Speaking of Pasion de Amor, dahil nga sa mainit na pagtangkilik ng manonood sa serye, nagdesisyon ang ABS-CBN na gawan agad ito ng book 2.
Bukod kina Ellen at Ejay, makakasama pa rin dito sina Jake Cuenca, Arci Munoz, Joseph Marco at Coleen Garcia.
Nanatili itong nasa top 5 na weekday programs na pinakapinapanood sa bansa base sa datos ng Kantar Media, at nasa top 5 din na pinakatinututukan ng netizens online sa video-on-demand service na iWant TV.
Noong nakaraang Lunes (Sept. 7), wagi pa rin ito sa sa national TV rating na 23% kumpara sa bagong lunsad nitong kalabang programa na may 10.3%.
Kaya humanda na kayo sa pagpapatuloy ng kuwento ng mga Samonte. Humanda na sa pagbaliktad ng kanilang mga mundo dahil ang dating inaapi ay babangon na ngayon at magkakaroon ng kapangyarihan.
At humanda rin sa mas matitinding hubaran at love scene sa serye. Dito na rin papasok ang mga panibagong karakter na sina Eduvina, Maryo, at Elle na gagampanan nina Pilar Pilapil, Pen Medina at Kazel Kinouchi.
Siyempre, hindi pa riyan nagta-tapos ang mga pasabog dahil ang babaeng puno’t dulo ng galit at paghihiganti nina Juan, Oscar at Franco ay magbabalik na.
Paano nga ba nakaligtas si Gabriela (Teresa Loyzaga) mula sa pagkahulog sa bangin? Sa kanyang pagbabalik, anong kasamaan ang idudulot niya sa magkakapatid? Paano siya tatanggaping muli ng mga anak na sina Norma, Sari at Jamie?
Tutukan sa Primetime Bida ang Pasion De Amor, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.
No comments:
Post a Comment