Nagulat ako sa biglang pagdalaw sa akin ng mahal kong anak-anakang singer na si Richard Poon sa aking bahay the other night.
Nagmamadaling kumatok ang kasambahay ko sa room at ang sabi’y, “Sir, nandiyan po ang guwapong singer na si Richard Poon!” at bago pa man ako makasagot ay heto na si Richard sa bandang pinto ng room ko na may dalang gift – dalawang cans of their getting famous chocolate cake baked by her wife Maricar Reyes-Poon.
“Tikman niyo iyan Tito Jobs. Gawa ni Maricar iyan. Iyan ang pinagkakaabalahan niya pag hindi siya busy. We’ve started this small business recently lang.
Try mo lang then balikan mo ako if you like it,” malambing na sabi ni Richard. It’s been a while since the last time na dumalaw si anak Richard sa bahay. Mabuti at hindi naman siya naligaw.
“Sabi ko kay Maricar, dalawin ka namin sa bahay pero since medyo matagal din bago ako nakapunta rito, I told her na subukan ko kung alam ko pang puntahan.
In fairness, hindi naman ako naligaw. Ha-hahaha!” pagmamalaki pa ni Richard sa wife na si Maricar, who was in the car nu’ng ihatid ko siya sa ibaba.
Nagkuwentuhan kaming tatlo sa gilid ng kalsada. Kami ni Richard sa labas lang, while Maricar was at the car window. Nakuwento nila sa akin na grabe na ang orders for their homemade choco liquor cakes.
Online lang ito mau-order and yung mga orders ng clients ay napi-pick-up nila either sa office ng Cornerstone sa Panay Avenue, Q.C. or sa 2nd floor ng SM Megamall.
Kinukulit ko silang mag-asawa kung kailan sila magkakaanak. Medyo matagal na rin silang married pero wala pa rin silang supling.
“Ngayon ay nasa backseat muna ang showbiz sa akin. Paminsan-minsan lang ako lumalabas ngayon dahil gusto ko na ring ma-prioritize ang family namin.
Gusto na rin kasi naming makabuo and hopefully soon. Kasi nga, nu’ng pareho kaming busy, alam mo naman pag taping, di ba? Inaabot ng mada- ling araw and by the time na nakauwi ako, tulog si Richard and by the time I wake up ay pareho kaming may work.
“Nagbawas ako ng workload para maka-concentrate kami. Kaya dito muna ako sa maliit na business namin para busy rin ako while he is singing somewhere,” ani Maricar who looked so lovely and relaxed that night.
Pag-alis nila ay sinimplehan kong tikman ang cake ni Maricar and whoah! Sobrang sarap, the best chocoloate cake I’ve ever tried in my entire life yata.
Kaya ako na mismo ang mangunguna tiyak sa pag-order dito sa following info na ito. Talagang magaling sa business ang mag-asawa. Imagine, kailan lang sila nagsimula pero hindi sila halos magkandaugaga sa sobrang dami ng orders. Kaya tayo, order pa more! Ha-haha!
No comments:
Post a Comment