Wednesday, September 9, 2015

James Ban-Dong: Secret Agent 02-10 (1964) - Chiquito & Miriam Jurado







James Ban-Dong: Secret Agent 02-10 

Luis San Juan Productions

Chiquito

Miriam Jurado

Sylvia Gumabao

Pamela Ponti

Josephine Beaty

Maya Morena

Dulce Lukban

Menggay

Tintoy

Ding Tello

Hercules

Ben Perez

Ross Cuneta 

Luis San Juan Story
(story/screenplay)

Clod Delfino 
(music)

Celso Ad. Castillo 
(direction)

James Ban-Dong: Secret Agent 02-10 (1964) - Chiquito & Miriam Jurado



James Ban-Dong: Secret Agent 02-10 

Luis San Juan Productions

Chiquito

Miriam Jurado

Sylvia Gumabao

Pamela Ponti

Josephine Beaty

Maya Morena

Dulce Lukban

Menggay

Tintoy

Ding Tello

Hercules

Ben Perez

Ross Cuneta 

Luis San Juan Story
(story/screenplay)

Clod Delfino (music)

Celso Ad. Castillo (direction)

James Ban-Dong: Secret Agent 02-10 (1964) - Chiquito & Miriam Jurado,




James Ban-Dong: Secret Agent 02-10 
(1964)

Luis San Juan Productions
Chiquito

Miriam Jurado

Sylvia Gumabao

Pamela Ponti

Josephine Beaty

Maya Morena

Dulce Lukban

Menggay

Tintoy

Ding Tello

Hercules

Ben Perez

Ross Cuneta 

Celso Ad. Castillo
 (screenplay)

Clod Delfino
 (music)

Luis San Juan Story
 (direction)

0


Sino kami at ano ang....



Sino kami at ano ang titulo ng aming pelikula?

ilang artista ang kaya ninyong pangalanan sa....


ilang artista ang kaya ninyong pangalanan sa cast na ito ng 

Gulong ng Palad?

Happy Birthday Kapuso for September


Denise (anak ni Melissa Mendez) at Fabio Ide, nagkakalabuan...paano na ang anak






Brazilian-Japanese model Fabio Ide is a picture of a proud father. But his baby’s mother and current girlfriend are not on good terms. Whose side will he be on? Fatherhood Fabio told Startalk, 
“Finally, I was able to open [up] that I’m the daddy of a beautiful little girl, my baby girl, si Danielle Mikayla. It’s a new phase of my life now as a father. I’m just really excited.” “It’s a beautiful feeling. It’s just an amazing feeling, you know.

 First, I didn’t expect to have a kid in this circumstance. Usually, you expect to get married first, but sometimes, life gives you challenges and sometimes things happen and you are not prepared yet,” he added. Danielle Mikayla was born last April 29. The mother of his child is Denise Oca, daughter of Melissa Mendez.

Denise was previously linked to football player Phil Younghusband. There were even speculations that Phil fathered Denise’s child, but Denise’s mom, Melissa, vehemently denied it.

Fabio and Denise are no longer together, but he is willing to do whatever it takes to be a good father to their daughter.

“I told Denise already and I will definitely put my name on the kid. She will have my love and she will have everything she deserves. Even though we are not together, we are good friends and we have to work as a team so Danielle can have the best,” he said.

Lumalabas na ang husay ni Yaya Dub sa pagganap Comedy man o Drama


Si Maine ay unang nakilala bilang si Yaya Dub sa "Problem Solving" segment ng Eat Bulaga, hanggang sa gawan na ng Kalyeserye ang love story nila ni Alden Richards sa show.

Si Yaya Dub ang masungit na tagapag-alaga ni Lola Nidora (Wally Bayola) na idinadaan sa pagda-Dubsmash at pagsasayaw ang emosyon.

Sa pag-usad ng kuwento ng Kalyeserye, unti-unting nakita ang iba't ibang emosyon ni Maine, bilang Yaya Dub o maging ang totoong siya.

Una ay ang pagkakilig nang una niyang masilayan si Alden sa screen, na nagbigay-daan sa sikat na sikat nilang tambalan ngayon na AlDub.

Bagamat hindi nagsasalita, naipapakita ni Maine ang kanyang emosyon sa mga kantang dina-Dubsmash niya—kilig, tuwa, galit, at lungkot.

Ngunit madalas ding lumalabas ang tunay niyang nararamdaman sa kilig moments nila ni Alden, na crush niya talaga sa totoong buhay.

Isang halimbawa nga nito ay ang pinaghalong kilig at saya na napanood sa unang pagtatagpo nila ni Alden nang malapitan noong Sabado, September 5.

Nagtapos ang episode noong Sabado nang dukutin si Yaya Dub ng dalawang nakamaskarang lalaki.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong linggo ay ipinakita si Yaya Dub na nasa isang tila bodega, kung saan siya dinala ng mga dumukot sa kanya.

Sa mga eksena niya ay nagpakita si Maine ng panibagong dimension ng pag-arte—seryoso, takot, at nangungulila.

