Tuesday, November 3, 2015

Dahil sa pagtawag sa kanya ng ‘aswang’ ni Joey Pokwang kinuhang bida sa horror movie ni Direk Wenn




DAHIL sa pagtawag noon ni Joey de Leon ng “aswang” kay Pokwang nabuo ang konspeto sa isip ng box-office direktor na si Wenn Deramas na gawan ng ganitong role sa pelikula ang komedyana.

That incident happened in 2008 noong kasagsagan ng tapatan ng Eat Bulaga at noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN, at dahil doon, nag-iiyak si Pokwang at na-depress.
“Sabi ko sa kanya, ‘Bakla, huwag ka nang ano, gawin nating pelikula. Gawin nating pelikula. Aswang ka sabi ko.’ Na-inspire ako na gumawa ng movie kay Pokwang dahil doon kasi nga ‘yung mga sinasabi naman ni Joey de Leon ay hindi rin naman ‘yan seryoso, ‘di ba? E, ‘di gawin mong katatawanan, pagkakitaan mo.

At saka for sure hindi rin mini-mean ng masama ni Joey ‘yan. Huwag ta-yong umiyak-iyak,” esplika ni Direk. Agad-agad ay may nabuong kuwento si Direk Wenn pero inabot pa ng ilang taon bago finally ay pinakawalan si Pokwang ng kanyang mother studio at ipahiram sa Viva Films para sa “Wang Fam.” Pitong taon naghintay si Direk Wenn kay Pokwang para sa “Wang Fam.”

“Hindi naman,” sambit niya nang tanungin king hindi siya nawalan nang gana sa nasabing proyekto. “Kasi siyempre meron ding time na, ‘Huwag na nga,’ ganoon. Kung ayaw nila huwag.’ But, kahit sinasabi nina Boss Vic (del Rosario), o ibigay kay Ai Ai (delas Alas), bigay kay Uge (Eugene Domingo), hindi pa rin.

Hindi ko pa rin ibinibigay. Kasi nga, si Pokwang naman ay wala namang atraso sa akin dahil kung siya ang masusu-nod gustung-gusto niyang ga-win, ‘yung ganoon.”

Iniintriga naman ngayon si Direk Wenn kung sino ang mas mahal niya ngayon, si Pokwang ba o ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas? “Ay, huwag naman tayong ganoon. Huwag naman, naman! Ha-hahahaha!”
Aminado naman si Direk Wenn na miss na niya si Ai Ai na makatrabaho sa set, “Naman! At eto ka, kumapit ka muna. Magbabalikan kami ni Ai Ai sa 2016, sa Regal.”

Nag-usap na raw sila ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. Pero wala pang pirmahang nagaganap, “At eto ang sinabi ni Mother, ‘Ako tipid-tipid, ha. Maraming pelikula maliit.

Pero dahil ikaw ito, bigay ko lahat ang pera. Mayaman ako!’ sabi ni Mother Lily. ‘Ako hindi tipid sa ‘yo,’ sabi niya. ‘Ako hindi post-dated (checks) sa ‘yo,’ ohhh! Naman! Wala raw tipid-tipid kay Wenn Deramas.”

Inamin naman ni Direk na kailangan niya ang Regal Fims para sa kanyang filmography, “So, kahit ano’ng mangyari kailangan kong gumawa sa Regal Films because sabi ko, lumaki ako na ‘yan ang pinapanood ko.
At nakakagulat kay Mother, kinu-kwento niya ang mga pelikula kong napanood niya.” May naisip na raw na title at konsepto si Direk Wenn sa pelikulang gagawin niya sa Regal Films pero ayaw muna niyang ipasulat.

Kailangan pa raw niyang ipaalam sa Viva boss na si Vic del Rosario. After ng “Wang Fam,” ta-tapusin niya ang “Beauty And The Bestie” movie nina Vice Ganda at Coco Martin for 2015 MMFF. And then, i-susunod na niya agad ang “Butsoy” na launching movie ni Alonzo Muhlach.

“Teleserye? Meron, kasi kakapirma ko pa lamang ng bagong kontrata para sa another tatlong taon with ABS-CBN. Forever ako diyan.” Posible rin na gawin ni Direk Wenn next year ang balik-tambalan nina Claudine Barretto at Piolo Pascual sa big screen, ang “Pinilit Kong Limutin Ka.”

Anyway, kasama rin sa “Wang Fam” movie ni Pokwang sina Benjie Paras, Wendell Ramos, Andrei Paras, Yassi Pressman, Candy Pangilinan, Joey Paras, Dyosa at Alonzo Muhlach. Showing na ito sa Nov. 18



No comments: