SALUDO kami kay Vice Ganda dahil marunong siyang tumanggap ng pagkatalo, hindi naman niya itinago na talagang naungusan na sila ng Eat Bulaga in terms of ratings game.
Ang panawagan lang ni Vice na isinapubliko nga niya sa It’s Showtime noong nakaraang Sabado na huwag nang mag-away-away ang fans sa social media tungkol sa kung sino ang number one na programa sa pagitan ng Showtime at Eat Bulaga dahil personally, magkakaibigan daw sila ng mga host ng EB.
Sa ganang amin ay bakit para-ting si Vice Ganda ang nagsasalita in behalf of Showtime? Bakit siya na lang lagi ang naglalabas ng kanyang saloobin tungkol sa mga isyu? Dahil ba si Vice Ganda lang ang may balls sa programa?
Baka puwedeng iba naman ang magsalita o humarap sa mga isyu, baka may iba rin naman silang gustong sabihin o ipaliwanag.
Obserbasyon kasi namin bilang ordinar-yong manonood kung parating si Vice ang nagpapaliwanag o nagsasalita tungkol sa mga isyu ng Showtime at Eat Bulaga, e, hindi na namin siya pakikinggan kasi iisa lang naman ang sinasabi, kumbaga nakakasawa na, papasok sa isang tenga at lalabas na lang sa kabila.
At dahil sawa na nga kaming makinig kay Vice, e, iba-bash na lang namin siya para lalong gumulo lalo’t pumapatol naman siya sa bashers kaya walang katapusan ang gulo sa social media.
Kaya ang suhestiyon sana namin bakit hindi subukan ng executives ng Showtime na iba naman ang magsalita in behalf of the show at hindi parating ang TV host-comedian.
Ito rin ang su-hestiyon namin sa nakausap naming taga-Dos, at ang balik-tanong niya sa amin, “May makikinig ba, e, si Vice lang naman ang pinakikinggan ng lahat.” Ang sabi namin, bakit hinuhusgahan naman masyado ang ibang hosts?
Baka naman may iba rin silang opinyon na puwedeng pakinggan ng masa. Naniniwala kami na halos lahat ng co-host ni Vice sa Showtime ay may gusto ring i-share sa lahat ng madlang pipol at sa mga netizens na walang ginawa kundi magkumpara kung sino ang panalo o hindi.
No comments:
Post a Comment