Monday, September 14, 2015

Jessy inaatake ng depresyon, sumbong sa nanay: Mama, hindi naman kasi ako sikat!





Kung nagpupuyos sa galit noong mga nakaraang araw ang nanay ni Jessy Mendiola na si Mrs. Didith Garvida, tila lumambot na ang puso nito kahapon sa isyu ng pambabastos ni Enrique Gil sa kanyang anak na naganap sa loob ng eroplano habang patungo sila ng London.

Sa interview ng Showbiz Konek Na Konek ng TV5 sa mommy ni Jessy, sinabi nitong nais na niyang tapusin ang kontrobersiyang ito. Ang mahalaga raw ay humingi na ng paumahin si Enrique sa anak at sa iba pang taong nasaktan nito.

Matatandaang nagbanta pa si Mrs. Didith na idedemanda si Enrique kung hindi titigil sa pambabastos at panlalait kay Jessy ang fans ng aktor at ng ka-loveteam nitong si Liza Soberano sa social media.

Nang kumustahin ng programa si Jessy, sinabi ni Mrs. Garvida na, “Naguguluhan siya. Nasasaktan siya. She’s sad. Masakit sa kanya yung nangyayari.

Nalulungkot ako kasi, sinasabi niya, ‘Mama, hindi naman kasi ako sikat.’ “So sabi ko, ‘Jessy, you have your own name and they have their own names, so it’s okay.’ Pero sinasabi pa rin niya, ‘Kasi hindi ako sikat na katulad nila.’”
Dugtong pa ng ginang, “Kasi kahit paano she really works so hard where she is right now. Kaya pag sikat man ang anak ko or kahit hindi man siya sikat, she is still my Jessy. Yun lang po ang gusto kong sabihin sa inyo.”

Nasaktan nang todo si Jessy dahil sa masasakit na salitang ibinato sa kanya ng LizQuen fans, tinawag pa siyang “papansin,” “walang proyekto,” “laos” at “kabit.”
Sey ng mommy ni Jessy, “I always tell her to stay strong, because this is life, you have to fight. You know in life, you have to fight.

“There are so many out there na mas malakas sa iyo, but hindi naman ibig sabihin na babae ka, hindi ka malakas. Even the whisper of your voice is enough to make you strong if you are right.”

Ito naman ang mensahe niya para sa anak: “Jessy, on your ups and downs, mahal kita, you know that. I will always fight for you. Even though, I’m so tired with all these things, but I’m here.

“I am your mother, I wish you the best. And you are my only Jessy,” aniya pa.

No comments: