Friday, September 4, 2015

Joey sa Aldub bashers: Patawarin sila, di nila alam ang kanilang ginagawa!



PINAYUHAN ni Joey de Leon sina Yaya Dub at Alden Richards na dedmahin na lang ang mga namba-bash sa kanila sa social media at mag-focus na lang sa kanilang humahataw na career.

Ayon sa TV host-comedian, natural lang na batuhin nang batuhin ang phenomenal loveteam ng Eat Bulaga dahil sikat na sikat sila ngayon hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t iba pang panig ng mundo.

Maraming naglalabasang negatibong balita tungkol kay Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay at kay Alden, at naniniwala ang kanilang milyun-milyong fans na ito’y nagmumula sa mga taong hindi masaya sa pagsikat ng Aldub.

Ngunit tulad ng advice ng kanilang mga dabarkads, huwag na lang nila itong patulan. Isa sa hayagang nagtanggol kina Alden at Maine ay si Joey de Leon na talagang nag-post pa sa kanyang Twitter account at pinaalalahanan din ang supporters ng AlDub.

Aniya, dedmahin na lang ng mga ito ang mga paninira sa maka-loveteam at manatiling mapagkumbaba.
“AlDub Fans: Wag nang pansinin umaaway sa inyo’t naninira sa AlDub. Forgive them for they do not know what to do anymore.


“Naninira o hindi ay pareho lang fans. TAGAHANGA. May humaHANGA at may kaya ginagawang manira dahil may TAGA. “Ayan na, ‘If you can’t beat them, USE them! Nangyayari na.

Just be cool friends. Rejoice but be humble. Tandaan, walang kakapit sa binti mo kung ikaw ay pababa. Basta MAGPAKUMBABA kayo. Bayaan silang walang ‘MAGPAKUM’. Gets?”

“Hindi nyo ba napansin, wala munang Problem Sol- ving? E kasi napunta muna sa iba! Ang LAKI ng PROBLEMA nila! O, sa Sabado ha!#ALDUBWishIMaine!”

Nakatakdang magharap ngayong tanghali sina Alden at Yaya Dub para sa kanilang production numbers sa wildcard edition ng “Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More” segment ng Eat Bulaga



No comments: