singer na si Bryan White kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil muling sumikat ang kanta niyang “God Gave Me You” na isa sa mga original theme song ng kalyeserye ng Eat Bulaga.
Maituturing na ang “God Gave Me You” ang pinakasikat na Dubsmash song sa kalyeserye ng Eat Bulaga at sa pamamagitan nga ng Twitter ay i-pinaabot ni Bryan ang kanyang taos-pusong pasasalamat kina Alden at Yaya Dub.
“I want 2 personally thank @mainedcm @aldenrichards02 for allowing #GGMY to be a part of #ALDUB. I’m humbled and honored. #ALDUBNextChapter — (@bryan_white)!” ang tweet ng international singer.
Nang mabasa nina Yaya Dub at Alden ang mensahe ni Bryan, agad din silang nagpasalamat dahil sa pagbibigay importansiya sa kanila ng American singer. Sa Twitter din idinaan ng AlDub ang kanilang thank you message. Ani Maine, “Pleasure is ours! More power to you, Bryan! Hope to see you perform live soon!”
“Sey naman ni Alden, “@bryan_white we thank you for the beautiful song sir, it inspires a lot of people to be better and align themselves to God. See you soon po.”
Agad namang ni-retweet ni Bryan ang mga mensahe nina Yaya Dub at Alden, kasabay ng pagsagot nito sa tweet ni Alden, aniya, “Thanks brother. I’m honored. Grateful u and so many have made it such a part of their lives. Yes see u soon! #GGMY.”
Kamakailan, kinumpirma ni Bryan na pinaplano na rin ang pagbisita niya sa Pilipinas para sa isang espesyal na concert. At siyempre, tuwang-tuwa naman ang AlDub fans at nag-request pa nga ang mga ito na imbitahan sina Alden at Maine para haranahin ang dalawa nang personal.
Ayon pa kay Bryan, inaayos na ng kanyang management team ang pagpunta niya sa Pilipinas upang pagbigyan ang requests ng mga nagtu-tweet sa kanya. Nag-post pa nga si Bryan ng litrato sa Twitter na naka-pabebe wave at may hawak na fan sign na may nakasulat na: “#GGMY #ALDUBYOUALL” Coming to see you soon. Thank you for so much support. So grateful that God Gave Me YOU! #GGMY #ALDUBNextChapter.”
Labels:
Tabloid
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Billy kay Coleen: Alam kong kasama kita hanggang mamatay ako!
Sa Instagram idinaan ng It’s Showtime at Celebrity Playtime host na si Billy Crawford ang kanyang 23rd birthday greeting sa kanyang girlfriend na si Coleen Garcia kahapon.
“Happy happy birthday to you my everything. You’ve been through ups and down your entire life. But you still grew up to be the toughest, loveliest, hardworking, amazing, beautiful, God fearing, understanding and patient person I have ever encountered.
“I thank God for you every single day. You deserve the best and nothing less. I am so happy knowing I have you in my life until the day I die. Even if you’re still at work, hopefully you enjoy your day cause you need it. I love you so much!” caption ni Billy sa picture nila ni Coleen.
Nagpasalamat naman si Coleen dahil nag-effort talaga si Billy na makarating sa Tagaytay para sa kanyang birthday salubong.
Sa presscon ng bagong game show ng ABS-CBN na Celebrity Playtime sinabi ni Billy na bibisita rin sila sa Hospicio de San Juan sa Sabado, “Gusto niyang tulungan at mag-party doon,” he said. “Yes, may gift ako sa kanya and may inihanda para sa kanya.”
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Bagong pelikula ni Ate Guy tsugi agad sa sinehan; walang bumibili ng tiket
NORA Something has really lost her charisma. She’s now a box office poison. We’re saying this because her latest movie, the one directed by Brillante Mendoza, was not screened as scheduled. Wala raw kasing bumili ng ticket para manood.
One movie writer and reviewer went to a mall to see Nora’s movie but he was disappointed to learn na na-cancel ang movie dahil wala ibang manonood kundi siya lang. Na-cancel din ang screening nito sa iba pang mga sinehan.
Where are Nora’s avid fans? Bakit tila pinabayaan nila ang kanilang idol to think na todo suporta sila rito noong magwagi ito ng award recently. Bakit iniwan nila sa ere ang laos na Superstar? Clearly, hindi na panahon ni Ate Guy ngayon. Wala na siyang supporters like before na dinudumog ang kanyang mga palabas.
Parang first time nangyari na na-cancel ang first-day screening ng isang movie. Ang usual kasi, first day, last day ang ganap pero this time iba ang scenario. Sayang naman kung hindi mapapanood ng fans ni Ate Guy ang ipinagmamalaking movie ni Brillante.
