Friday, September 4, 2015

Payo ni Nora kay Alden: Wag lang siyang magbabago!





Samantala, proud na proud din ang Superstar na si Nora Aunor kay Alden Richards. Puring-puri ni Ate Guy ang aktor dahil bukod daw sa magaling na artista ay napakabait pang bata.

Nagkasama ang dalawa noon sa short film ni Adolf Alix Jr. na “Kinabukasan” at dito nga nakilala ni Ate Guy kahit paano ang binata. Aniya sa isang TV interview, “Magaling na artista ‘yan! Magaling na artista yung anak kong ‘yon.

“Huwag lang siyang magbago. Hindi dapat mawala kung ano ang nakilala sa kanya bilang siya. Iyon pa rin ang dapat na makita ng mga tao na nakakakilala sa kanya, lalo na yung mga fans.”

No comments: