Thursday, April 25, 2019

Pacita del Rio (September 23 1923 - November 13 1989)


Pacita del Rio 



Si Pacita del Rio ay isa sa mga tinitingalang kontravida bago p magkagiyera.  Helen Johnson ang tunay niyang pangalan at ipinanganak noong September 23 1921.  Karamihan sa kanyang papel ay mistress o babaeng nang-aagaw ng sawa, katunayan pito (7) sa pelikula ni Carmen Rosales ay siya ang kontrabida kaya lalo siyang nakilala hanggang dumating ang mga Hapon sa Pilipinas .

Ako'y Maghihintay ang una niyang pelikula noong 1938 at sinundan ito ng Arimunding-Munding kung saan siya ang kontrabidang babae sa buhay nina Jose Padilla Jr at Carmen Rosales, nakagawa pa siya ng apat na pelikula tulad ng Lihim ng Kapatid (1940), Ave Maria (1940), Ikaw Pa Rin (1940) at ang kahuli hulihan ay Dating Sumpaan na pawang sa ilalim ng Excelsior Pictures.

Lumipat siya sa LVN Pictures at nakagawa naman siya dito ng 2 pelikula ang Patawad (1940) ni Purita Santamaria, Maginoong takas (1940) kabituin ni Leopoldo Salcedo at Mila del Sol.

Noong 1941, nagbalik kontrabida siya sa buhay ni Carmen Rosales sa ilalim naman ng Sampaguita Pictures ilan dito ay Carmen (1941) ni carmen Rosales at Jose Padilla Jr, Prinsesita (1941) kabituin sina Jose Padilla Jr, Carmen Rosales at ang noo'y  dalagitang si Linda Estrella, Mariposa (1941) bilang kontrabida ni Corazon Noble at Angel Esmeralda, Panibugho (1941) nina Corazon Noble at Jose Padilla Jr, sa iyong Kandungan kasama sina Corazon Noble at Ely Ramos, 

Bago pa man maganap ang Pangalawang Digmaang pandaigdig si Pacita ay nakagawa ng ilang pelikula tulad ng Sa Iyong Kandungan (1941) kasama sina Corazon Noble at Ely Ramos, Tampuhan (1941) kasama sina Carmen at Rogelio at ang kahuli-hulihan niyang pelikula bago mag WWII ay ang Palikero (1941) kabituin si Jose Padilla Jr

Pagkatapos sumiklab ang Pangalawang Digmaan noong 1946 ay nagbalik pelikula siya sa Ligaya (1946) sa ilalim ng Oriental Pictures at ang pagbabalik niya sa Sampaguita Picture ang Si Si Senorito (1947) kabituin si Oscar Moreno.

Nakagawa din siya ng isnag pelikula sa produksyon ni Fernando Poe Sr. ang Anak-Pawis (1947) at dalawang LVN Pictures ang Oh Salapi kasama sina Pugo at Tugo at ang hulign pelikula niya ang Waling-Waling (1948) ni Rebecca Gonzalez.

Mayroon siyang isnag anak si Bernard Johnson na hindi nag-artista 

Siya ay binawian ng buhay noong November 13, 1989 sa San Diego, California sa edad na 69. 

1938 -Ako'y Maghihintay [Excelsior]
1939 -Arimunding-Arimunding [Excelsior]
1939 -Pag-ibig ng Isang Ina [Phils. Artist Guild]
1939 -Matamis na Kasinungalingan  ?
1940 -Lihim ng kapatid [Excelsior]
1940 -Ave Maria [Excelsior]
1940 -Ikaw Rin [Excelsior]
1940 -Patawad (Lvn Pictures)
1940 -Maginoong Takas [Lvn]
1940 -Dating Sumpaan [Excelsior]
1940 -Alitaptap [Waling-Waling]
1941 -Ibong Sawi [Excelsior]
1941 -Carmen (Sampaguita Pictures)
1941 -Princesita [Sampaguita]
1941 -Mariposa [Sampaguita]
1941 -Panibugho [Sampaguita]
1941 -Sa Iyong Kandungan [Sampaguita]
1941 -Tampuhan [Sampaguita]
1941 -Palikero [Sampaguita]
1946 -Ligaya [Oriental]
1947 -Si, Si...Senorito [Sampaguita]
1947 -Bisig ng Batas [McLaurin Bros.]
1947 -Oh, Salapi! [Lvn]
1947 -Anak-Pawis lPalaris]
1948 -Waling-Waling [Lvn]

Filmography by Edgar Ebro 


No comments: