Friday, September 4, 2015

Billy: Mas sira-ulo kami ni Melai!




AARIBA na ang second season ng Your Face Sounds Familiar simula sa darating na weekend to be hosted by Billy Crawford and Melai Cantiveros. Umaasa si Billy na matatapatan kundi man mahigitan ng walong celebrity contenders ang tagumpay ng season one.

“I think ‘yung goal namin is hindi malampasan but sana mapantayan lang. Ang goal lang talaga namin dito is magpasaya ng tao. That’s what we strive for,” ani Billy.

“I’m really nervous kasi usually kapag may shows na ganito and it’s the second season, you really don’t know what to expect anymore kasi the first season is really successful. Hopefully it will be as good as the first one or maybe even better,” dagdag pa ng TV host-actor.

“Pero ang sasabihin ko sa inyo, mas sira ulo (kami ni Melai dito). We get to just enjoy being on stage, it’s not just pure harutan. Si Melai kasi, she has a special part,” chika pa ni Billy.

Kaya tutukan ang pagsisimula ng YFSF Season 2 simula Sept. 12 sa ABS-CBN lang.



No comments: