Sunday, August 2, 2015

Benjamin type dyowain si Glaiza: Ang sexy-sexy niya!



Magdyowa na nga ba ang Kapuso stars na sina Benjamin Alves at Glaiza de Castro? Palagi kasing nakikitang magkasama ngayon ang dalawa kaya ang paniwala ng marami ay sila na.
May chika na laging dumadalaw ang aktor sa taping ng The Rich Man’s Daughter kung saan bida si Glaiza, kaya sa presscon ng bago niyang serye sa GMA, ang Beautiful Strangers, natanong si Benjamin kung nanliligaw ba siya kay Glaiza o kung sila na?
“Our relationship, friendship started in Dading and now that she’s doing The Rich Man’s Daughter, bumabalik yung…I used to always tweet Glaiza, Chynna Ortaleza, Gabby Eigenmann…naglolokohan.
“But now that she has a strong following, kapag nakikita nila yun, may dagdag na wala naman dati. Wala naman silang nakikitang iba,” anang binata.
Inamin din niyang attracted siya kay Glaiza, “I’ve always been attracted but, you know, hintayin na muna nating matapos yung Rich Man. Basta, sexy siya du’n.”
Plano na ba niyang ligawan ang aktres pagkatapos ng The Rich Man’s Daughter? “I don’t know, sabi sa akin ng mga friends ko, magkamukha kami.
Kaya sabi ko, ‘E, di kung magkamukha kami, magka- patid kami?’ Hindi naman daw necessary, pero who knows… after the show.
“At saka sana lang, bisitahin nila ako sa set, kasi palagi ko silang binibisita,” natatawang biro ni Benjamin.

Baby nina Marian at Dingdong kinawawa ng fans ni Heart



A-HURT nang todo ang mga fans ni Marian Something sa comment ni Heart Evangelista na “very bad people” ang mga ito.
“We are supporters of Dingdong and Marian (who has been indirectly included by….in her posts). We would like to logically present our point in response to Heart’s ‘very bad’ comment.

“No to nega? Isn’t declaring and generalizing the fans of Marian as ‘very bad’ causing unnecessary negativity? It is easy to resort to labelling a person when you do not have the intellect to explain yourself properly.
The burden of proof lies with who declares (labels,generalizes), not who denies.  “FYI, both sides have their share of bashers and insults.

The fans of Marian are very bad? Some fans even go to Marian’s IG just to bash her. There is nothing worse than some fans, wishing something bad would happen to Marian’s innocent unborn baby.
Even follows the bashers of Marian. And we have evidence to back it up. In contrast to, Marian has been very quiet, understandably because she has no time for anything or anyone that is pointless and meaningless.

“Marian is living a happy and contented life. She is very po- sitive and knows her priorities are her husband and baby. We can’t help but think that Marian is again being used to make noise for a new show which has so far failed to catch the interest of the public.”
That was DongYanatics aria on social media. Well, talaga namang bad ang Marian fans. Nakakatawa na ngayon ay nasasaktan sila kapag sinabihan silang bad, talagang todo depensa sila.

Guilty kasi sila. Kung anu-ano ang ibinabato nila kay Heart tapos ngayon sinabihan silang bad ay magagalit sila. Nakakatawa sila, ‘no!!! Mga war freak naman talaga ang fans ni Marianita, parang mga cri- minal, mga walang pinag-aralan.

Warning kay Heart: Mag-ingat sa pagsasalita ng masama sa kapwa




Umuusok na naman sa galit ang ilong ng mga tagahanga ni Marian Rivera dahil sa sinabi ni Heart Evangelista na “very bad” ang mga fans ng magandang buntis.

Natural, kahit naman sinong masabihan ng ganu’ng paglalarawan ay aalma, aangat sa kanilang inuupuan para maipagtanggol ang kanilang sarili.

Ang bad nga ay hindi na maganda sa pakiramdam at sa pandinig, pero mas lumala pa, very bad ang ginamit na termino ni Heart sa paglalarawan sa mga tagasuporta ni Marian Rivera.
Dapat nag-iingat si Heart sa pagsasalita. Huwag siyang gumagamit ng mga terminong bubuhay sa galit ng mga tagahanga ng kahit sinong artista laban sa kanya.

Naturingan pa naman siyang matalino, smart at alam ang kanyang mga ginagawa, pero dahil sa paggamit niya ng mga salitang hindi katanggap-tanggap ay heto, inuupakan na naman siya ng mga tagasuporta ni Marian.
At sa kanya nagmula ang away na ito, kundi niya si- nabihan ng very bad ang mga tagahanga ni Marian ay wala naman sanang gulo, dapat lang magising sa katotohanan si Heart na hindi lang siya ang nasasaktan.

May emosyon din ang ibang tao, tulad niya ay umaaray rin ang kanyang kapwa, kaya pinipili niya dapat ang mga salitang pinakakawalan ng matabil niyang bibig.

Nasa mundo pa naman ng pulitika ang mister niyang si Senador Chiz Escudero. Kabawasang boto para sa kanyang asawa ang kanyang kataklesahan kung tatakbo nga ito.
Sa totoong-totoo lang.

KAMBAL ang magiging anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Ito’y base na rin sa ipinost na litrato at mensahe ni Binoe sa kanyang Instagram kamakailan. Matapos ngang makunan at ma-depress si Mariel ilang buwan na ang nakararaan, biniyayaan agad ang showbiz couple ng anak – at twins pa. Sa IG post ni Robin kinumpirma nitong nagdadalang-tao na nga uli ang kanyang misis. Ibinandera ng action star ang larawan ng ultrasound ni Mariel at nilagyan niya ito ng caption na: “Maria and Juan de Padilla IN SHA ALLAH GOD WILLING.” Ibig sabihin boy at girl ang nasa sinapupunan ngayon ng aktres-TV host. Kung matatandaan, noong Marso, 2015 ay nakunan si Mariel sa unang anak sana nila ni Robin, talagang nalungkot nang todo ang TV host at nagsabi pa ngang, “A small part of me has died.” Ngunit unti-unti ring naka-recover ang asawa ni Binoe hanggang sa magbakasyon na nga sila sa Spain kung saan posibleng nabuo ang kanilang kambal. Pero bago nga ang ginawang announcement ni Robin tungkol sa pagbubuntis ni Mariel, nag-post muna ito ng isang litrato kung saan makikita si Mariel na nakahiga sa hospital bed. Naka-confine pala ang Kapatid TV host sa Asian Hospital sa Muntinlupa, Alabang. “When the Angel sleeps,” ang caption ni Robin sa picture. Matapos matingnan ng mga doktor ang aktres-TV host, nalaman na nga ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng twins. Sakto naman ang pagdadalantao ni Mariel dahil ma- gandang regalo ito para sa nalalapit niyang kaarawan sa Lunes, Agosto 10.





KAMBAL ang magiging anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Ito’y base na rin sa ipinost na litrato at mensahe ni Binoe sa kanyang Instagram kamakailan.

Matapos ngang makunan at ma-depress si Mariel ilang buwan na ang nakararaan, biniyayaan agad ang showbiz couple ng anak – at twins pa.
Sa IG post ni Robin kinumpirma nitong nagdadalang-tao na nga uli ang kanyang misis. Ibinandera ng action star ang larawan ng ultrasound ni Mariel at nilagyan niya ito ng caption na: “Maria and Juan de Padilla IN SHA ALLAH GOD WILLING.”

Ibig sabihin boy at girl ang nasa sinapupunan ngayon ng aktres-TV host. Kung matatandaan, noong Marso, 2015 ay nakunan si Mariel sa unang anak sana nila ni Robin, talagang nalungkot nang todo ang TV host at nagsabi pa ngang, “A small part of me has died.”

Ngunit unti-unti ring naka-recover ang asawa ni Binoe hanggang sa magbakasyon na nga sila sa Spain kung saan posibleng nabuo ang kanilang kambal.
Pero bago nga ang ginawang announcement ni Robin tungkol sa pagbubuntis ni Mariel, nag-post muna ito ng isang litrato kung saan makikita si Mariel na nakahiga sa hospital bed.

Naka-confine pala ang Kapatid TV host sa Asian Hospital sa Muntinlupa, Alabang. “When the Angel sleeps,” ang caption ni Robin sa picture.
Matapos matingnan ng mga doktor ang aktres-TV host, nalaman na nga ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng twins.

Sakto naman ang pagdadalantao ni Mariel dahil ma- gandang regalo ito para sa nalalapit niyang kaarawan sa Lunes, Agosto 10.

Kris traydor daw, hinarang ang mga show ni Ai Ai sa ABS-CBN?



Si Kris Aquino ang matinding dahilan kung bakit lumipat si Ai Ai sa Siyete.
Ang feeling kasi ni Ai Ai ay hinaharang ni Kris ang mga projects niya sa Dos simula noong magkaroon sila ng alitan.

 Meron dapat gagawing movie ang dalawa at biglang hindi natuloy.
Takang-taka nga si Ai Ai kung bakit biglang nag-sorry sa kanya si Kristeta, only to realize later na it was about their movie.

But the big sign that Ai Ai was waiting for came nang hindi makasama ang anak niyang si Sancho sa Pinoy big Brother. Naka-line-up na siyang pumasok sa Bahay ni Kuya pero nakatanggap sila ng letter na hindi na ito matutuloy.

Isa pa, hindi naman nagpakita ng interest ang executives ng Dos para i-renew ang kanyang kontrata.
That was the time that this komedyante decided to move out of ABS-CBN.


Wally kay Yaya Dub: Maayos naman siyang magsalita, pero surprise muna!




MALAKI ang utang na loob ni Alden Richards kay Maine Mendoza, o mas kilala nga- yon bilang si Yaya Dub, ang sidekick ni Wally Bayola sa Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga.
Ayon kay Wally, pwedeng-pwedeng maging artista si Yaya Dub dahil may kakaiba itong karakter, at agree siya sa mga nagsasabing may magic ang tambalan nila ni Alden Richards.

In fairness naman, mas lalong nakilala ng madlang pipol si Alden mula nang sumikat ang loveteam nila ni Maine sa Eat Bulaga na “AlDub” na pinag-uusapan hanggang sa ibang bansa.
Kaya nga agree rin kami sa mga nagsasabi na dapat ay bigyan agad ng sariling teleserye ang dalawang dabarkads habang mainit na mainit pa ang kanilang tandem.
Nang makachika naman namin si Wally kasama ang iba pang members ng entertainment media sa presscon ng Sunday PINASaya, sinabi ng comedian na saktung-sakto ang pagdating ni Yaya Dub sa Eat Bulaga dahil usung-uso nga ang Dubsmash ngayon.
Imagine, halos isang buwan pa lang si Yaya Dub sa longest-running noontime show ng GMA, pero sikat na sikat na ito nga- yon.

Tinanong si Wally kung ano ang masasabi niya tungkol kay Yaya Dub bilang siya nga ang laging kasama nito sa segment ng Eat Bulaga bilang si Lola Nidora.
“Wala, tahimik lang din, nag-aaral ng dubsmash niya,” maikling sagot ni Wally. Tinanong daw nila ang dalaga nu’ng unang araw nito sa Eat Bulaga tungkol sa background nito at kung saan nag-aral.
Dito rin nila nalaman na crush talaga ni Maine si Alden. “Kaya siya nagulat nang makita niya (si Alden), yun ang simula,” sey ni Wally.

Feeling ba niya, may future talaga sa showbiz si Maine? “Oo, naririnig din naman naming magsalita, maayos magsalita, pero siyempre surprise muna.”
Kailan ba magkikita nang personal ang dalawa? “Hindi ko alam kung papayagan ko ang dalawa!” natatawang biro ni Wally bilang si Lola Nidora.
Nagulat din sila ni Jose Manalo at ng iba pang dabarkads sa biglang pagsikat ng AlDub. Sabi nga ni Jose sa amin, hindi sadya ang pagtatambal nina Alden at Yaya Dub, bigla na lang daw itong umusbong na parang kabute.
Sey naman ni Wally sa phenonemal loveteam, “Natutuwa na nalulungkot. Lalo na ngayon, maraming nagagalit dun sa mga AlDub fans na bakit daw pinaghihiwalay ang dalawa.

Sinasabi ko na lang, basta may dahilan. “At saka, sinasabi ko na lang na hindi rin naman ako puwedeng sumagot…kumbaga, acting yun.
Bahala na lang din ang mga magulang na mag-explain sa mga bata,” chika ni Wally. Sa pagkokontrabida niya sa AlDub, marami na ang naiinis sa kanya, buti raw wala pang bumabato sa kanya sa kalye.
Sabi naman namin, mas marami ang tuwang-tuwa sa kanya sa Eat Bulaga, lalo na sa hit na hit ngayong kalyeserye. “Yung ginagawa ko naman po ay hindi naman po sa akin, Eat Bulaga po yun.

Si Jose, hindi ko naman magagawa yun kung ako lang. Kumbaga, nagagawa naman namin ang trabaho namin, masaya na po kami du’n,” anang komedyante.

‘Yuckkkk! Jennylyn pabebe kay Dennis, OA na ang kaartehan!’



Puro kaartehan itong si Jennylyn Mercado.

When asked kung nagkabalikan na sila ni Dennis Trillo, aba, ayaw pa ring umamin ng hitad, as if naman hindi alam ng publiko na merong return of the Jedi na nangyari na sa kanila.
Bakit ba ayaw pang umamin ni Jen? Ikinahihiya ba niya ang balikan blues nila ni Dennis? Ano pa ba ang kailangan niyang signal para aminin ang relasyon nila?

Buti pa si Dennis, nag-drop ng hints na nagkabalikan na sila by saying love is lovelier the second time around.

Ang Jennylyn, nagpabebe at arte-artehan when asked kung ano ang reaction niya sa sinabing iyon ni Dennis. Feeling teenager pa ang hitad, eh, may love child na siya, ‘no!
Naku, Jen, ‘wag kang umarte-arte pa. Sagutin mo nang straight ang tanong sa ‘yo, ‘wag ka nang magpaligoy-ligoy. Hindi na bagay sa ‘yo ang magpabebe, ‘no! Nakaka-yuck kang tingnan!!!

Friday, July 31, 2015

Tanya Garcia na-in love sa teenager, nabuntis



WAGAS na pagmamahalan ng dalawang tao na may 14 taong agwat sa edad ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado hosted by Charo Santos-Concio.
Gagampanan ni Tanya Garcia sa MMK episode ang karakter ng 31-anyos na dalagang si Ruby, samantalang bibigyang buhay naman ni Yves Flores ang role ng teenager na si Engel.
Sa paglalim ng kanilang pagkakaibigan, hindi napigilan nina Ruby at Engel na mahulog sa isa’t isa sa kabila ng pagkakaroon ng malaking pagkakaiba ng kanilang mga edad.
Ngunit mas susubukin ang pag-iibigan ng dalawa nang nabuntis si Ruby at napilitan si Engel na tumigil sa pag-aaral para harapin ang responsibilidad bilang isang batang ama.
Tunghayan sa kwento nina Ruby at Engel kung paano pinatatag ng mga pagsubok ang kanilang pag-iibigan at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang relasyon mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan na hindi sang-ayon dito.
Tampok din sa MMK episode na ito sina Carla Humphries, Tanya Gomez, Allan Paule, Snooky Serna, Ronnie Quizon, Denise Joaquin, Patrick Sugui at Jon Lucas.
Ito’y sa direksyon ni Nick Olanka at sa panulat ni Beson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, ngayong Sabado, 8:30 p.m., pagkatapos ng Voice Kids sa ABS-CBN.

Mike Tan game na game makipaghalikan sa kapwa lalaki



GAME ang Kapuso leading man na si Mike Tan na makipaghalikan o makipagromansahan sa kapwa lalaki sa isang teleserye o pelikula kung talagang kailangan sa kuwento.
Nakachika namin ang Kapuso hunk actor at isa sa cast members ng GMA Telebabad series na The Rich Man’s Daughter kamakailan at sinabi nga niyang handa siyang magpaka-daring at gumawa ng mga eksenang kailangang magpakita ng katawan, pero sa isang kundisyon.
“Sa akin okey lang ‘yun. Wala namang problema. Pero siyempre, kailangan naman yung materyal may depth, hindi yung basta lang sexy.
Dapat may lalim, kumbaga may acting piece. Yung mailalabas ko rin yung skills ko bilang aktor,” paliwanag ni Mike.
Okey din sa Kapuso actor na gumanap uli ng bading sa isang serye o movie tulad ng role niya sa The Rich Man’s Daughter pero aniya, “Basta ibang atake naman na bading.
Kasi sa Rich Man’s closet gay, di ba? Kaya itodo na natin. Siguro sa susunod yung…like sa pelikula ni Sean Penn (Hollywood movie na Milk), yung ganu’n. May lalim, may social relevance.”
Samantala, dalawang pelikula ang tinatapos ngayon ni Mike, ang “No Boyfriend Since Birth” with Tom Rodriguez and Carla Abellana under Regal Films at ang indie movie na “Panginoong Diyos-Diyosan” kung saan makakasama niya si Princess Punzalan.
Gaganap siya rito bilang isang lalaking nagsimula sa wala pero naging Pangulo ng Pilipinas. Nilinaw naman ni Mike ang mga chika na masama ang loob niya sa GMA dahil puro supporting roles lagi ang ibinibigay sa kanya kaya wala pa talaga siyang matatawag na proyekto na kanyang-kanya lang.
Marami-rami na rin namang nagawang serye si Mike sa GMA simula nu’ng manalo siyang Ultimate Male Survivor sa Starstruck, nandiyan ang Kung Aagawin Mo Ang Langit, Legacy at Faithfully.
Masaya pa naman daw siya sa GMA at nananatili siyang loyal sa network, “Siguro kuntento lang ako. Steady lang ako. Hindi naman ako masyadong naghahangad ng mas mataas. Pero kung ibibigay, e, di sige.
“Ang sa akin, trabaho ay trabaho. Kung anuman ang ibigay sa ‘yo, pagbutihin mo, huwag lang lalaki ang ulo mo,” aniya.  Paano kung pagkatapos ng The Rich Man’s Daughter ay matengga na naman siya nang matagal at hindi pa rin mabigyan ng leading man role, “Basta ako, masaya ako.
Hindi na ako naghahangad ng mas malaki. Kung bigyan man ako ng pagiging leading man, okay, gagawin ko ang trabaho ko.
“Pero kung hindi, kung ano ang ibibigay sa akin, gagawin ko pa rin ang hundred percent ko. Gusto kong maging actor at hindi ko gustong maging sikat na artista,” paliwanag pa ni Mike na in fairness ay deserving naman na mabigyan ng malaking project.
Nagulat naman ang binata nang marinig ang tsismis na may mga Kapuso stars na naiinggit sa kanya, “Ako? Bakit?! Pero sa tingin ko, blessed din ako, kasi most of the time na naibibigay sa aking role, hindi siya typical.”
Tungkol naman sa kanyang lovelife, 10 years and going strong pa rin sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Of course, umaasa si Mike na sila na nga ng kanyang dyowa ang magkakatuluyan hanggang sa huli.
Inamin naman ng Kapuso actor na dumadaan din sa pagsubok ang relasyon nila, “Siyempre hindi naman mawawala yung mga rough roads.
Hindi natin maiiwasan yun. Pero dahil sa mga challenges na yun, mas nagiging strong yung relationship namin.”
Halos 10 years na sila ng kanyang GF pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring ibigay ni Mike ang pangalan ng girl, pero sa pagkakaalam namin, nagwo-work daw ito sa isang business process outsourcing company.

Kalat na: Bea nahuli raw si Zanjoe na nakipagtikiman sa ibang babae



MUKHANG sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang bida sa blind item sa isang popular website.
As alleged by the website, nagkaroon daw ng matinding away ang isang couple because the girlfriend found out that her boyfriend is cheating on her.

She found out her boyfriend’s shenanigans nang buksan niya ang cellphone ng kanyang BF. Hindi ma-take ng GF na nagkaroon ng one night stand ang kanyang boyfriend kaya nakipag-break siya rito.
Apparently, hindi raw ito ang unang pagkakataon na the boyfriend cheated on his girlfriend.
And to get even daw, the girlfriend hooked with a hunk.

Ang siste, nalaman daw ng network executives ang away ng dalawa and they were alarmed kasi maraming endorsements ang tiyak na mawawala sa dalawa kapag naghiwalay sila.
So, the couple had to agree na hindi sila maghiwalay otherwise ay maaapektuhan ang kanilang mga careers. Ang chika, hindi natuloy ang paghihiwalay ng dalawa and it’s all because of their careers.
Sila nga ba ang tinutukoy sa blind item? Anyway, sa interview kay Bea sa “The Love Affair” ay mukha ngang hindi sila okay ni Zanjoe.
Halata sa kanyang mga sagot na they were going through a rough patch sa kanilang relasyon. Si Zanjoe, nagsalita na rin sa TV show nina Boy Abunda and Kris Aquino at inaming may pinagdadaanan sila ngayon ni Bea.
But he was not man enough to say what it was.

Enrique ‘UNGGOY’ ang tawag kay Liza



Alam n’yo ba kung bakit “monkey” ang tawag ni Enrique Gil sa kanyang ka-loveteam na si Liza Soberano?
Kwento ng binata nang makapanayam ng ilang reporter pagkatapos ng story conference para sa follow-up movie nilang “Everyday I Love You,” yun daw ang term of endearment nila ni Liza sa isa’t isa simula nang maging close sila.
Si Liza ang nagpaliwanag kung bakit “monkey” o unggoy ang tawag sa kaya ni Enrique, “Kasi nu’ng bata ako mayroon akong stuffed animal ang pangalan niya Monkey Mo kasi monkey na emo.
Then siya nu’ng bata siya may monkey din siya.” Esplika naman ni Quen, “Monkey lang ‘yung stuffed toy ko si Abu, ‘yung sa ‘Alladin.’
So sabi ko parehas tayo nu’ng bata pa, monkey, kaya ‘monkey’ ang tawag ko sa kanya.” Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ng kanilang fans ang susunod nilang pelikula kung saan makakasama nila si Gerald Anderson under Star Cinema.

‘Hindi ko pa nakikita sa personal si Yaya Dub!’ – Alden



Sabi ni Alden, napalalaki ng pasasalamat niya sa Eat Bulaga dahil sa napakagandang exposure na ibinibigay sa kanya ng show.
“Sobrang happy po! Kasi ilang artista po ba ang nabibigyan ng chance na mag-host sa isang malaking noontime show na Eat Bulaga? Lahat ng nangyayari ngayon, dahil kay Lord, dahil sa opportunity na ibinigay ng Eat Bulaga.
Kaya kung anuman ang nire-require ng sitwasyon, handa akong ibigay. “Kasi sa mga fans, sa mga sumusuporta sa AlDub, utang na loob ko sa kanila yun, very much thankful ako,” sey ni Alden.
Kinilig naman si Alden nang sabihin sa kanya ng press na totoo palang crush siya ni Yaya Dub, “Nakakatuwa kasi hindi ko pa naman nakita o na-meet si Maine ever sa buong buhay ko.
Siguro noong nakikita na niya ako sa TV, noong hindi pa ako nagiging part ng Eat Bulaga.
“Ang nakakatuwa lang, nagagamit namin yung mga ganoong klase ng feelings or sitwasyon para mapasaya namin ang mga tao araw-araw kapag nanonood sila ng Juan For All,” aniya pa.
Actually, hindi pa raw sila nagkikita sa personal ni Yaya Dub at inamin ni Alden na excited na siyang makilala ang dalaga, “Ako nga nagtatanong, ‘Kailan ba, kailan ba kami magmi-meet?’ Kaya lang, hanging pa rin yung decision kung kailan kami magkikita talaga ni Yaya Dub.”
Tinanong din ang binata kung posible bang maging sila ni Yaya Dub, ani Alden, “Ayoko naman pong magsalita nang patapos. Lahat naman siyempre may possibility ‘yan, kaya tingnan na lang natin.”

Alden, Julie Anne ‘Naghalikan’ sa presscon



PARA patunayang wala nang ilangan at wala nang issue sa pagitan nila, “naghalikan” sina Alden Richards at Julie Anne San Jose sa harap mismong ng entertainment press nu’ng Huwebes ng gabi.
Nangyari ito sa press launch ng bagong weekly show ng GMA na Sunday PINASaya kung saan muli ngang magkakatrabaho sina Alden at Julie Anne bilang co-hosts ng programa.
Unang hinalikan ni Alden si Julie Anne sa pisngi, at nang hinamon naman ng press ang dalaga na halikan din ang Kapuso leading man, agad din itong humalik kay Alden.
In fairness, mukhang sincere naman ang dalawa sa kanilang pagbabati at pagsasabing okay na okay na sila uli. Hindi naman daw sila papayag na magsama sa trabaho kung may issue pa sila.

Samantala, nang makorner na ng entertainment media si Alden pagkatapos ng presscon ng Sunday PINASaya, ang tungkol naman sa AlDub, ang tambalan nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Eat Bulaga ang inusisa sa kanya.
Literal na araw-araw nang mapapanood si Alden sa TV – mula Lunes hanggang Sabado ay napapanood siya sa Eat Bulaga at tuwing Linggo naman sa Sunday PINASaya simula sa Aug. 9, kung saan makakasama nga niya si Julie Anne, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, Primetime Queen Marian Rivera, Wally Bayola at Jose Manalo.

Pagdakma ni Goma sa boobs ni Dawn may basbas ng dyowang Kongresista



FOR the first time ay pumayag si Dawn Zulueta na hipuan at magpadakma ng kanyang private parts kay Richard Gomez sa pelikulang “The Love Affair” ng Star Cinema, kung saan kasama rin nila si Bea Alonzo.
Sa dinami-dami ng nagawa nilang pelikula ni Goma noong kasikatan ng kanilang loveteam, ngayon nga lang daw nila ginawa ang ganu’ng kasensitibong eksena.
“Una, the story is very good. First time ko ring gumanap na wife na nangaliwa. Yung eksenang sinasabi ninyo, such act is called for dahil matindi ang naging confrontation namin as a couple that is on the verge of splitting up.
Second, I have but high respect kay Richard at sa direktor namin na si Nuel Naval,” sey pa ng maladyosang aktres.
Wala rin naman daw itong naging problema sa kanyang asawang si Cong. Anton Lagdameo dahil ever since naman daw na pinayagan siya nitong magbalik sa pag-arte ay pagtitiwala at suporta lagi ang ibinibigay nito.
Isa nga pala si Dawn sa mga Congressional wives na pinuri nang husto sa magara nitong pagdadala ng terno noong SONA 2015.
In fact, noong gabi nga ng presscon ng “The Love Affair” ay mabilis lang siyang nag-change outfit dahil aniya, “Artista na uli ako at hindi na asawa ng congressman.”
Kung meron daw nakaka-amaze sa aktres sa kasalukuyang kalakaran ng pagpo-promote ng movie ay yung lakas ng social media, “Imagine, trailer pa lang namin, pinag-uusapan na ng husto.
Umabot na yata sa milyon ang views. At mayroon pang dubsmash ha,” ani Dawn. Showing na ang “The Love Affair” sa Aug. 12.

Barbie



Picture


Barbara Ambas Forteza, is a Filipina actress and commercial model. She played the young Jodi in GMA Network's remake of the Koreanovela 'Stairway To Heaven' and Cyndi Gomez in 'First Time'.
When Barbie began, she immediately showed her exceptional talent in drama, which made her stand out from the child actresses of her time. Now, as 'Tween royalty' and a young rising star, she is idolized and looked up to by many young fans all over the world, and she is one of the people in showbiz responsible for the spread of the Tween phenomenon.
Barbie Forteza won New Movie Actress of the year in the 26th PMPC Star Awards for the indie film Puntod. She released her self-titled debut album on April 2013 under MCA Music. This is her first foray into singing after starring in successful TV series like Paroa, Luna Blanca and First Time. She has recently released her debut single called, Meron Ba as theme song for GMA's adoptation for the Koreanovela, 'Big'.

Ogie kay Kim Chiu: Panindigan mong recording artist kana!



SA gitna ng kontrobersiya hinggil sa pagsikat at pagbenta ng mga album at concerts ng non-singers sa bansa, binigyan ng payo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit president Ogie Alcasid si Kim Chiu na isang singer na rin ngayon.
Sa episode ng Kris TV kahapon, hiningan pa ni Ogie ng sampol si Kim – kinanta ng Teleserye Princess ang Chinese song na “Peng Yu” na pinasikat niya noon sa Pinoy Big Brother Teen Edition (2006).
“We are entertainers so no one can question ‘yung value ng entertainment na binibigay mo. Ibig sabihin, may bumibili ng plaka mo,” sabi ni Ogie kay Kim habang pinag-uusapan nga nila ang isyu sa mga non-singers sa Pilipinas.
“Kapag nasubukan mo rin sa pagko-concert at pinanood ka, makukwestiyon ba natin ‘yon? Hindi, ‘di ba? Nag-e-entertain tayo ng mga tao so ‘yung value na ibinibigay mo sa pag-e-entertain mo, hindi natin makukwestiyon ‘yon.
Saka ‘yung taong bumibili ang nagde-decide kung gusto nila ang mga kanta mo, ang concert mo. Hindi nila kasalanan ‘yon,” dagdag pa ng mister ni Regine Velasquez.
Sinabi pa ni Ogie kay Kim Chiu na hindi mawawala ang mga bashers kahit na sa mga tunay na singers, “Ganoon talaga. Laging may mapupuna, ganoon talaga ‘yon.
Panindigan mo na singer ka. Panindigan mo na recording artist ka.”

Sey ni Heart…puro masasamang tao raw ang mga fans ni Marian



Heart Evangelista posted a photo of her and her pet named Panda.
“Look who’s with me today #princesspanda” caption ni Heart. Isang fan ng dalaga, @pink_minicooper, ang nag-comment agad-agad and said, “Ur way better than Marian!”
Aware that the comparison might brew nasty comments from the fans of Marian, Heart retorted, “@pink_minicooper thank you but let’s not start with that her fans are very bad and I don’t wanna get bashed. thank you.”
“Oh! I’m so sorry… Love you,” ang agad na reply ng fan. But with her comment na “fans are very bad” ay baka lalong mapasama si Heart.
Alam n’yo naman siguro kung gaano kasama ang fans ni Marianita, they will bash you endlessly as if ang idol nila ang pinakamayaman, pinakamatalino, pinakamagandang nilalang sa mundo.
Anyway, kahit anong comparison pa ang gawin ay milya-milya ang layo ni Heart kay Marian.
Heart live a scented path, galing siya sa de Buena familia.

Bata pa ay meron na siyang LV, Prada, Hermes. Nakapag-travel na siya abroad kahit hindi pa siya artista. May negosyo sila na kilalang-kilala. Heart is sophisticated any which way you look at her.

Ian muntik nang makulong; Ate Guy sinisi



Nainterbyu si Christopher de Leon for his new soap sa GMA 7 at naikuwento niyang si Sandy Andolong ang tumulong dahil muntik nang makulong ang anak niyang si Ian de Leon.
Sinabi rin ni Boyet na pakasalan na ni Ian ang girlfriend niyang buntis kaya naman pinakasalan ito ng actor. Sa comment after the article ay si Nora Something ang na-bash nang husto.
“Hay naku Ate Guy where art thou? Ikinasal na yung anak eh wala pa ring naririnig dito ke Nora. Masuwerte na lang at may Sandy Andolong at Christopher de Leon na handang umaruga at tumayong magulang sa mga anak ni Nora.
Ate Guy casino pa more,” said one guy. “Where is Nora Aunor in all of these? Imbes na asikasuhin ang mga anak niya, si John Rendez ang inaatupag.
Nag ampon ng isang katerba, tapos gayan. Kahit sarili niyang buhay, hindi niya maayos, palaging may problema. Tumanda ng walang pinagka tandaan,” comment naman ng isa pa.
“Correct ka dyan. ano mang issue sa mga anak nya lagi syang missing in action pero sa pagra rally ng walang kwenta laban sa gobyerno ni P-Noy, ayon present.
Wala pa ding pinagbago,” obserbasyon naman ng isa pa.

Marian sa patuloy na pang-iintriga sa kanila ni Lovi: Let it go!



AYAW nang magpakanega ni Marian Rivera sa buhay, lalo na ngayong magiging mommy na siya sa first baby nila ni Dingdong Dantes.
Kaya naman nang matanong tungkol sa intrigang nakipagplastikan lang siya kay Lovi Poe nang makunan silang bagbebeso-beso sa isang showbiz event ay tumanggi nang magkomento pa ang GMA Primetime Queen.
“Move on na tayo,” ang naging tugon ni Marian nang makorner ng reporter matapos ang presscon ng bagong variety show ng GMA 7 tuwing Linggo, ang Sunday PINASaya kung saan makakasama niya bilang host ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ang comic duo na sina Wally Bayola at Jose Manalo.
Ayon kay Marian, wala na silang issue ni Lovi, “Oo, parang tama na. Ang tagal-tagal na nun, mag-move on na tayo. Mas maganda na mas maging positibo tayo sa buhay, especially now na buntis ako.
“Sa dami ng iisipin ko dahil sa anak kong ito, parang walang dapat isipin. Okay na ‘yon, let go na natin ‘yon,” sey pa ng misis ni Dingdong.
Burado na raw ang misunderstanding nila ni Lovi na nag-ugat noon sa shooting ng ginawa nilang pelikula under Regal Films, ang “Temptation Island” nang dahil kay Heart Evangelista.
“Okay na ‘yon. Alam mo ‘yon, matured na kami, may kanya-kanya na rin kaming buhay. Ako ngayon, priority ko ang asawa ko at saka yung anak ko.
Mas maganda na mag-move on na at maging positive kami sa buhay,” ang pahayag pa ni Marian na halatang-halata na ang umbok ng tiyan.
Kuwento pa ni Marian, pinayagan naman daw siya ng kanyang OB Gyne na sumabak uli sa trabaho dahil maayos naman ang kundisyon niya at ng kanyang baby na ayon sa aktres ay mas kamukha raw ni Dingdong base sa resulta ng latest ultrasound na ginawa sa kanya.

Heart: Tuloy na tuloy ang tambalang Poe-Escudero!



Matapos iendorso kahapon ni Pangulong Noynoy Aquino si DILG Sec. Mar Roxas bilang kandidato ng Liberal Party para sa 2016 presidential elections, siniguro ni Heart Evangelista na tuloy na tuloy na sa Aug. 10 ang “Poe-Escudero” tandem.
Natanong kasi si Heart sa presscon ng bago niyang serye sa GMA 7 na Beautiful Strangers kung ano ang alam niya sa political plan ng asawang si Sen. Chiz Escudero at kung tuloy ang pagtatambal nito at ni Sen. Grace Poe sa 2016 elections.
“Basta ako, ang alam ko lang na tandem na sigurado na sa August 10 is Lovi Poe and Heart Escudero for Beautiful Strangers!” nakatawang chika ni Heart.
Pero sinabi ng aktres na close talaga sina Grace Poe at Chiz tulad din nila ni Lovi, “They’re very good friends, friends sila ever since, talagang close siya sa pamilya.”
“But hindi namin napag-uusapan ang politics. Parang beyond reality naman ang mga bagay-bagay…abangan na lang natin ang desisyon nila.”
Handa na ba siyang maging First Lady o vice president’s wife? “Oh, my gosh! I cannot think about it yet, I cannot!” Basta ang sabi ni Heart 100% niyang susuportahan si Chiz sa 2016 elections