Friday, September 4, 2015

Nadine, James naka-1-M followers na rin sa Instagram



Dahil sa tagumpay ng Primetime Bida series na On The Wings Of Love, umabot na rin sa one million ang Instagram followers ng tambalang James Reid at Nadine Lustre.

Sa official Instagram account ni Nadine, pumalo na rin sa isang milyon ang kanyang IG followers sa unang araw ng Setyembre kaya naman todo ang pasasalamat ng Kapamilya young actress sa kanyang fans na hindi bumibitiw ng pagsuporta sa kanila ni James.

“Cheers to 1M! I love you babies!” ang mensaheng ipinost ni Nadine sa kanyang IG.

Sunud-sunod din ang magagandang komento ng netizens tungkol sa On The Wings Of Love, puring-puri nila ang natural na akting ng dalaga at ni James sa serye kaya talagang kinikilig at aliw na aliw ang manonood sa kanilang mga eksena.

Samantala, hindi rin nagpatalo si James sa kanyang kapartner dahil umabot na rin ng one million ang Instagram followers niya kamakailan.

Nagpasalamat din ang binata sa mga tagasuporta nila ni Nadine na talagang kinakarir ang pagpapa-trending ng kanilang mga projects sa social media.

Sabi ni James sa caption ng ipinost niya sa Instagram: “A Milli. Thank you to all one million of you! #push.”
Kinilig naman nang todo ang fans ni James na nag-comment sa Instagram post ng Kapamilya actor, at sinabing sana ay patuloy na maging humble ito sa kabila ng tinatamasang tagumpay.



No comments: