Wednesday, October 14, 2015

Sharon: Maraming salamat po, ate Guy…mahal kita!



Even if it’s too late, nagpasalamat si Sharon Cuneta sa gesture ni Nora Aunor na i-dedicate sa kanya ang napanalunang award sa FAMAS recently.
Image result for nasaan ka inay“Most of all, maraming, mara-ming salamat po, Ate Guy, Miss Nora Aunor, and nag-iisang Superstar ng bansa, sa di ko inaasahan kahit kailan na napakagandang ‘regalong’ ito na galing po sa iyo.
Sa lahat ng tao, ikaw pa Ate Guy ang nagbigay ng respeto at karangalan sa akin.  “Di bale, tulad mo, alam ko din naman ang lahat ng nagawa ko noong buong mga dekadang 80s at 90s.
At dahil sa iyo po galing ang parangal na ito, Ate Guy, na kinikilalang isa sa pinakamahuhusay na artisa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, di ko na kailangan pa ang parangalan ng anumang institusyong tila nakalimot sa lahat ng kontribusyon ko sa industriya.
“Mas higit pa ang natanggap ko dahil tayong mga artista ang nakakaalam kung gaano kahirap di lang ang sumikat kundi ang i-maintain ang kasikatan at talunin ng talunin ang sariling gawa.
Maraming, maraming salamat po, Ate Guy. Mahal kita.” That was Sharon showed her gratitude to Ate Guy on her Facebook account.



Flight attendant na kumuha ng picture ni Alden na natutulog inireklamo, sinuspinde?


Monday, October 12, 2015

Rocco, Lovi matatagalan pa bago magpakasal




HANGGANG ngayon ay matipid pa rin sa pagsagot ang Beautiful Strangers stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino tungkol sa isyu ng pagpapakasal.

Ayon sa magdyowa, talagang marami pa silang priorities sa kanilang mga respective career kaya walang-wala pa silang planong magpakasal in the near future. Sey nga ni Rocco, ine-enjoy lang nila ni Lovi ang kung anong meron sila ngayon at ang mahalaga ay patuloy na nagiging strong ang kanilang samahan.

Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng kanilang Beautiful Strangers ngayong gabi sa GMA Telebabad: Masaya si Alejandra sa propaganda na kanyang ginawa para mapabango ang pangalan kahit na ang naging kapalit nito ay ang pananakit ni Kristine sa kanya.

Makakarating naman kay Ronaldo ang balita ng pagsu-god ni Kristine kay Alejandra. Alam ni Ronaldo na pakana ito ng asawa kaya kukumprontahin niya ito na patahimikin na si Kristine.

Yayayain ni Noel si Joyce na magbagong buhay kasama niya. Plano niyang lumayo sa lahat ng mga problemang nagkumplika sa kanilang pamamahalan. Puno pa ng pag-asa si Noel na maibabalik pa nila ni Joyce ang naudlot nilang mga pangarap.

Maririnig ni Lawrence ang offer ni Noel kay Joyce. Ipaglalaban din ni Lawrence ang nararamdaman niya kaya yayayain din niyang sumama si Joyce sa kanya. Hindi magiging madali para kay Joyce ang mamili kina Noel at Lawrence.

Titiisin na lang ni Kristine ang mga pagpapahirap niya sa loob ng kulungan. Pinapangako niyang lalayo na lang siya sa gulo para hindi ito makaapekto sa kaso laban sa kanya. Mababalitaan niya na gumagawa din ng paraan si Noel para mapalaya siya.

Samantala makakapagdesisyon na rin si Joyce kung kanino siya sasama at magsisimula ng bagong buhay, kay Lawrence. Ikasasama ng loob ni Noel ang naging desisyon ni Joyce. Dahil doon ay hindi magtatagumpay si Noel sa plano niyang kumbinsihin si Joyce na iurong na ang kaso laban kay Kristine.
Hihingi ng tawad si Joyce kay Noel dahil hindi na niya matutulungan si Kristine na lumabas sa kulungan. Dadalhin ni Lawrence si Joyce sa resthouse ng Pamilya Castillo sa Tagaytay.
Pareho nilang kakalimutan ang lahat ng kumplikasyon sa Maynila at susundin ang kanilang mga puso. Kasunod nito ay mabilis nilang paplanuhin na ituloy ang naudlot nilang kasal.

Makakarating din kina Alejandra at Rigor na nasa Tagaytay sina Lawrence at Joyce. Hindi na magsasayang ng oras si Alejandra at gagawin niya ang lahat para pigilan ang kasalan.

Maririnig naman ni Kristine ang planong pagtakas ng mga preso kasama si Georgia. Walang planong tumakas si Kristine pero madadamay siya sa aksidenteng magaganap sa sasakyan nila kasama ng mga preso.



Elmo Magalona lalayasan na ang GMA; tinalbugan na kasi ni Alden?




Elmo Magalona is said to be leaving GMA 7 and will be a Kapamilya soon.

Kaya pala hindi na siya kasama sa bagong soap opera ni Janine Gutierrez. Kaya pala tila wala nang romantic news about them kasi maghihiwalay na sila ng network.
Naisip siguro ni Pia, the mom of Elmo, na walang nangyayari sa career ng kanyang anak sa Siyete. Naunahan pa siya ni Alden Richards na sumikat gayong higit siyang mas may pangalan dito noong una.

Rumors have it na hinihintay na lang magtapos ang contract ni Elmo sa Siyete para makalipat na siya ng Dos. Kasi naman itong GMA, ang laging comment ng mga tao sa social media, ay hindi marunong mag-alaga ng ta-lents.
Since si Alden ang pinakasikat ngayon, ayun, lahat daw ng attention ay nasa binata, nakalimutan na nila na marami pa silang ibang artista.

We can only agree. Parang wala nang ibang artista ang GMA kundi si Alden. The network must learn to spread its help to its other wards. Ang daming waiting in the wings na baka sa paghihintay ay mainip na at maisipan nang lumipat.

We also observe na kapag lumipat ang Kapuso talent sa Dos ay nama-maximize ang kanilang popularity. Sumisikat sila at gumagaling. Take for example Cristine Reyes, Paulo Avelino and Jake Cuenca. Mas gumaling sila’g nagkaroon ng premium when they moved to ABS-CBN.



Baguhang aktor iniwan ang buhay sa Canada para mag-artista




Image result for nasaan ka inay

Todo ang ginagawang paghahanda ng showbiz newbie na si Kevin Poblacion sa pagsabak niya sa mundo ng pag-arte. Desidido ang binata na tuparin ang kanyang matagal nang pangarap na maging isang artista.

Ang 20-taong-gulang na binata na lumaki sa Canada ay seryosong kumukuha ngayon ng extensive acting workshop sa Star Magic na pinamamahalaan ng magaling na direktor na si Rhyan Carlos.

In fairness, positive naman ang mga nakukuhang komento ni Kevin mula sa kanyang mentors at mga kasamahan sa workshop matapos ang ilang acting exercises.

Kevin just turned 20 last Aug. 5, at diretso niyang inamin na matagal na niyang pinapangarap na makapasok sa mundo ng showbiz. Pero na-delay ito dahil nga kinailangang muna niyang tapusin ang kursong Tourism sa isang kilalang university sa Canada.

Matangkad, hunk at guwapo si Kevin kaya siguradong madali siyang mapapansin once na magsimula na siyang gumawa ng pangalan. Sa ngayon, bukod sa acting workshop sa ABS-CBN na natapos niya last August ay kumukuha rin siya ng Tagalog lessons dahil alam niyang mahalaga na matuto siyang magsalita ng Tagalog sa pagpasok niya sa showbiz.
Dumating si Kevin sa Maynila noong Abril kasama ang kanyang mga magulang. Nang malaman na posible siyang magkakaroon ng chance na maging artista rito nagpaalam siya sa kanyang mga magulang kung puwede siyang maiwan sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pa-ngarap na maging artista.

Wala siyang ibang kamag-anak dito except sa mga kaibigan ng kanyang mga magulang pero matapang ang binata na harapin ang challenge ng kanyang buhay dito.
Iniwan din ni Kevin ang kanyang trabaho sa isang sikat na fastfood joint sa Canada at ang offer sa kanya na magtrabaho bilang steward sa isang airline company para manatili rito sa Pinas.

Sa ngayon ay busy din siya sa paggawa ng VTRs para sa mga commercial, “I hope that I will be able to share my ta-lent sa ating mga kababayan, sana matanggap din nila ako rito.”

Nang tanungin kung sinu-sino ang mga crush niya sa local showbiz, binanggit niya ang mga pangalan nina Marian Rivera at Kim Chiu at idol din niya si Piolo Pascual.

Ang mga ito raw ang madalas niyang napapanood sa Canada. Si Kevin ay mina-manage ni Boy Palma, ang manager din ni Superstar Nora Aunor.



Yaya Dub nagpasalamat sa EB: Pinalakas ninyo ang loob ko!




MARAMI mang naging pagbabago sa buhay niya ngayon, naniniwala pa rin ang tinaguriang Social Media Queen na si Maine Mendoza sa aral ng kababaang-loob.
Isang mahabang mensahe ang ipinost ni Maine o Yaya Dub sa milyun-milyong fans nila ni Alden Richards sa kanyang Instagram account na tumutukoy sa mga kaganapan sa kanyang buhay na biglang nabago nang dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nila ni Alden.

Maraming na-touch sa nasabing IG post ni Maine (sinulat ni Yaya matapos ang bonggang performance niya sa Bulaga Pa More Dabarkads Pa More grand finals noong Sabado) kaya mas lalo pang dumami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Sinabi ni Maine na ang pagkakasali niya sa Eat Bulaga ang naging tulay para maipakita niya sa buong mundo ang kanyang talento at makapagpasaya ng mas maraming tao. Inamin din niya na mababa ang self-confidence niya noon sa pagpe-perform sa harap ng maraming audience. Narito ang bahagi ng emosyonal na IG post ni Maine.

“I used to be a girl with a poor self esteem—I actually think I still am.

“I never believed in my capability of doing things; it could be just me being a pessimist about almost everything but the thing is, I never really believed in myself.
“Every time I am about to do something, the first thing that comes to my mind is ‘Hindi ko kaya yan.’ (That’s the fighting spirit! *note sarcasm*) Though I am already used to it, it’s still sad to think that I grew up with a negative mindset.
“I grew up believing I am not good enough for anything.”
Pero ngayon daw ay masasabi na niyang, “I am proud of myself. People may think ‘Wala pa namang nararating/napapatunayan yang Yaya nyo.’ True enough, I guess.

“Pero para sa ‘kin, I’ve done so many things that I never thought I can do; things that I never imagined I am capable of doing.

“Everything that I am experiencing and doing right now is new to me. And I am proud to say that [finally] —because of Eat Bulaga— I am having the courage to step out of my comfort zone.

“I have waited so long for the moment where I’d be able to say ‘I am proud of myself.’ Kung wala pa man akong napapatunayan sa inyo, sa ‘kin marami-rami na.. at yun lang, sapat na.

“Sapat na din para masabi kong proud ako sa sarili ko. Way to go, Meng!”




Archie Alemania (b. 1978)



Lola Nidora, Tidora and Tinidora dancing "Dessert"







Sunday, October 11, 2015

Satanas (1932) Alma Bella - Rosa del Rosario & Carlos Padilla Sr


SatanasAlma Bella, Rosa del Rosario, Carlos Padilla, Sr., Billy Surot Viscarra

Alden absent pa rin sa Eat Bulaga; solo pa rin sa kalyeserye si Yaya


Banta sa Gabriela: Tantanan na si Pastillas Girl, kasuhan ang Playgirls





Gabriela made sawsaw sa bugawan issue against It’s Showtime’s Pastilla’s Girl named Angelica Jane Yap. What they don’t realize is that binu-bully si Angelica Jane ng fans nina Alden Richards at Yaya Dub.
Nilait nang husto ang dalaga as if she did some horrible things. Idinamay pa ang It’s Showtime at pinalabas na ibinubugaw nito si Angelica Jane.
How absurd! Gabriela clearly doesn’t know what PIMPING is all about. We certainly believe they will not be able to SUBSTANTIATE claims of these fans na ibinubugaw si Angelica.
We felt that Gabriela is making sawsaw sa issue just to be RELEVANT. Why don’t they file a case against a sexy female group na nagsayaw nang malaswa sa isang political event?
Bakit hindi sila nagsasalita about women who were clearly exploited sa ilang men’s magazine? Bakit wala silang paki kahit halos hubo’t hubad na ang mga babae sa mga men’s magazine?
Now, the bugawan issue has escalated into the office of MTRCB. We felt that the MTRCB should not be influenced by Gabriela or the AlDub fans who clearly want Pastillas Girl out of the limelight.



Gerald nanghalik ng babae sa sobrang kalasingan





BUONG-NINGNING na inamin ni Gerald Anderson ang isang hindi niya malilimutang karanasan sa isang babae noong medyo bata-bata pa siya.

Sa isinagawang panayam kay Ge-rald sa pamamagitan ng Kapamilya Chat kamakailan, ikinuwento ng binata ang tungkol sa babaeng hinalikan niya na hindi pa naman niya kilala.

Lasing daw si Gerald nang maganap ang insidente. Hindi na nga raw niya maalala kung ano ang eksaktong nangyari nu’ng magising siya kinabukasan
.
Bukod dito, nai-share rin ng Kapamilya actor ang tungkol sa naging relasyon niya sa isang girl noong 11 years old pa lang siya. Nagtagal lang daw ang pagiging magdyowa nila ng isang linggo.

“Yes, nu’ng eleven yata ako. Tapos never kaming nagkita never kaming nag holding hands tapos hiwalay na kami kasi nagtatago ako,” chika ng binata.

Samantala, hiningan din si Gerald ng reak-syon sa naging experience niya working with Enrique Gil and Liza Soberano sa bagong movie ng Star Cinema na “Everyday I Love You”, “Great.

Si Enrique naman nakatrabaho ko na siya dati sa Budoy siya po yung kapatid ko si BJ. That was the last time na nakatrabaho ko siya but after that lagi kami magkasama sa mga tours namin all over the world.

Kaibigan ko siya talaga, kilala ko siya talaga. “Si Liza first time ko siya nakatrabaho pero siyempre napapanood ko and sa mga napapanood ko magaling siya.

I was excited to work with her and their energy, ib
a yung energy nila. Iba yung energy ni Liza she’s very young and kumbaga 17 palang siya she has a good head on her shoulders ang daming mga pangarap na gusto niyang matupad so talagang she’s going to make it,” kuwento pa ni Gerald.

Yaya Dub #4 at kahilera ang mga sikat na Hollywood star na sina Taylor Swift #1, Katy Perry #2 Ellen De Generes #3 at Jimmy Fallon #5 sa Tweeter






#1 Taylor Swift
#2 Katy Perry
#3 Ellen deGeneres
#4 Yaya Dub
#5 Jimmy Fallon

Kris sukdulan ang pagiging pabebe, nag-iinarte lang sa 2015 MMFF





MATINDING sakit ng ulo ang tiyak na ibinigay ni Kris Aquino matapos siyang mag-backout sa movie nila ni Mayor Herbert Bautista.

All set na ang dalawa, ready na ang lahat pero biglang nagbago ang isip ni Kris all because her request for a cinematographer was not met. Hindi naman kasalanan ng production, may previous commitment ang cinematographer kaya hindi niya dapat sisihin ang movie outfit.

Isa pa, hindi ba niya magagawa ang movie kung wala ‘yung ni-request niyang cinematographer? How unprofessional can she get. Marami namang magagaling at award-winning na cinematographer sa showbiz, why don’t you try them out?
“Actually kasi, nagkaproblema kami sa DOP (director of photography). Kasi ‘yung DOP for Etiquette for Mistresses, ‘yun ang nire-request ko talagang DOP o cinematographer ko para dun sa movie (namin ni Herbert).“

Maiintindihan ninyo naman ako dahil talagang inaalagaan ako du’n sa shoot (ng Etiquette for Mistresses). Parang ine-explain ko sa kanila na, ‘Dun na nga sa story na ginawa ninyo, ako na nga ‘yung babaeng laging hindi pinipili, babaeng inayawan.

“‘Di ba ninyo kayang ibigay sa akin na sa movie naman pagandahin ninyo ako, para ‘pag nanonood naman ang mga tao, sasabihin nila, ‘Ano ba ‘yan? Bulag ba ang lalaking yun?’ Hindi maayos-ayos yung sked.

So, sinabi ko na baka lang talaga na it’s a sign from God na huwag nating ipilit ito.” ‘Yan ang aria ni Kris na lumabas sa isang popular showbiz portal. When asked kung alam na ni Mayor Herbert ang nangyari, Kris said, “I cannot speak for him kasi ang issues ko ngayon, issues namin internally with Star Cinema, with Direk Tonette, and with the production.

Kasi hindi naman siya ang may issue, e. Ako ang may issue.” Kris is leaving to fate kung matutuloy o hindi ang movie niya with Mayor Herbert, “Bahala na si Lord,” she said. “Ganito na lang, mag-abang tayo, kasi dapat talaga may first shooting day sa Monday [October 12].

Sa dami ng nangyari dito, di ba? “’Pag nag-shooting kami sa Friday, ibig sabihin nun, alam mo na, tuloy. Kapag hindi nag-shooting sa Friday, ibig sabihin noon, may limang block screenings akong maiikutan naman.”‘Yan ang dagdag na aria ni Kris sa kanyang interview.

Ang feeling namin ay nag-iinarte lang itong si Kris at idinamay pa si Bimby, nagpapabebe lang. Masyado kasi siyang favoured and she felt na she can always get away with what she wants, how she wants it and when she wants it.

Alden madedemanda kung hindi aabsent sa Eat Bulaga


Banta ng Nanay ni Jessy sa Bashers: Ang hilig n’yong manira! ingat lang!





NANGGAGALAITI sa galit na niresbakan ng nanay ni Jessy Mendiola ang mga netizens na nagpapakalat na buntis ang anak. Talagang tinalakan niya ang mga basher dahil sa paninira raw ng mga ito sa dalagang aktres.

Nauna nang dinenay ni Jessy ang chikang preggy siya at sinabing baka raw natatabaan lang sa kanya ngayon ang ibang tao. Pero siniguro niya na walang baby sa tiyan niya.

Sey pa ng aktres, “Hindi ko nga alam na may balita preggy ako ngayon. Bakit kaya? Siguro kasi mas malaman ako ngayon. Iba na pala ngayon kasi mas nauuna pang malaman ng iba na buntis ka kesa sa sarili mo.”

Pero hindi pa rin nakapagpigil ang ina ni Jessy na si Mrs. Didith Garvida na sagutin ang mga netizens na nagtatanong kung buntis nga ang kanyang anak, lalo na yung mga bashers na nagsasabing sinungaling ang dalaga.

Ilan sa mga tanong ng netizens ay, “Hi jessy may kumakalat na tsimis na buntis ka daw . Sana maging ok kana idol pa naman kita.” “Is it true po na your pregnant????just asking…i hope your in good condition right now…!”

Ang paunang resbak ni Gng. Didith, “No, it’s not true… ang hilig niyo manira… ‘di na nga nagsasalita sa mga nangyayari na di naman niya kagagawan… ngayon naman gusto nyo sisiraan ng kung anu anu taking advantage lang?
“Whats new with all of you? Get a life. Alam ko kung kanino kampo ‘yan! Ingat lang baka ikasira niyo na ‘yan ng tuluyan… ‘pag ako mag pakalat gusto ko yung totoo… mga hijas and hijos.
Kawawa yan sa akin!! Sarap niyo lang patulan,” dagdag pa nito. Ang tinutukoy nito ay ang hindi pagsasalita ni Jessy tungkol sa airplane scandal na kinasangkutan nito noong Sept. 5 at nina Enrique Gil, Luis Manzano at Liza Soberano. Nadamay din sa isyu sina Jake Cuenca at Paulo Avelino.

Saturday, October 10, 2015

Totoo bang si Maine ang gaganap....






Totoo ba ang tsismis si Maine Mendoza daw ang magiging DARNA sa 2016...Abangan....

Friday, October 9, 2015

Loretta Marquez & Victor Wood




1)  Sino kaya ang dalawang artistang ito na taga Sampaguita Pictures

2) ang larawnag ito ay kuha noong 1968

Jessy Mendiola: Ako, buntis daw? mas nauna pa nilang nalaman?!




MARIING itinanggi ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na buntis siya at si JM de Guzman daw ang ama.
Sa isang panayam kaya Jessy, sinabi nitong hindi totoong nagdadalang-tao siya ngayon kaya la-ging emosyonal ang mga ipino-post niya sa kanyang Instagram account.

Ayon sa dalaga, para patunayang hindi siya preggy, tuluy-tuloy pa rin ang taping niya para sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Your My Home, at meron pa siyang mga bagong endorsements, at isa nga rito ay kinailangan pa niyang magpakita ng kaun-ting kaseksihan.

“Hindi ko nga alam na may balita na preggy ako. Kanina ko lang nalaman. Bakit kaya? Siguro kasi malaman ako ngayon. I don’t know,” pahayag ng dalaga.

Nang tanungin kung ano ang naging reaksiyon niya nang makarating sa kanya ang balitang buntis daw siya, “Iba na rin pala ngayon kasi mas nauuna pang malaman ng iba na buntis ka kesa sa sarili mo.

Ganun pala yung bagong technology ngayon?”



Sa Pinto ng Langit (1932) Juanita Angeles - Jose Corazon de Jesus & Alma Bella


Sa Pinto Ng LangitJosé NepumucenoJuanita Angeles, Alma Bella, Jose Corazon de Jesus, Jr.LVN Pictures

Maja: Yung relasyon namin ni Kim na nawasak, unti-unti na pong nabubuo!




NAKASARADO pa rin daw ang puso ngayon ni Maja Salvador. Single siya pero hindi ibig sabihin ay malungkot ang personal life niya dahil wala siyang boyfriend.

Nilinaw din niya ang balita na nagdededmahan sila everytime na magkikita sa studio ng ASAP 20, “Nagpapansinan po kami ‘pag nagkikita kami, nagbebeso siya tapos ako ‘pag nakikita ko siya, nagbebeso.”

Bukod kay Gerald, unti-unti na ring bumabalik ang friendship nila ng kanyang dating BFF at ex-girlfriend din ni Gerald na si Kim Chiu.

“May mga bagay na ka-ming dalawa lang ni Kim ang nakakaalam at parang ayoko nang idetalye po ‘yun, ayoko ng balikan (ang nakaraan) kasi sa ngayon sobrang happy ako na okay kami ni Kim.

Na minsan, parang pabalik na ‘yung friendship kasi iba kami minsan mag-usap sa ASAP. “So ‘yun po, sobrang masaya ako kung anuman ‘yung estado nu’ng kung anong meron kami ni Kim, yung papuntang friendship nga po…kasi kung nawasak ‘yung dati, sobrang nadurog, ito paunti-unti, binubuo,” chika pa ni Maja sa interview ng ABS-CBN.

Nag-react din si Maja sa mga isyu noon na kaya sila naghiwalay ni Gerald ay dahil hindi siya gusto ng ina ng aktor na si Mrs. Vangie, “Siguro ‘nung umpisa, parang ganon naman eh, nagpakananay.

Siyempre sobrang mahal niya ‘yung anak niya, inaalagaan niya ‘yung anak niya.  “Pero in fairness kay Ge-rald naman, hindi niya pinaramdam sa’kin na dapat kami magpaapekto sa kung ano.

Pero ‘yun gusto kong ipagtanggol si Tita Vangie kasi nu’ng kami po ni Gerald, i-nalagaan naman niya ako at saka naramdaman ko naman na minahal po niya ako,” esplika pa ni Maja.

Kris, Bimby magmumulta ng P1-M sa Metro Manila Film Festival




Babayaran nina Kris Aquino at Bimby ang penalty sa Metro Manila Film Festival dahil sa pag-atras nila sa official entry ng Star Cinema na “All You Need Is Pag-ibig” kung saan makakasama sana nila si Herbert Bautista.

Ayon kay Kris, kailangang magbayad sila ng bunsong anak ng P1 million na multa sa MMFF/MMDA sa hindi nila pagkakatuloy sa pelikula.

Sey pa ng TV host, P500,000 per person daw ang kailangan nilang ibayad sa MMDA at organizers ng MMFF dahil sa naging desi-syon niya. Idinagdag pa ni Kris na ang kinita niya sa latest movie niyang “Etiquette For Mistresses” ang ipambabayad niya sa penalty.

“Ganu’n talaga ang buhay. Siguro lesson learned,” hirit pa niya. Nag-sorry na rin daw si Kris sa mga bossing ng Star Cinema dahil sa matinding stress na ibinibigay niya dahil lang sa pelikulang ito, pati na rin sa direktor nilang si Antoinette Jadaone.

Umayaw si Kris sa nasabing MMFF entry dahil hindi pumuwede ang schedule ng ni-request niyang director of photography na siya ring DOP ng “Etiquette For Mistresses”.
Nag-emote pa nga si Kris sa kanyang Instagram account ng kanyang disappointment sa mga nangyayari sa kanilang 2015 MMFF entry. Idinagdag ni Kris na napagalitan pa nga siya ng mga bossing dahil sa mga ipinost niyang mensahe sa IG.

Aniya, emotional daw kasi siya nu’ng time na ‘yung at hurt na hurt. Iyak nga raw siya nang iyak pag-uwi niya sa bahay.
Gustung-gusto raw kasi talaga niyang makatrabaho si direk Antoinette pero mukhang may pumipigil na ma-tuloy ang nasabing proyekto.



Magapatuka na lang ako sa Ahas (1977) - Chiquito & Azenith Briones



Mga Guererra (1964) - Miriam Jurado & Zeny Zabala


Pitong Atsay (1962) - Patsy & Dely Atay-Atayan