INIMBITAHAN kami ni kaibigang Direk Frannie Zamora sa grand opening ng Kia Theater (dating New Frontier) sa Cubao, Q.C. the other night kung saan palabas ang musical about the life story ni ex-President Manuel L. Quezon.
Kasama ko siyempre ang baby nating si Michael Pangilinan na galing pa that time sa rehearsal ng “Kanser@35 The Musicale” na kanyang pinagbibidahan.
Pagpasok na pagpasok namin sa theater ay nagsasalita na sa entablado si Mayor Herbert Bautista – a very heartwarming speech for the audience na karamihan ay mga empleyado ng city hall at barangay and many other invited guests like us.
Nakatawag-pansin ang biro ni Mayor Bistek regarding AlDub loveteam and It’s Showtime.
“Sinong nanonood ng AlDub? (nagsigawan ang mga tao sa theater) Kasi nang mag-guest ako sa It’s Showtime, nalungkot ako,” biro niya.
Pero nang makita niyang may mga taga-media biglang bawi si Bistek. “Naku, may mga taga-ABS-CBN pala rito. Joke lang iyon!” aniya pa.
Nakakatuwa ang mga sinabi niya pero parang mali naman iyon. Puwede naman niyang purihin halimbawa ang AlDub without putting down the opponent, di ba? After all, malaki naman ang pakinabang niya sa mga show ng Dos.
Tsaka ang makakapareha pa naman niya sa supposed MMFF entry niya this year ay si Kris Aquino under Star Cinema. Iyan ay kung matutuloy pa dahil lagi ngang nagkakasakit lately si Kris for being so overworked yata.
“It was a bad joke, na-realize ko. I shouldn’t have done that,” aniya nang biruin namin siya sa birthday party ni Mother Lily Monteverde nang makita rin namin siya roon an hour after.
Natakot siguro si Bistek na birahin ng Dos dahil sa kaniyang joke na iyon – very uncalled for nga naman dahil aminin man natin at hindi, affected ang Showtime sa sobrang kasikatan ng AlDub loveteam ng Eat Bulaga.
Milya-milya kasi ang agwat ng rating nila kaya it’s quite painful nga naman pag masyado pang ipinamumukha sa It’s Showtime na talo sila.
Pero iyon naman ay obvious na joke lang ni Bistek kaya huwag namang personalin masyado, okey?
No comments:
Post a Comment