Saturday, July 25, 2015

Jericho nasaktan nang ikumpara ang akting kay Paulo sa ‘Bridges'

HINDI namin nakitaan ng pagkapikon si Jericho Rosales nang ikumpara siya ng ilang kasamahan sa panulat kay Paulo Avelino pagdating sa akting sa ginanap na finale presscon ng Bridges of Love. Pero base sa naging paliwanag niya ay halatang nasaktan siya.
Paliwanag ni Echo, “Yes, I’m always tested by that, I’m a team player, eh. Pag sinabi kong I want to challenge myself and kapag hinarapan ako ng challenge, haharapin ko ‘yung challenge, but of course ‘yung (tanong), may inilalabas kang something negative.
“But there’s a deeper understanding, people just see the television set, but wait, there’s more scenes than you. “I’ve worked 20 years (sa business), I’ve given my heart on it and if people don’t see that, well…My career is not that rising up, it’s how about you give someone a chance to shine, di ba?
“It’s a different landscape now. Now, you don’t see one person being the lead star, but you see three, you always see two, hindi mo na makikitang isa lang.
It’s always about teamwork on how you see. This is his (Paulo) time to shine, I’ll give it to him and hindi ko ipagdadamot iyon kasi I’m not an insecure actor.
“I’ve worked with veteran actors, my validation doesn’t come from tweets or (social media), my validations come from a great job doon sa role na ibinigay sa akin.
At ang most challenging phase sa career ko now is, ‘yung samahan sa set, ‘yung magagandang nangyari sa show,” ani Echo.
Sa tanong kung ano ang mae-expect ng viewers sa pagtatapos ng Bridges of Love, “Puro pasabog na eksena, ang taas ng drama, may mga action scenes, bilang kuya, ipapakita ko ‘yung misyon ko, the value of family.”
Samantala, pawang small projects lang daw muna ang gagawin ng aktor pagkatapos ng Bridges of Love at sa susunod na taon na lang daw ulit siya magte-teleserye.
Speaking of Jericho Rosales ay nabanggit niyang wala na siya sa pamamahala ni Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management at hindi naman nagbigay ng dahilan aktor kung bakit.
Kaya’t tinanong namin si Erickson, “Yup, full Star Magic muna kasi acting ang focus niya dahil sa mga project niya. Sa amin kasi music sana at Star Magic acting, kaya lang kahit sa ASAP20 hindi niya nagagawa (nasisipot) dahil sa commitment.
“So, help kami pag may time na, that’s our arrangement from the start, hati kami ng Star Magic,” aniya.
Sa madaling salita, malinaw na kapag artista si Echo ay ang Star Magic ang mamahala ng career niya at kapag singer na siya ulit, ang Cornerstone.
Susme, akala ko naman kung ano na, e, kasi naman itong si Jericho hindi ipinaliwanag mabuti, iba tuloy ang naisip ng ibang katoto.
Oh well, puwede namang pagsabayin ang pagiging artista at pagiging singer, ‘yun nga lang, mas nakilala kasi si Echo bilang magaling na aktor kaya mas marami siyang offer sa serye a pelikula.

No comments: