Thursday, August 13, 2015

Reklamo ng Dabarkads: Alden, Yaya Dub ’sinabotahe’, cable ng TV biglang nasira



NALOKAH ang mga neighbors namin last Wednesday when they were watching Eat Bulaga.
Nagdabog ang collective bangs nila kasi biglang lumabo ang cable at hindi nila napanood ang much-awaited pagkikita nina Alden Richards and Yaya Dub.
With bated breath, they collectively waited for the two’s pagkikita sa kalye. Nag-igib pa raw si Alden ng water just to show how much she loves Yaya Dub.
At the height of his pag-iigib, biglang nawala ang cable connection sa lugar namin, much to the consternation of the AlDub fans na gigil na gigil. Medyo matagal din nawala ang cable connection kaya bwisit na buwisit sila dahil hindi nila nasubaybayan ang kaganapan.
Our neighbors Sunnybelle Soriano and Toto Fabula were almost seething with anger dahil hindi nga nila napanood ang pagkikita ng dalawa nilang idol.
Ang tanong nila, meron daw bang sumabotahe sa AlDub loveteam? Well, bakit hindi na lang nila i-check ang cable connection nila. Right?
Anyway, we watched the “Maybe This Time” video of Alden and Yaya Dub at talaga namang nakakakilig ang mga eksena nila. Hawak-hawak pa ni Alden ang isang sapatos ni Yaya Dub na tumatakbo na parang si Cinderella. Basang-basa si Alden habang tumatakbo at talaga namang kaabang-abang ang eksena niyang iyon.
Si Yaya Dub naman ay nakitang sumabit sa isang jeepney na papalayo. Magaling magpaikot ng story ang Eat Bulaga at talagang click na click ang cliffhanger nila kaya marami na ang nag-aabang sa pagkikita ng dalawa.
May nakita kaming short video sa Twitter account ni Joey de Leon which showed Yaya Dub na nadulas habang halos patakbo. Ewan kung nasaktan nang husto si Yaya Dub sa kanyang pagkakadulas na ‘yon.
Scripted ba ‘yon o talagang nadulas lang siya? Mukhang lapitin lang ng disgrasya itong si Yaya Dub.
Pagkatapos kasing himatayin sa kasal nila ni Frankie Arinolli (Jose Manalo), ayun at nadulas naman ang dalaga.

KC dinalaw ang ina sa ospital, nakipag-ayos na kay Mega



MARAMING natuwang fans at netizens nang mabalitaan nilang okay na uli ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Kumalat kasi sa social media ang litrato kung saan makikitang dinalaw ni KC at Miel ang kanilang ina na naka-confine pa rin sa St. Luke’s Hospital dahil sa pagkakaroon ng matinding ubo.
Wala mang detalyeng ipinost si Sharon o si KC sa nasabing Facebook photo, ipinalalagay ng kani-kanilang mga kaibigan at supporters na nagkakayos na nga ang dalawa matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ilang buwan na ang nakararaan.
Mismong si Megastar pa nga ang nag-post ng picture nilang mag-ina. Makikita rito na nakahiga pa rin sa kanyang hospital bed ang TV host-actress ngunit bakas sa mukha nito ang kaligayahan.
Ayon sa mga naunang FB post ni Mega, posibleng nakuha niya ang hindi gumaling-galing na ubo noong magbakasyon silang mag-anak sa ibang bansa.
Kung matatandaan, mismong si Sharon din ang nagbalita sa madlang pipol na meron silang pinagdaraanang mag-ina na kalaunan ay kinumpirma rin ni KC. Pero sey ng dalagang aktres, hindi na siya magbibigay ng detalye kung ano ang pinag-ugatan ng tampuhan nilang mag-ina dahil malaki pa rin ang respeto niya rito at ayaw niya itong malagay sa alanganin.
Ayon kay Sharon, isa lang sa naging rason ng gap nila ng anak ay dahil sa pagpapaseksi nito sa kanyang pictorial at iba pang projects. Sey pa nga ni Mega, “Sorry pero nanay ako… may mga bagay na ‘di naman na kailangan gawin. Madaming beses na din kasi akong nagulat.”

Eat Bulaga posts highest rating of the year for Wednesday's AlDub near-meeting Yaya Dub




AlDub fever is still running high, with the anticipated meeting between Alden Richards and Yaya Dub boosting Eat Bulaga to its highest rating of the year.

The longest running noontime show posted a 36.1 rating in AGB Nielsen's overnight measurements among Mega Manila households for its Wednesday, August 12 show, according to PEP.

This was the highest rated Eat Bulaga episode of the year, according to the entertainment website.

Anticipation for the show was at a high since Yaya Dub was set to perform on #BulagaPaMore, leading fans to tune in to see if she would finally come face to face with Alden.

It was not to be, however, as Alden was unable to complete Lola Nidora's extra challenge in time to see Yaya Dub.

Sunday PinaSaya inungusan ang Asap20

Umani ng mataas na rating ang initial telecast ng Sunday PinaSaya. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ai Ai nu’ng i-text namin siya paglabas ng rating ng show last Monday.

Sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen ay nakapagtala ito ng 22.7% kumpara sa katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang ASAP 20, na nakakuha ng 11.5%. At sa national ratings naman ng Kantar Media/TNS ay hindi nalalayo ang 16.1% ng Sunday PinaSaya sa 17.1% na nakuha ng ASAP 20.

“God is good all the time. Masaya kaming lahat at sana magpatuloy pa ang pagpapasaya namin sa buong bansa,” text message sa amin ni Ai Ai. 

Sa Metro Manila Film Festival bakbakan ang pelikula nina Ai Ai+Aldub Vs. Vice Ganda+Coco


Baka nga sa Metro Manila Film Festival movie pa nila ni Vic Sotto.

“Seeecreet,” may kahulugang ngiti sa amin ni Ai Ai. Naku, knowing Ai Ai kapag ganyan ang sagot niyan, may halong katotohanan na, e, “Wait lang kayo,” biro pa niya.
Basta gugulatin na lang daw tayo ni Ai Ai tungkol sa pag-join ng AlDub sa movie nila ni Vic.

If ever mangyari ‘yan, tiyak na mahigpit ang labanan for number one spot sa takilya ang movie nina Ai Ai-Vic at ‘yung pelikula naman nina Vice Ganda-Coco Martin sa December filmfest.

“E, sabi ko nga, nag-thank you ako sa Lord sa lahat ng blessings na binibigay niya sa akin simula nang lumipat ako sa GMA. Tuluy-tuloy, swak. Hindi pinipilit, natural flow ng ano, may intervention ni Lord,” sabi pa ni Ai Ai.

Magkahawig ba sila? Sino ang mas maganda sa kanila?


Magkahawig ba sila?
Sino ang mas maganda sa kanila?

Alden napilitan lang mag-artista nang biglang mamatay ang nanay



TANGGAP ng nag-iisang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na malaking tulong sa bagong comedy-variety show niya sa GMA na Sunday Pinasaya ang gwapong aktor na si Alden Richards.

Hot na hot si Alden ngayon dahil sa loveteam nila ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay.
“Oo, sobra. Malaking tulong siya sa show. Shining moment ni Alden ngayon. Sinasabi ko nga sa kanya kapag nasa gilid kami, ‘Baby Boy, nakakatuwa ‘yung nangyari sa career mo kasi ‘di ba sinabi ko sa ‘yo sisikat ka dahil napakabait mong bata,” lahad ni Ai Ai.

Sa mga hindi raw nakakaalam, bago namatay ang ina ni Alden, gustong-gusto nito na mag-artista ang kanyang anak.

“So, noong araw sabi niya, tinanong ko siya, ‘Paano ka ba naging artista?’ Sabi niya, ‘Dati pinag-aartista ako ng mommy ko.’ Ayaw ni Alden. Pero nu’ng na-tegibels ‘yung madir, parang eto ‘yung ginawa niyang dedication para sa nanay niya. Kaya ‘yung batang ‘yan walang reklamo, napakasipag na bata,” papuri ng komedyana kay Alden.

Kamakailan ay pumirma ng kontrata si Alden sa APT Entertainment for four movies. Banggit namin kay Ai Ai, malamang isa sa apat na movies na ‘yan ay ipasok si Alden at ang screen partner niya na si Yaya Dub, 

Baka nga sa Metro Manila Film Festival movie pa nila ni Vic Sotto.

“Seeecreet,” may kahulugang ngiti sa amin ni Ai Ai. Naku, knowing Ai Ai kapag ganyan ang sagot niyan, may halong katotohanan na, e, “Wait lang kayo,” biro pa niya.
Basta gugulatin na lang daw tayo ni Ai Ai tungkol sa pag-join ng AlDub sa movie nila ni Vic.

If ever mangyari ‘yan, tiyak na mahigpit ang labanan for number one spot sa takilya ang movie nina Ai Ai-Vic at ‘yung pelikula naman nina Vice Ganda-Coco Martin sa December filmfest.

“E, sabi ko nga, nag-thank you ako sa Lord sa lahat ng blessings na binibigay niya sa akin simula nang lumipat ako sa GMA. Tuluy-tuloy, swak. Hindi pinipilit, natural flow ng ano, may intervention ni Lord,” sabi pa ni Ai Ai.

Umani ng mataas na rating ang initial telecast ng Sunday PinaSaya. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ai Ai nu’ng i-text namin siya paglabas ng rating ng show last Monday.

Sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen ay nakapagtala ito ng 22.7% kumpara sa katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang ASAP 20, na nakakuha ng 11.5%. At sa national ratings naman ng Kantar Media/TNS ay hindi nalalayo ang 16.1% ng Sunday PinaSaya sa 17.1% na nakuha ng ASAP 20.

“God is good all the time. Masaya kaming lahat at sana magpatuloy pa ang pagpapasaya namin sa buong bansa,” text message sa amin ni Ai Ai.

Monday, August 10, 2015

Twerk it like Miley the G-Force way (Make Me Sweat Again Rehearsal)

Brides of Sulu (1934) Adelina Moreno & Eduardo d Castro


@1934 BRIDES OF SULU

Adelina Moreno

Eduardo de Castro

Armanda Magbintang

Gregorio Ticman

Directed by: John Nelson

Miracles of Love (1925) - Juanita Angeles & Jose Carvajal


Miracles of Love (1925)

  Juanita Angeles

Jose Carvajal

Dimples Cooper

Dir: Vicente Salumbides

Sunday, August 9, 2015

Eat Bulaga: AlDub Day 23 (Wedding Crasher)

@1952 Espada


asawa ako ng isang dating dancer at action star meron kaming naging anakna sina Robin at Peter sayang nga lang nagkahiwalay din kami SINO AKO


asawa ako ng isang dating dancer at action star
meron kaming naging anakna sina Robin at Peter
sayang nga lang nagkahiwalay din kami

SINO AKO

Kaya ba ninyong pangalanan ang 6 na anak ni Conrado Conde na galing din sa clan ng mga Ilagan


Kaya ba ninyong pangalanan ang 6 na anak ni Conrado Conde na galing din sa clan ng mga Ilagan 

SINO KAMI?

sa katunayan nong 50s di kami nagkasama sa mga pelikula dahil siya ay taga Sampaguita.....


sa katunayan nong 50s di kami nagkasama sa mga pelikula

dahil siya ay taga Sampaguita Pictures

ako naan ay Taga LVN Pictures

SINO KAMI?


Alaala Kita (1961) - Efren Reyes Sr & Tessie Quintana




24 Oras (1966) Jess Lapid, Lolita Rodriguez, Suzanne Machelle & Eddie Rodriguez


24 Oras (1966)
Empire Pictures
Release Date 
November 29, 1966
Globe Theater
A DZXL Radio Serial

Willie Sotelo (in a very special role)

First Episode: "Kidnapped"
Direction 
Totoy Rivera
Music 
Tony Maiquez
Jess Lapid
Rocco Montalban
Marilou Ver 
Ruben Ramos 
Marissa Delgado 
Joe Sison
Bert Dumaran
Gener Crisola
Nestor Brillantes
Amado Brillantes
Banjo Bautista
Ben Romero
Boy Arce
Arturo Arce

Second Episode: "Killer on the Loose"
Direction 
Ben Calasanz
Music 
Tony Maiquez

Lolita Rodriguez
Renato Robles 
Martin Marfil 
Bert Martinez 
Johnny de Leon
Lina Crisostomo 
Ben Peralta 
Charlie Mendez 
Fred Cornelo 
Mar Quijano

Third Episode: "Serpent in the Night" 
Direction 
Armando de Guzman
Music 
Tony Maiquez

Suzanne Machelle
Conchita Cruz
Paolo Rocco 
Sancho Tesalona 
Batotoy
Totoy Rivera
Richard Rey 
Johnny de Leon

Fourth Episode: "Split Second"
Direction 
Luis Enriquez
Music 
Tony Maiquez

Eddie Rodriguez
Vic Andaya
Prospero Luna
Jimmy Morato 
Mercedes Cruz
Zeny Sebastian
Jaime de Leon 
Willie Vergara
Carlos Miranda
Joe Cadores

Dalagang bukid (1919) - Atang dela Rama & Marcelino Ilagan



Dalagang bukid (1919)


This is the Philippines' first feature film created and is now lost forever. 



Dalagang Bukid is a story about a young flower vendor named Angelita ...



Dalagang Bukid 


1919

 Atang Dela Rama
Marcelino Ilagan

Director:
Jose Nepomuceno

Based on Zarzuela by
Hermogenes Ilagan

Genre
Romance


Bagamat itinatag niya ang Malayan Movies noong 1917, nakagawa lamang siya ng una niyang pelikula, ang Dalagang Bukid (1919), matapos ang dalawang taon. Ito ay base sa sinulat panteatro ni Hermogenes Ilagan na nag-premiere noong September 12, 1919 na tinampukan ni Atang de la Rama at Marcelino Ilagan. Sila ang mga pangunahing aktor ng teatro noon. Ang pelikulang ito ay isang silent film na sinasabayan ng live na pagsasalita at pag-awit ng mga aktor ang mga imahe sa telon.





La vida de Rizal (1912) by Edward M. Gross


La vida de Rizal (1912)

Dir: Edward M. Gross

a Fil-American movie produced by American in 1912

this is the very first Jose Rizal movie

Hindi nga ako maputi kasi mana ako sa tatay kong tinawag na Mr Dupong ng


Hindi nga ako maputi kasi mana ako sa tatay kong tinawag na Mr Dupong ng Pelikulang Pilipino

sa Sampaguita Pictures ako sumikat

at ang carer ko ay umabot lamang hanggang early 70s

SINO AKO?
(005)



(004) inaamin kong isa akong taong gubat pero huwag ninyo akong maliitin dahil sa hawakkong kahoy ako ay nagiging mabilis at mabangis kahit sinong kalaban aking susuungin SINONG SUPER HERO AKO?


inaamin kong isa akong taong gubat

pero huwag ninyo akong maliitin dahil sa hawakkong kahoy ako ay nagiging mabilis at mabangis

kahit sinong kalaban aking susuungin

SINONG SUPER HERO AKO?
(004)


(003) Isa akong artista mula sa Premiere Productions makinis talaga ang kutis ko dahil may lahi ako subalit sinabi sa isang pelikula magaspang daw ang balat ko at mas makinis pa yung legs ni Elizabeth Ramsey SINO AKO?


Isa akong artista mula sa Premiere Productions

makinis talaga ang kutis ko dahil may lahi ako

subalit sinabi sa isang pelikula magaspang daw ang balat ko at mas makinis pa yung legs ni Elizabeth Ramsey

SINO AKO?
(003)

(002) Sino ang batang ito na napaliligiran ng mga artita noong 1938 na sina Miguel Anzures, Andres Centenera at Nati Rubi


Sino ang batang ito na napaliligiran ng mga artita noong 1938 na sina Miguel Anzures, Andres Centenera at Nati Rubi



(001) kilala ba ninyo kung sino ang dalawang artistang ito


....kilala ba ninyo kung sino ang dalawang artistang ito

isang mestisa at isang mestisang negra

(Sabihin ang titulo at ang dalawang babaeng artista)

SINO SILA?

Piolo ang daming arte kapag natatanong tungkol sa lovelife



Maraming natawa sa latest statement ni Piolo Pascual – na naniniwala pa rin daw kasi siya sa love at first sight pero hanggang ngayon ay busy pa rin siya kaya wala pa siyang time magka-lovelife.

Actually, walang naniniwala kay Piolo when he said na wala siyang panahon magkadyowa, talaga lang daw sigurong ayaw na niyang magka-girlfriend after ng controversial break-up nila ni KC Concepcion.
Kung gusto raw kasi talaga niyang magka-GF, maraming paraan, pero kapag ayaw talaga, maraming dahilan.

Ipagdasal nyo ang aking ina - Jaya




MANILA, Philippines – Jaya asks for the public’s prayer for her mom Elizabeth Ramsey.
Ramsey, 83, suffered stroke on Wednesday, as posted by Jaya in her Facbeook account.
“I'm at my saddest but still praise God for He is in control!!! Please if you can, say a little prayer for my dearest mother. Thank you,” she said in her post.

Alden at yaya Dub, ang kakabog sa lahat ng tambalan sa Showbiz



Kinakabog nga- yon ni Yaya Dub (Maine Mendoza) ang maraming sikat na artista. Kahit saan ka magpunta ay siya ang pinagpipistahan ng ating mga kababayan, siya ang ginagawang pulutan, aliw na aliw sa kanya ang buong bayan.

Pati mga batang bahagya pa lang na nakakaintindi ay siya ang itinatanong, kailan daw ba nila makikita si Yaya Dub, tanong naman ng mga kababayan nating araw-araw na tumututok sa Eat Bulaga ay kailan daw ba nila maririnig ang totoong boses ng dalaga?

Marami silang pinaki- kilig ni Alden Richards na kinokontra naman ni Lola Nidora (Wally Bayola) dahil ang minamanok nito para kay Yaya Dub ay si Frankie Arenoli (Jose Manalo).

Number one loveteam ngayon ang AlDub! Sabi ng isang nakakuwentuhan namin tungkol sa AlDub, “Tingnan mo ‘yan.

Sino ang magsasabing dahil sa Kalyeseryeng naisip ng Eat Bulaga, e, may sisikat palang tambalan na ganyan sa AlDub! ?“Walang ka-effort-effort, napakanatural, tumatakbo ang kuwento araw-araw na basta paganu’n-ganu’n lang, pero talagang aliw na aliw ang manonood sa kanila!

“Natakpan na ang lahat ng isyu tungkol kay Wally, may kinaaaliwan nang Lola Nidora ang buong bayan, pana-panahon lang talaga ‘yan!” komento ng aming kausap.
Kalyeserye pa more!!!!

Kathryn nagpaseksi sa bagong pictorial; Daniel tulo-laway




MAY pagka-daring ang pictorial ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo para sa bago niyang endorsement, pero agad na nilinaw ng dalaga na wala naman siyang planong magpaseksi nang bonggang-bongga.
In fairness, isa sa mga top trending topic nu’ng Sabado ng gabi ang pagrampa ni Kathryn sa press launch ng kanyang newest endorsement, ang Primadonna shoes na dinaluhan din ng ilang executives ng ABS-CBN at ng kanyang loyal fans. Si Raymond Gutierrez ang nagsilbing host ng event.

Maraming natuwa at nagandahan sa mga litrato ng rumored girlfriend ni Daniel Padilla na inilabas ng Primadonna during the press launch, bukod kasi sa napakasosyal ng mga kuha ng photographer na si BJ Pascual ay napakaseksi pa nito at class na class.

Sey ni Kathryn, hindi naman daw talaga sexy ang atake ng pictorial niya sa Primadonna, “Parang fashion statement lang siya, tsaka maganda naman po yung pagkakagawa, so happy naman ako sa kina- labasan.
For me, bagay na bagay siya sa mga shoes na sinusuot ko. And for me hindi siya pangit tingnan.”

Pero feeling namin sa mga lumabas na litrato ng dalaga ay mas nahumaling pa si Daniel sa kanyang ka-loveteam.
Sure na sure kaming tutulo ang laway ng binata kay Kath. Dagdag pa ng dalaga, tinanggap niya ang nasabing endorsement dahil naniniwala siya sa quality ng produkto.

At talaga raw ginagamit niya ito sa kanyang mga proyekto. Aniya, lahat naman ng kanyang ine-endorse ay ginagamit o kinakain niya, ayaw daw niyang lokohin ang madlang pipol, na nag-e-endorse siya ng isang produkto pero hindi niya naman ginagamit.

At dahil nga sa naganap na press launch, ang hashtag na #KBxPD ay mabilis na nag-trending sa Twitter, ang mga kuha naman ni Kathryn habang rumarampa sa stage ay agad na kumalat sa iba pang social media.




Ayon kay Kathryn, swak na swak sa kanya ang bago niyang endorsement dahil talag

ang mahilig siya sa sapatos. Nagustuhan niya raw ang Primadonna dahil bukod sa classic chic na style nito ay kumportable pa ito sa paa kahit na may “heels”.

Pwedeng-pwede raw itong gamitin sa pormal at casual occasion. Samantala, dahil nasa legal age na si Kathryn, natanong siya kung boboto na ang dalaga sa darating na 2016 elections, “Yes, 19 na ako and this is the first time na boboto ako, and I’m really excited kaya dapat special ito kaya talagang paghahandaan ko ito, kasi I believe na dapat seryosohin ng bawat Filipino ang pagboto.”

Anu-ano ang considerations niya sa pagpili ng iboboto nita? “Siyempre dapat yung feeling ko na sincere sa pagse-serve sa bansa natin, yung tingin ko na honest at may puso talaga sa pagsisilbi sa mga tao.

And of course yung hindi corrupt at kung sino yung mapag-uusapan ng family ko.” Willing ba siyang maging celebrity endorser ng isang presidential candidate? “Sa pagkakaalam ko, sa Star Magic parang hindi pwedeng mag-endorse ng candidate.

Pero yung sa akin, kung sino yung pinaniniwalaan ko yun ang iboboto ko.” Hindi rin daw iimpluwensiyahan ni Kathryn ang milyun-milyong fans nila ni Daniel pagdating sa politika, “Wala naman akong karapatan para diktahan sila pagdating sa bagay na yan.
May kanya-kanya tayong paniniwala at ayoko naman silang pilitin sa isang bagay na ayaw naman nila. So, nasa kanila ‘yun, it’s their choice.”

Wala namang nararamdamang selos ang Teen Queen sa bagong kasama nila sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na si Sarah Carlos, ang gumaganap na Bea Bianca at magiging kaagaw ni Kathryn as Yna kay Daniel Padilla bilang si Angelo.

Ayon sa dalaga, mabilis silang nagkapalagayan ng loob dahil magaling namang ma- kisama ang baguhang youngstar. Hindi naman daw siya nagseselos kapag nakakaeksena ni Daniel si Sarah.

Dagdag pa ni Kath gina-guide pa nga raw nila ni Daniel si Sarah sa kanilang mga eksena. “Maraming-marami pa silang kailangang abangan sa Pangako Sa ‘Yo, lalo na ngayong dumating na si Bea Bianca, tutukan n’yo kung ano yung magiging pagbabago sa buhay nina Yna a Angelo sa pagdating ni Bea.

Tsaka siyempre, kailangan din nilang abangan yung mangyayari sa muling pagkikita nina Amor Powers (Jodi Sta. Maria), Madam Claudia (Angelica Panganiban) at Sir Eduardo (Ian Veneracion),” chika pa ni Kathryn.

Actually, atat na atat na ang viewers sa mga pasabog nina Jodi at Angelica sa PSY (na nananatiling number one sa ratings game), gusto nang masaksihan ng manonood ang kanilang mga catfight sa serye.

Tiyak na magkakaroon na naman ng Team Amor at Team Claudia once na magsimula na ang pisikalan nilang mga eksena.

Hubad na litrato ni aktor kalat na, galing sa ninakaw na cellphone



MAY kumalat na nude photo ni Teejay Marquez sa internet.
We saw the photos and we can’t figure out kung siya nga iyon. Pero based on some netizens’ comments, si Teejay nga raw ang nasa picture na in-upload ng nagnakaw ng kanyang cellphone.

In all states of undress ang young guy in the pero ang pinaka-hot ay ‘yung nakahiga siya sa couch na barely clothed siya. Isang tela lang ang tumatakip sa kanyang kaselanan.

But some say, mukhang look-a-like lang niya ang nasa photos because sa ibang shots ay wala pa siyang abs. Pero ‘yung isang nakahiga siya ay abs kung abs talaga.
Interesting ang caption sa photo na iyon kasi sinabi ng nag-post na taken nga iyon sa nawalang iPhone ng binata at meron pang lalabas na mas malinaw na photo.
We checked the photos of Teejay on his Twitter account and we found out that he was BEREFT of abs. Nakahiga siya sa isang sofa na half naked at wala naman siyang pandesal sa tiyan.

So, who could have been the guy who was semi-nude in the photo which circulated on the internet? Ka-lookalike lang ba niya iyon?

Anyway, the reaction of the people on social media as parang DA HU pa rin siya. They don’t seem to know him. “Scandal or Promotion?” said one guy.
“Sorry lang pero sino sya?” tili naman ng isa pa. “Parang nagpapakontrobersyal lang si Teejay dito para mapansin. #whatchathink pero infairness super yummy na ng katawan nya ha,” observed one fan.

“Starlets will do or show anything and everything for FAME!” said one bitchy guy. “Parang hindi sya. Masyadong batak na yung picture,” paniwala naman ng isa pa.

Apparently, hindi pa yata aware si Teejay sa controversial photo scandal dahil wala pa kaming reaction na nabasa sa kanyang Twitter account.

Andi buking na: baliw na baliw pa rin kay Jake



WALA lang. Parang ganyan ang gustong ipahiwatig ni Andi Eigenmann sa mga maaanghang niyang tweet kamakailan patungkol sa isang tao na tinawag pa niyang, “scum of the Earth.’

Nang eventually ay mapaamin nga si Andi ng mga kapatid natin sa media kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang post, walang kaabog-abog nitong tinuran ang name ni Jake Ejercito, ang kanyang ex-boyfriend.
Sey pa ng kontrobersyal na aktres, “Wala yun. No big deal. Ganu’n talaga paminsan kapag nagkakapikunan kayo ng isang tao na komportable kang inisin.

For sure, inis din naman siya sa akin.” Sa takbo ng panayam kay Andi ay nababasa namin na talagang malalim ang pinaghuhugutan niya kapag si Jake na ang pinag-uusapan.
Feel na feel namin na baliw na baliw pa rin siya sa anak ni Mayor Erap Estrada. Hay, kailan naman kaya kami makakabasa ng balita tungkol kay Andi na hindi nababanggit ang kanyang mga ex-boyfriend o mga isyu tungkol sa magulo niyang lovelife? Ha-hahaha!

Tom plano nang layasan ang showbiz: Pero sinugalan talaga ako ng GMA!


DIRETSONG sinabi ni Tom Rodriguez na mas sumikat at nagkapangalan talaga siya nang lumipat siya sa GMA 7.

Ayon sa Kapuso hunk actor tumatanaw siya ng utang na loob sa ABS-CBN ngunit ang GMA daw talaga ang nagbigay ng ikalawang pagkakataon sa kanya sa showbiz.

Ayon kay Tom, talagang plano na niyang mag-give up sa kanyang career dahil feeling niya, hindi para sa kanya ang showbiz.

Ang balak sana niya ay bumalik na sa States para doon humanap ng bagong career, pero dumating nga ang offer ng GMA at muli siyang sinugalan.
Naging phenomenal hit ang unang primetime series nila nina Dennis Trillo at Carla Abellana na My Husband’s Lover.

Mula nga noon ay nagtuluy-tuloy na ang magandang career ni Tom sa Kapuso network. At ngayon nga ay muli siyang mapapanood sa primetime ng GMA – siya ang makakatambal ni Miss World 2013 Megan Young sa bagong version ng Marimar bilang si Sergio Santibañez, na magsisimula na bago ma- tapos ang buwan.

Nakausap namin si Tom sa pocket presscon na ibinigay ng Siyete sa kanila ni Megan para sa Marimar at dito nga niya sinabi na kung hindi dahil sa pagsugal ng GMA sa kanya maranil ay wala na siya sa showbiz.

In fairness, dahil sa sunud-sunod na projects niya sa Kapuso ay nakabili na siya ng sariling condo at bagong kotse. Alam n’yo ba na walang bisyo si Tom kaya mabilis siyang nakaipon at nakapagpundar ng properties?

Wala rin siyang night life dahil mas gusto niyang gamitin ang kanyang free time sa makabuluhang mga bagay tulad ng pag-aaral ng specialization sa science, math at iba pa.
Samantala, pangako ni Tom, gagawin niya ang lahat para mabigyan ng hustisya ang role niya sa Marimar bilang Sergio, ang lalaking iibig sa kagandahan at kaseksihan ni Megan bilang si Marimar.

Todo-todo na nga ang ginagawang pagpapaganda ng katawan ng binata, bukod pa sa tuluy-tuloy na acting workshop kasama ang iba pang cast members ng serye.
Sey pa ni Tom, mabilis lang silang nagkapalagayan ng loob ni Megan dahil magka- kilala na sila noon pa, at nagkatrabaho na rin in the past, “Noon pa, 2011 magkakilala na kami, hindi lang kami close.

Pareho na kaming excited sa Marimar and we are hoping na susuportahan din nila ang version namin tulad ng pag-support nila noon kina Primetime King and Queen Dingdong and Marian.”

Sa Aug. 24 na magsisi- mula ang Marimar sa GMA Telebabad kapalit ng Pari ‘Koy, at makakasama rin nila rito sina Jaclyn Jose, Zoren Legaspi, Lauren Young, and Alice Dixon.

Nandiyan sina Nova Villa, Tommy Abuel, Carmi Martin, Ina Raymundo, Ricardo Cepeda,Jaya, Cris Villanueva, Dion Ignacio, Frank Magalona, Ashley Cabrera at si Boobay na siyang magbibigay ng boses sa asong si Fulgoso. Ito ay sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Heart hiyang-hiya kay Lovi nang makipaglaplapan kay Rocco


NGAYONG gabi na magsisimula ang bagong primetime teleserye ng GMA 7, ang Beautiful Strangers na pagbibidahan ng mag-BFF na sina Heart Evangelista at Lovi Poe.

Inaasahang acting showdown ang magaganap sa pagitan ng dalawang Kapuso actress sa nasabing soap opera kung saan makikipagta- gisan din sa aktingan sina Boyet de Leon at Dina Bonnevie.

Pero ayon kay Heart, sa pag-uumpisa ng Beautiful Strangers ay wala pa siyang masyadong pasabog, aniya, “Wala siyang masyadong challenge, to be honest, kaya happy ako.

“Of course, may challenge when I kind of step back, fight back, lalaban na ako. Pero yung challenge talaga sa umpisa, na kay Lovi, na ang karakter ay nagbaliw-baliwan.

Talagang taong-grasa ang peg niya rito. Siya talaga ang kawawa, hirap na hirap siya,” chika ni Heart nang makachika ng press sa ginanap na grand launch kamakailan ng Beautiful Strangers.

Nilinaw naman agad ng misis ni Sen. Chiz Escudero na hindi sila magkapatid sa kuwento ni Lovi, akala raw kasi ng viewers ay mag-sister sila dahil sa ipinalalabas na trailer sa GMA.

Sey ni Heart, “Sobrang strangers kami, we don’t know anything about each other. Pero dahil sa tadhana, nagkita kami at natulungan ko siya.

“Magiging magkaibigan kami, parang magkapatid at magiging rivals kaming dalawa. Totally different, pero gusto namin ‘yan.

“Nabibigyan kami ng mga eksenang nagsasampalan. The more passionate, the more we want. Kasi, siyempre as an artist, that’s what you look forward to,” kuwento pa ng aktres.

Chika pa ni Heart, sa first few weeks ng serye si Lovi talaga ang magmumukhang kontrabida, kaya medyo gray daw ang mga roles nila rito, “That will make it relatable kasi lahat naman tayo, meron tayong gray side.

Meron tayong moment na kailangan nating lumaban. “Siya siguro sa umpisa, then lalaban din ako eventually,” esplika pa ng Kapuso actress.
Inamin naman ni Heart na talagang nailang siya sa mga kissing scene nila ni Rocco Nacino sa Beautiful Strangers na gumaganap na boyfriend niya sa kuwento, siyempre, lagi raw kasi niyang naiisip na ang hinahalikan niya ay ang boyfriend ng best friend niya.

“Awkward-awkward talaga. Si Lovi mas lalong nag-awkward. Pero sobra naman ang pinagsamahan namin ni Lovi, it doesn’t really bother us.

“Lalo na siya, she’s very open to these things, tumatawa lang siya. Meron kaming eksenang ginawa na nakita niya kaming naghahalikan, nakaka-awkward.

Pero wala naman sa kanya yun,” paliwanag ni Heart. Kung minsan nga raw ay nagkaka-okrayan sila sa set kapag may intimate scenes sila ni Rocco, “Oo, grabe! Naglolokohan.

Nahalikan na rin kita, parang ganu’n!”  Natanong din si Heart kung feeling ba niya ay naiilang din si Rocco sa halikan nila, “Parang hindi naman siya naiilang.”

Tingin ba niya na-enjoy ng binata ang kissing scene nila? “Hindi naman. Artista naman siya, e. Ako naman kasi, pagdating sa ganyan, hindi ko naman siya boyfriend, nahihiya ako siyempre.”

Makakasama rin sa Beautiful Strangers sina Benjamin Alves, Dianne Medina, Ayen Munji-Laurel, Emilio Garcia, Lovely Rivero, Kier Legaspi, Mariel Pamintuan, Gabriel de Leon, Renz Valerio, Djanin Cruz, Rez Cortez, Divina Valencia at Pen Medina, sa direksiyon ni Albert Langitan.

Sigaw ng Bashers kay James: Puro babae ang inaatupag, sustentuhan mo muna si Bimby!



PBA superstar James Yap’s relationship with his girlfriend Michela Cazzola is not on a shaky ground as rumored. Actually, sweet na sweet pa nga sila as shown in the series of photos which James posted on his Instagram account.

Nagliwaliw ang magdyowa sa bayan ni Michela sa Italy. Sinamantala ni James ang break sa basketball para mag-bonding sila ng dyowa niya sa Italya.
Proud na proud na ipinost ni James ang sandamakmak na photo nila na kuha sa bansang sinilangan ng dyowa niya. May shot habang namamasyal sila, habang nagsu-swimming, nagbi-biking.

Meron ding photos kung saan ipinakita sila dining together with some friends. Obviously, masaya ang dalawa sa kanilang relasyon.

Kaya lang, merong nagbasag ng trip ni James nang mag-react ito negatively and said, “You know that it is a father’s obligation to give financial support to his child.
So why don’t you? It is the most noble and only the RIGHT thing to do, not only as a father but as a MAN. “Magbigay ka naman sa anak mo.

Nakakahiya not only sa mata ng tao, pero sa mata ng anak mo and sa Diyos. Gain back your self respect. Start giving your support. You owe it to your child.”
May kinalaman ang message ng basher sa recent revelation ni Kris Aquino na hindi nagbibigay ng sustento si James sa anak nilang si Bimby.

Kaagad namang ipinagtanggol si James ng isa niyang follower who said, “Kaya naman magbigay ni James ng financial support. Malaki din kinikita niya.
Hindi natin alam ano real reason bakit ganon kaya wag na lang po makialam.” Super nega ang naging dating ng pahayag ni Kris na hindi nagbibigay ng sustento si James sa anak nilang si Bimby.

Mas marami pa rin ang naniniwalang nagbibigay naman ang basketball player kaya lang ay inaayawan iyon ng Queen of Talk dahil kayang-kaya naman niyang buhayin ang kanyang anak.

Actually, napabalitang on the rocks ang relationship ni James sa kanyang GF nang mag-post siya ng isang message sa salitang Bisaya which when translated in Tagalog means, “Kung ang pag-ibig ay dumating sa puntong masakit na, pakawalan mo na at isalba mo na ang iyong sarili.

Tandaan na may makikita ka pang ibang mamahalin pero hindi ka na makakakita ng ibang ikaw.”