Friday, September 4, 2015

Michael: Ayokong isiping hadlang sa career ang magiging baby ko!





MATAPOS ang matagumpay at top-rating na unang edisyon nito, magbabalik sa telebisyon ang Your Face Sounds Familiar upang linggo-linggong handugan ang mga manonood ng kakaibang aliw kasama ang bagong batch ng celebrity performers simula Set. 12.

Humanda para sa mas level-up pang mga pasabog at transformations na tiyak na magbibigay ng concert-like experience sa pangunguna ng host na si Billy Crawford at ang bagong KatroFamiliar na si Melai Cantiveros, ang unang YFSF grand winner.

“It’s all about just having fun and doing things that you would not expect doing for everyone to see. It’s all about enjoying the weekend and changing the weekend habit of viewers.
Nabigyan kami ng pagkakataong bumalik, and we hope na magpasaya uli kami ng mga tao,” sabi ni Billy. Si Melai ang magiging espesyal na KatroFamiliar na magdadagdag ng riot na katatawanan sa bawat episode ng programa.

Makikilala siya linggo-linggo bilang iba’t ibang personalidad na makakasama ng walong celebrity perfor- mers sa kanilang mga paandar pagkatapos ng kanilang performances.

Ayon kay Melai, lalo siyang excited sa kanyang pagbabalik sa programa dahil aniya, sa pagkakataong ito ay walang pressure para sa kanya na mag-perform.

Nagpapasalamat din siya sa naging experience niya rito dahil nabago raw nito ang kanyang buhay.


“This time, na-appreciate ko talaga ang pagbabago sa buhay ko nang sobra-sobra dahil nanalo ako na alam kong pinaghirapan ko, lalo na sa prosthetics at pagkanta.


As a performer parang nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko. Parang nag-level up ako. Nalampasan ko na ang kaba kapag lumabas sa stage at humarap sa audience,” ani Melai.
Siguradong magbabago rin ang buhay ng walong bagong celebrity performers sa programa sa kanilang pagtanggap sa hamong maging ka-face at ka-sound ng iba’t ibang local at international na music icons.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng linggo-linggong showdown kasama ang mga celebrity contenders na sina Sam Concepcion, KZ Tandingan, Kakai Bautista, Michael Pangilinan, Myrtle Sarrosa, Eric Nicolas, Kean Cipriano at Denise Laurel.

Gaya ng naunang season, walang elimination sa programa at dadaan ang performers sa acting, dance, at vocal training, kasabay ng kumpletong make-up transformation para lubos nilang makopya ang ayos, itsura, at galaw ng kanilang assigned music icons.
Sa bawat episode, ang performer na makakakuha ng pinakamataas na puntos ang siyang magwawagi ng cash prize, na ang kalahati ay ipagkakaloob sa napili niyang charity.

Maliban kina Billy at Melai, uupo pa rin bilang jurors na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, world singing champion Jed Madela, at Megastar Sharon Cuneta.

Mapapanood na simula sa susunod na Sabado ang Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN.

Speaking of Michael Pangilinan, nagimbal ang sambayanan nang aminin niya publicly na he is an expectant father sa ipinagbubuntis ng kanyang ex-girlfriend. Bale five months nang nagdadalantao ang ex niya.

“We were so in love nu’ng panahong iyon kaya nabuo ang baby. Pero wala na kami ng magiging mother ng baby ko. Excited ako sa paglabas ng bata kaya nagsusumikap akong magtrabaho nang maayos para paglabas niya ay handa na ako to feed him – para tustusan ang mga pangangailangan niya and all.

“Magkaibigan naman kami ng ex-GF ko. Hindi naman kami magkagalit kaya malaya kong mahihiram ang baby namin paglabas niya. Ayokong isiping hadlang ito sa karera ko – I take it as a blessing pero of course, I am not encouraging boys my age na pumasok sa ganitong sitwasyon. Hindi po madali.

“Nagkataon lang na nangyari sa akin kaya pinanindigan ko ito. Focused na ako sa career ko ngayon. Busy tayo sa work, and I am very happy with how my career is doing,” ani Michael na nabunutan nang malaking tinik nang aminin niya ang estado niya.

Nakakatuwa ang fans, ni Michael, nu’ng una medyo na-disappoint sila nang konti pero a few minutes later ay nanindigan sila to support Michael all the way dahil inako nito ang responsibilidad sa nalalapit na pagiging binatang ama.
“Hindi siya nagsinungaling kasi. He didn’t deny the coming of his angel. Nakakatuwa si Michael. 

Tutal break na naman sila ng girl kaya oks lang sa amin. Mamahalin din namin ang magiging baby ni Khel,” sabi ng isang loyal fan ni Michael.

May nagtanong sa amin kung bakit ngayon lang daw namin sinabi ito publicly. Ang sa ganang akin lang naman, we didn’t offer talaga this story to anyone – what for? Pero sabi ko, once someone asks, he will admit.

We never intended na mag-lie. Nagkataon lang na natanong na sa amin kaya ibinigay namin ang totoong sagot, tama? A baby is always a blessing.

Kailangang panindigan ni Michael ang bunga ng pagmamahalan nila ng kanyang ex. Pero wish ko lang na tigilan na muna ni Michael ang kalandian.

Gosh! Hindi ganoon kadali for someone as young as he is na magkaroon ng maraming responsiblidad, ‘no! Tama na ang isa for now. Tsaka na lang niya dagdagan pag 35 years old na siya, okey? Ha-hahahaha!



No comments: