Saturday, September 19, 2015

Iza takot na takot mabuntis kaya maghahanap ng surrogate mother





“Gusto kong magpakasal one day pero hindi pa talaga ako handang magkaanak!” Ito naman ang naging pahayag ng isa pang star ng “Etiquette For Mistresses” na si Iza Calzado na halatang takot na takot mabuntis.
Sa nakaraang episode ng Kris TV, sinabi ni Iza na maligaya siya sa piling ng kanyang Filipino-British boyfriend na si Ben Wintle. Nangangarap din siyang maikasal sa kanyang karela-syon pero ang plano niya gumamit muna surrogate mother para sa una nilang magiging anak.
“Gusto ko ikasal one day. Gusto ko maging mother, pero nagde-debate pa talaga ako. Alam ko in the next four years hindi ko pa gustong manganak.
Kaya nga surrogate, so parang iniisip ko baka pwedeng may mag-surrogate muna sa first or se-cond, tapos baka kapag ready na ako baka pwede na,” esplika ng aktres.
Napag-uusapan na rin naman daw nila ni Ben ang kasal pero matagal pa raw itong mangyayari dahil pareho pa silang may ibang priorities, “Gusto ko talaga to get married.
Kasi hindi ako nag-debut. Gusto ko talaga masaya, tapos masarap ‘yung pagkain, sa wedding.”



0


Singer-actress binalaan: Peperahan lang ng negosyanteng BF




HANGGANG ngayon ay marami pa ring nagdududa sa pinasukang relasyon ng isang magandang singer-actress. Hindi na siya bagets, pero may karapatang umibig, sa haba ng panahon ng kanyang pagsasakripisyo sa dati niyang minahal ay dapat lang naman siyang mapremyuhan ngayon.
May mga kasamahan pa rin ang singer-actress na nagdududa sa motibo ng lalaking pinili niyang makasama. Parang natatakot ang mga ito sa kanilang kaibigan.
Nakarating kasi sa grupo ang mga nagdaang relasyon ng lalaki, puro mga kilalang pangalan sa lipunan ang mga ex nito, lumulutang tuloy ang ideya na materyal na bagay lang ang habol ng negosyante sa magandang singer-actress.
Pero pagtatanggol ng isang malapit sa female personality, “Palagi na lang bang pera ang habol ng lalaki sa babae? Hindi ba puwedeng may love muna? Bakit kasi laging motibo ang tinitingnan. Bakit hindi muna tingnan kung maligaya ang babae sa boyfriend niya?
“At saka past is past. Kung ganu’n man ang tingin ng iba sa guy, okey lang, pero paano kung totoong-totoo pala ang hangad niya sa girl? E, napakalaya na namang makipagrelasyon ang girl at ang liga-ligaya niya ngayon, sa totoo lang!” kuwento ng aming source.
Kahit saan sila makita ay punumpuno ng pag-ibig ang kapaligiran. Hindi sila nahihiyang iparamdam ang pagmamahal nila sa isa’t isa, daig pa nga nila ang mga bagets na magkarelasyon, ganu’n na ganu’n.

“Huwag na nilang pakialaman ang happiness ni ____ (pangalan ng magandang singer-actres), sobra-sobrang sakripisyo na ang pinagdaanan niya. Naipakita niya sa buong mundo na napaka-sincere niyang magmahal.

Andi bibida sa bagong version ng ‘Angela Markado’, Polo Ravales isa sa mga rapist





NAGHIHINTAY ang hunk actor na si Polo Ravales sa labas ng ELJ Building (ABS-CBN) nu’ng magkasalubong kami kamakailan. Hinihintay niya ang kanyang sundo na production staff para sa isang pre-production meeting for his new show sa Kapamilya network.
So, nagkumustahan kami and from his end he revealed to us na may ginagawa siya ngayong pelikula. Isa siyang rapist sa remake ng Lino Brocka’s movie na pinagbidahan ni Hilda Koronel, ang “Angela Markado.”
This time, ang unwed mother na si Andi Eigenmann ang gaganap sa remake ng “Angela Markado.” Sinu-shoot na ang movie at malapit nang matapos under Viva Films. Ang isa sa original writers ng “Angela Markado” turned action director na si Toto Natividad ang nagdidirek ng pelikula.

Isa lang si Polo sa mga rapist ni Angela, may iba pang hunk actors na binaggit sa amin pero nabura agad sa aming isipan. Happy kami for Polo kasi maganda naman pala ang takbo ng kanyang showbiz career. Hindi na nga namin siya nausisa regarding his lovelife.
Hopefully, magkita ulit kami ni Polo one of these days. Isa rin si Polo sa mga naging favorite young artists ng Viva noon bilang kalabtim ni Sunshine Dizon.



Kalat na: Sukat ng birdie ni Aljur ibinuking ng Kapuso star




A few days ago, Mo Twister tweeted, “So our guest tonight on @GTWMPodcast just admitted that Aljur Abrenica has a big penis. Damn it!!”

We were clueless as to who revealed that Aljur has a big dong until the podcast interview was uploaded by a website. “I’m a big girl. I need a big one,” said starlet Rich Asuncion.

So, this Rich is trying to tell us something – that she and Aljur had a past, the reason why she has the guts to tell the whole world about Aljur’s bigness.

By her revelation, Rich had made a mockery of herself. Hindi lang niya binigyan ng kahihiyan ang sarili niya kung hindi pati na rin ang nananahimik na si Aljur.

Never thought girls can also be a kiss and tell type. Akala namin exclusive lang ang pag-kiss and tell sa mga boys, hindi pala.

Not surprisingly, Rich received a lot of bashing based on the reactions about her revelations. “Sus. Di mo parin ikasisikat yan. LOL.”

“She can’t even be called a starlet. Masakit but true she is a non-entity in the industry.” As to Aljur, here’s one who summed it all up, “Well at least that’s all he’s got! Hahaha.”



Jm hinamon ng ‘bugbugan’ si Enrique: Bibigyan kita ng oras para maghanda!





NAGHAMON ng suntukan si JM de Guzman kay Enrique Gil.
“With all due respect to Enrique Gil’s friends, fans and family. I would like to challenge you to a one on one mixed martial arts match any place any time,” said JM in one of his Instagram posts.

“I’ll give you time to prepare. Man up. Face me. (reply to my text messages please.) thanks brother. @enriquegil17,” he added. Pero after more than an hour, binura rin ni JM ang kanyang post.

Probably so pissed off by Enrique’s nakakalalaking stance when he reportedly harassed JM’s girlfriend then Jessy Mendiola, gustong ipakita siguro ni JM na dapat bigyan ng leksyon si Enrique dahil sa pambabastos nito sa kanyang dyowa.

We totally understand where JM is coming from. Insult nga naman sa kanya ang ginawa ni Enrique sa kanyang girlfriend. We’ve heard na matindi ang ginawang pambabastos ni Enrique kay Jessy kaya pati ang mommy nito ay hindi nakapagpigil na mag-post ng kanyang emotions sa social media.

Actually, expected na namin na gagawin ni JM ang hamon but we felt he was too late the hero na.

Why only now when you and Jessy have broken up? Why not when the issue was still fresh?


It baffles us because parang late na late yata ang reaction ni JM sa pambabastos sa kanyang girlfriend. Could it be because only now lang siya nabigyan ng clearer picture of what happened during the controversial flight to London?
Certainly not a coward, Enrique has not responded to JM’s hamon. Siguro naisip niya na wala siyang kalaban-laban kay JM. He must have thought about the repercussion kung papatulan niya ang binata. Between them, no offense meant, ha, ay mas may career si Enrique at mas malaki ang mawawala sa kanya.

We don’t think magpapaang-abot ang dalawa at matutuloy ang much-awaited bakbakan. Hindi magkakaroon ng ganoong senaryo dahil hindi papayag ang Star Magic because it will ruin Enrique’s career.
If ever na magkaroon ng chance na nasa iisang venue sila, tiyak na merong magbubulong kay Enrique para maiwasan nilang mag-abot ni JM. Hindi kakasa si Enrique sa hamon ni JM because he’s not INSANE.



Lotlot, Dennie, Ronel & Jestoni




Willie: Mas OK yung true love tsaka true cash!





Hindi naniniwala si Willie Revillame na sapat na ang pagmamahal sa isang relasyon para magkaroon sila ng tinatawag na “forever”.

Kahapon sa interview ni Joey de Leon para sa pilot episode ng CelebriTV (kapalit ng Startalk), natanong si Willie kung kaya niyang isakripisyo ang kanyang kayamanan sa true love, nagpakatotoo lang sa kanyang sagot ang TV host-comedian.

Sey ni Willie, “Aanhin mo ang true love kung wala ka namang pera? Kasi di ba, anong gagawin n’yo, magtititigan lang maghapon, tapos mag-aanak lang kayo nang mag-aanak, paano n’yo bubuhayin ang mga bata kung wala kayong pera? Mas maganda kung may true love ka na, may true cash ka pa!?”



Bashers kay Kris: Gumanda lang siya dahil sa kayamanan at pagpaparetoke





Napakaganda mo naman!” ‘yun ang reaksiyon ng isang becking nakausap namin tungkol sa binitiwang pahayag ni Kris Aquino sa kanyang programa na kung nakita lang daw niya ang itsura ng babaeng kinalokohan nu’n ng kanyang ex ay hindi na sana siya nagsayang ng panahon.

Walang tinukoy na pangalan ng ex niya si Kris, hindi rin niya tinukoy ang pagkakakilanlan sa babae, kaya ang opinyon ng aming kausap ay parang pitik-bulag din.

Sabi pa nito, “Kung makaganu’n naman si Kris, para namang ang ganda-ganda niya! Bakit naman ganu’n ang tabas ng dila niya, e, wala naman siya sa posisyon para mamintas ng itsura ng kahit sino?

“Ano ba? Kundi naman sa yaman niya at tulong ng siyensiya, e, hindi naman ganyan ang magiging itsura niya, di ba? OA naman ang reaction niya, naka-base talaga siya sa physical lang, ‘no!

“Ang unang dapat niyang pinanghinayangan, e, ang nasira niyang relasyon sa ex niya at hindi ang itsura ng babae. Kung ang tingin ni Kris, e, napakaganda na niya at pangit ang girl, e, di wow!” sarkastikong komento ng kausap naming becki.

Nakalimutan na nga yata ni Kris ang kasabihan na anumang uri ng babae ang ipinalit sa kanya ng lalaki ay nakalalamang pa rin sa kanya ang babaeng ‘yun.

Kahit pa mababang klase ng babae ang kinahumalingan ng lalaki ay nakahihigit pa rin ito sa pinalitan dahil ito ang kasalukuyan at siya ay bahagi na lamang ng nakaraan.



Susan kinontra ang mga tsismis kay Grace Poe





TALIWAS sa kumakalat na balita, 100 percent pa rin ang suporta ng movie queen na si Susan Roces sa kandidatura ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe sa 2016 presidential elections.

Sa gitna nga ng mga pamba-bash kay Sen. Grace, partikular na ang mga banat sa kanya ng hilaw pa sa pagtakbong pangulo next year, naniniwala ang Reyna ng Pelikulang Pilipino na handa na ang kaniyang anak na pasanin ang mga responsibilidad ng pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Ani Ms. Susan, kilala niya ang anak at hindi ito susuong sa isang tungkulin nang hindi ito pinaghahandaan at pinag-isipang mabuti. Todo-suporta ang biyuda ni Da King Fernando Poe, Jr. sa senadora pati na rin sa running mate nitong si Sen. Chiz Escudero noong nagdeklara ang mga ito ng kanilang kandidatura kamakailan.

“Nakikiisa ako sa damdamin ng aking anak at alam ko na kung anuman yung kanyang susuungin ay pinaghadaan niyang mabuti, pinag-isipan niyang mabuti,” ang pahayag ni Ms. Susan sa isang panayam.

Ang tanging panalangin ng movie queen para sa kaniyang anak ay gawin nito ang nakakabuti para sa bansa at mga kababayan, “Ang aking panalangin ay gabayan siya ng Panginoong Diyos na gawin kung ano ang makabubuti para sa ating bansa at sa ating kapwa Pilipino.”

Dagdag pa ng veteran actress, “Sa lahat ng mga sumusuporta kay Grace, ‘yung mga naririto at ‘yung mga nasa kanilang mga tahanan, maraming-marami pong salamat sa pagbibigay suporta ninyo na nagbibigay naman ng lakas ng loob para sa kanya na pasukin ang larangan na ito. Marami pong salamat.”



Vice, Vhong, Billy maglalaban-laban sa MMFF 2015





Nakipag-meeting na ang manager at mommy ni Alex Gonzaga na si Mommy Pinty sa executives ng ABS-CBN last week. Masayang ibinalita sa amin ni Alex ang dalawang pelikula na gagawin niya this year.

Una na ang pelikula na kalahok sa upcoming Metro Manila Film Festival na may tentative title na “Bury Now Pay Later.” Makakasama ni Alex sa movie ang It’s Showtime hosts na sina Billy Crawford at Vhong Navarro.

At ang isa pa, ang launching movie ng tandem nila ng mahusay na aktor na si Edgar Allan Guzman. Hindi lang namin sure kung ipapasok pa rin sa movie si Maxene Magalona na naging “ka-loveteam” naman ni EA sa first season ng Your Face Sounds Familiar.
Mukhang matindi ang labanan sa comedy genre among the official entries ng MMFF this year, huh! Maging ang magkakaibigan at magkakasama sa It’s Showtime” a sina Vice Ganda, Vhong and Billy ay maglalaban-laban sa MMFF.
And speaking of It’s Showtime, hindi lang trending topic ang masasabi naming social media’s “hugot princess” na si Pastillas Girl kundi laman na rin siya ng kwentuhan sa mga eskwelahan, karinderya at gimikan.

Natutukan namin ang unang araw nang pagbabalik ni Pastillas Girl pagkatapos namin siyang mapanood nu’ng una nang humingi siya ng love advice kay Madam Bertud (Vice Ganda).

Nag-viral ang kanyang “hugot cooking lesson” sa social media kaya pinabalik siya ni Vice, hanggang sa humaba na nang humaba ang portion nito sa Showtime.
At sa tinaguriang Tweetserye ng programa titled “Nasaan Ka Mr. Pastillas”, tinulungan nina Vice si Pastillas Girl na mahanap ang kanyang Pastillas Boy na araw-araw ding nagte-trending topic sa Twitter.
Dahil diyan, marami ang nagsasabi na nakahanap na si Vice nang pwedeng ipangtatapat sa sikat na sikat na kalserye ng Eat Bulaga na pinangungunahan nina Alden Richards at Yaya Dub.
Kung hanggang saan hahantong ang paghahanap kay Mr. Pastillas para kay Ms. Pastillas, ‘yan ang dapat tutukan.



Joey pinaringgan ang Showtime, inupakan ng netizens





When Joey de Leon made a swipe at It’s Showtime on his Twitter account, many were not happy.


Bakit kasi dapat pang magparinig ang veteran comedian. Bakit nga ba?


Well, for those active on social media, parang ang feeling nila ay nagpapapansin lang si Joey as one said, “Di ko alam why keeps fueling feuds against eatbulaga. They are already on top, even the hosts of showtime acknowledged that, minsan pa nga on live tv.

“I do not know why he still needs to be so cocky about it. pwede ba joey, it’s not as if walang kinopya ang eat bulaga somewhere somehow. he is certainly the mos annoying celebrity of all time. and hes’s not even that good of a comedian nor a host. Jeeeez.”

“Pro-AlDub and Eat Bulaga ako, pero sana tumahimik na lang si Mang Joey. Panalo na sila! Kung nang-gaya man ang It’s Showtime, hayaan na lang. Kailangan din naming mag-survive at lumaban ang ABS-CBN. That’s showbiz! Matira ang matibay!” said another guy.

Oo nga naman. Hindi naman nagpapasaring ang mga taga-It’s Showtime kaya it’s unfair na pasaringan sila. Yesterday, as we write this item, umabot na sa more than 10.2 million tweets ang #ALDUBMostAwaitedDate ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ito nga ang kauna-unahang date nina Alden at Yaya Dub on national TV.



0


Thursday, September 17, 2015


Wednesday, September 16, 2015

Nang Pukpukin ni Divina Valencia si rey dela Cruz sa ulo





Tuesday, September 15, 2015

Heart kay Chiz: Hindi trabaho ng senador na makipaghalikan!




may kissing scene ang misis na si Heart Evangelista sa teleserye nito sa GMA 7 na Beautiful Strangers.

Sey ng senador, naiintindihan niya na bahagi ito ng trabaho ng kanyang asawa at artista na si Heart nu’ng ma-kilala niya kaya suportado niya ang aktres sa lahat ng ginagawa niya sa kanyang showbiz career.
Minsan daw ay napapag-usapan din nila ni Heart ang tungkol dito.


“Tinanong ako eh, kung ano raw ang pakiramdam ko kapag may kissing scene siya. Sabi ni Heart, ‘Wala kang karapatang magalit.’ Sabi ko paano kapag may nakita akong kahalikan, pwede rin ba?” biro ni Chiz sa isang panayam.
“Sabi niya (Heart), ‘Hindi mo trabaho iyon, ako trabaho ko iyon. Hindi trabaho ng senador na makipag-halikan kanino man. Trabaho iyan ng isang artista at paminsan-minsan lang nangyayari ‘yun,’” ang kuwento pa ng senador.

Bilang bida sa teleseryeng na napapanood sa TeleBabad block ng GMA 7, marami itong kissing scenes sa leading man niyang si Rocco Nacino, ang boyfriend ng best friend niyang si Lovi Poe na kasama rin nila sa programa.
Ganu’n pa man, siniguro ni Chiz na hindi siya nanghihimasok sa showbiz career ng asawa at ganoon din naman si Heart sa kaniya sa politika.

Samantala, ngayong gabi sa Beautiful Strangers, mapapanood na ang pagsampal ni Boyet de Leon (Ronaldo) kay Dina Bonnevie (Alejandra) at ang pagsapak niya kay Kier Legaspi (Rigor). Abangan din kung ito na ang tamang panahon para bumalik ang alaala ni Joyce (Lovi).

JM winasak ang puso ni Jessy; relasyon sinabotahe





LOVE, it seems, is not sweeter the second time around for Jessy Mendiola and JM de Guzman. Apparently, true nga na hiwalay na sila.

JM posted a long aria on his Instagram account which seemingly sums up their breakup. Before that, Jessy posted this message on her Facebook account: “All I wan-ted was dress up and walk that red carpet with you. I wanted to have fun with you, have a few drinks and dance with you until our feet hurt.

“And finally when we stop dancing, we’ll look at each other, smiling with twinkle in our eyes, hearts beating so fast and know that we will ne-ver forget this night. That wonderful magical night.

“That night, when we forgot everything else around us and had our own little party in a world where superficial people partied too. Thinking about it makes my heart sink.
“I had that dream. That dream with you. I wanted to create happy memories with you. But you chose to believe in your own reality. You believed them.

“You chose this. You chose sadness over happiness. All I wanted was to dance with you.So I guess, I’ll just dance alone for now, in my own quiet little world.”
Apparently, gustong um-attend ni Jessy sa Star Magic Ball pero tila ayaw ni JM. Marami ang concern kay JM dahil baka bumalik na naman daw ito sa kanyang bisyo now that he and Jessy have split.

“This is just so sad… bakit kailangan clang dalawa ang masaktan. two lost souls who are trying so hard to make love work pero sina-botahe pa talaga. pasensya na, maka underdog Love story kac ako. wala na talagang forever… pro sa aLdub sana meron.”

“Mukha namang hindi sila magtatagal talaga. nagwoworry lang ako kay jm baka mapariwa na naman..tsk.. tska.”
“Kung totoo man, sana hindi maulit ang nangyari kay jm. Huwag niya sana sayangin ang pangalawang pagkakataong binigay sa kanya ng abs.”



0


Sharon, Gary napanganga sa panggagaya ni Eric kay Willie





Pagkatapos nang limang taon ay muling nakita ang retrato ni Willie Revillame sa ABS-CBN. Taong 2010 ito umalis sa network para lumipat sa TV5 at nanatili naman sa ista-syon nang tatlong taon.

Mula nu’n ay hindi na nakita pa ang video o retrato man ng aktor-TV host sa Dos. Nagkademandahan kasi sila, ipinanalo ni Willie ang mga asunto laban sa kanya ng ABS-CBN, natural lang na hindi na ito suportahan ng pinanggali-ngan nitong istasyon.

Pero nu’ng Linggo nang gabi ay walang pamimilian ang Dos kundi ang ipakita ang standee at mga larawan ni Willie Revillame, ang TV host na gagayahin ni Eric Nicolas, dating jester sa mga programa ni Willie.

Wasak na wasak ang mga judges at manonood sa ginawang panggagaya ng magaling na komedyante kay Willie, hindi ‘yun nakapagtataka dahil mahabang panahon ang kanilang pinagsamahan, alam na alam ni Eric ang galaw at boses ng kanyang kaibigan.

Top 1 si Eric Nicolas nu’ng unang sultada ng Your Face Sounds Familiar, nakaipon siya ng 42 points, aliw na aliw sa kanya si Sharon Cuneta at saludo naman sa kanyang talento si Gary Valenciano.

Palagi naming pinatutugtog ang piyesang “Ating Pag-ibig” ni Eric Nicolas sa aming programa sa radyo.

Nakakaaliw rin ang kanyang kanta, tulad ni Willie ay si Vehnee Saturno rin ang composer ng piyesa, nagsisimula na nga ang pagle-level-up ni Eric Nicolas na napakagaling na stand-up comedian.

Sayang na sayang ang kanyang talento kung hindi ‘yun masisilip ng publiko.



Madam Chairman (Mowelfund - Rosario Drive QC) December 21, 2013