Labels:
Alex Brosas,
Bandera Chikka 2015,
nora aunor
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Pagkontra ni Sheryl sa pagtakbong pangulo ni Grace gimik lang?
MARAMI raw mga taga-entertainment press ang nagtampo sa sinabi ni Sheryl Cruz na hindi pa raw panahon para sa pinsan niyang si Sen. Grace Poe ang tumakbo ito sa pagkapangulo.
Bakit naman sila magtatampo kay Sheryl? Why can’t they just understand or respect Sheryl’s decision eh karapatan niya i-yon? Kahit sino sa atin ay may kaniya-kaniyang choices kung sinu-sino ang iboboto natin sa anumang halalan. Just because pinsan ni Sheryl si Sen. Grace ay kailangang automatic na sasang-ayon na lang siya kung labag naman sa kalooban niya?
Not because she doesn’t like her to run now ay i
big sabihin nang hindi niya mahal ang pinsan niya.
Malinaw naman ang pagkasabi ni Sheryl na hindi pa right time for her Manang Grace to run for president sa 2016 – puwede pa raw sa 2022. That’s perfectly right kung kami rin ang tatanungin tungkol dito. Kumbaga, too soon for Sen. Grace to run for the highest position of the land.
Hindi porke anak siya ni late FPJ and veteran actress Ms. Susan Roces ay tiyak nang mananalo siya. Eh kung ang late dad nga niyang tumakbo before ay natalo, siya pa kayang anak lang.
For Sheryl to say what she truly felt took a lot of courage – pero nasabi niya nang maayos. She was not fighting her cousin naman – ang sinasabi ni Sheryl ay hindi right time – kumbaga hindi pa hinog ang pinsan niya to run dahil pag pinagpilitan nila itong tumakbo, mas lamang na matatalo ito.
Yes, she may be very po-pular sa surveys – pero huwag nating kalimutang hawak ng administrasyon ang makinarya.
Huwag din nating kalimutang malakas din talaga si VP Jejomar Binay na nakauna nang umikot sa buong bansa. Kaya walang guarantee na sikat si Sen. Grace Poe para makasigurong ma-nanalo siya. Show of concern lang yung kay Sheryl and that should be taken positively.
Dapat nga magpasalamat pa ang buong angkan ni Sen. Grace that there’s someone like Sheryl in their family na nagbubukas ng isipan nila – that she is not ripe to run for presidency. Iba yung ripe to become president at iba rin ang ripe to run for presidency. These are two different scenarios and I admire Sheryl for doing so.
Kung tutuusin pa nga, mas dapat pa nilang ipagpasalamat ang ginawa ni Sheryl at lalong napag-u-sapan ngayon si Sen. Grace. Kung iisipin mo nga, baka strategy pa nila ito para lalo silang lumakas sa media mileage. We wouldn’t know – alam niyo naman kung gaano kagulo at kadumi ang politics, di ba?
Maraming mga ganap na hindi natin mawari minsan.
Kaniya-kaniya tayo ng choices kung sino ang iboboto natin sa susunod na halalan. Some choose those who have helped them in the past – some say, “Naku, mga hinayupak na iyan. Magagaling lang pag nangangampanya pero pag nakaupo na hindi mo na malapitan. Kaya doon na lang ako sa pinakikinabangan ko”.
Totoo naman, eh. More often than not, yung mga dati nating minanok na naupo ay deadma na during their entire term pero pag malapit na ang halalan, parang mga maaamong tupang nakikipagkaibigan sa atin. Sumisimpleng nakikiusap pero pag nakaupo na, ni anino nila ay hindi mo na makikita.
Pag may kailangan ka sa kanila ay pagpapasa-pasahan ka hanggang sa mainis ka na lang. Kaya tama pa yung may attitude na kung kanino siya may pakinabang doon siya. Hindi mo sila masisisi kasi halos karamihan namang lumalabas ay matatalino nga sana pero mas masahol pa sa pobol pag nasinagan na ng salapi.
Pera
lang naman ng bayan ang habol ng karamihan sa mga iyan eh. And that power na very addictive. Hay naku, sa eleksiyon ngayon, kuwartahan na lang ang mga kandidatong iyan para patas ang laban, ok?
Labels:
Bandera Chikka 2015,
grace poe,
Jobert Sucaldito,
Sheryl Cruz
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Subscribe to:
Posts (Atom)
































































































