Malayung-malayo ito sa dating Yaya Dub na masungit, masayahin, at galawgaw.

Agad naman itong napansin ng maraming netizens at inihayag nila ang kanilang paghanga kay Maine sa pamamagitan ng Twitter.

Elmo Magalona on effect of AlDub to other loveteams: 'Pinataas nila yung standards'





Imbes na ma-threaten, natutuwa raw si Elmo Magalona sa epekto ng AlDub sa ibang loveteam.
Ang AlDub ang sikat na sikat ngayong tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, na napapanood sa noontime show na Eat Bulaga.

Nagbigay ng kanyang pahayag si Elmo tungkol dito matapos ang Cosmo Carnival show noong Sabado, September 5, sa SM MOA Concert Grounds.

Sabi ng Kapuso actor-rapper, “I don’t know... kung maaapektuhan man ang ibang loveteams, mas pinataas na yung standards nito, because super-sipag sila.

“Ako, nakikita ko sila on TV at na-appreciate ko yung ginagawa nila.

“Mabuti ang ginagawa ng AlDub.”

LOVETEAM with JANINE. Ano naman ang ginagawa nila ng kanyang reel and real-life girlfriend na si Janine Gutierrez para mapanatiling interesting ang tambalan nila?

Tugon ni Elmo, “We just want to keep it an in-between serious and in- between fun relationship.
“Yung mga fans namin, super supportive sila all the time.”

Wala pang balita kung paghihiwalayin na sina Elmo at Janine bilang loveteam. 

Pero ayon sa aktor, open siyang makipagtrabaho sa iba kung ito ang magiging desisyon o plano ng GMA Network para sa career niya.

PERFECTIONIST. Samantala, inamin ni Elmo na kabado siya sa una niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash. 

Pero habang tumatagal ang pagrampa niya sa stage, nag-enjoy raw siya sa pagtanggap sa kanya ng audience.

Pero naisip ng Kapuso actor na mas higit pa sana ang naibigay niya sa show.

“Lagi namang ganun.

"Ako naman kasi, perfectionist na tao. Gusto ko laging perfect ang ginagawa ko.

“Sometimes, I just wanna let loose. 

"Kanina, I let loose and tried to see how the crowd reacted to me.

“Nakita ko naman na super positive yung reaction nila. 

"So, I was really having fun."

Bagamat maganda ang ipinakitang sexy dance ni Elmo, nabitin daw ang mga manonood dahil sa huling sandali na lang tinanggal ng aktor ang sando niya bago lumisan ng stage.

“Start pa lang naman. Maybe in the future, makikita nila akong mas ano pa,” komento ni Elmo.

Ibinalita rin ni Elmo na nasa venue si Janine at pinanood siya. Pero hindi pa raw niya ito nakakausap dahil nauna na ito sa labas.

“Sinurprise niya ako. Akala ko, wala siyang time today. 

"Buti na lang she was able to come here and watch me lang. 

"Hindi ko ini-expect yung pagdating niya." 

Nathaniel nina Gerald, Shaina at Marco 3 linggo na lang





Laban para sa kabutihan ang i-susulong ng Kapamilya stars na sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Marco Masa sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Nathaniel na nakatakda nang magtapos ngayong sa Setyembre 25.

Mula nang umere ito noong Abril, gabi-gabing namayagpag ang Nathaniel sa labanan ang national TV ratings matapos nitong mabihag ang puso ng bawat pamilyang Pilipino dahil sa pagtuturo at pagpapaalala nito ng likas na kabutihan ng tao.

Samantala, tiyak na wala nang bitawan ang mga manunuod sa hu-ling tatlong linggo ng Nathaniel nga-yong haharap na sa pinakamahirap na pagsubok ang anghel na si Nathaniel (Marco) dahil sa paglaganap ng kasamaan sa mundo.
Magtagumpay kaya si Nathaniel sa kanyang misyon na ibalik ang pananampalataya ng tao sa Diyos? Mapipigilan nga ba niya ang masasamang plano ng Tagasundo (Baron Geisler) laban kina Paul (Gerald) at AVL (Coney Reyes)? Sa huli, ano nga ba ang gagawin nina Paul at Rachel (Shaina) kapag natuklasan nila na si Nathaniel ang namatay nilang panganay na anak?

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng Nathaniel, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Binigyan ng jacket, cellphone, TV at may bonus pang cash Special child na namamanata sa Quiapo kasama ang Nanay…pinaligaya ni Willie





Umabot na sa iba-ibang bansa ang kadakilaan ng puso ni Willie Revillame, maraming kaibigang tumatawag at nagte-text sa amin ngayon na nakikiusap, pakiparating daw namin sa aktor-TV host ang kanilang paghanga.
Napakasimple lang naman ng senaryo kung tutuusin, tumugon si Willie sa hiling ng mag-inang Aling Jean at Engelbert na ininterbyu ni Jessica Soho na makita siya nang personal, humanap ng panahon si Willie para makipagkita sa mag-ina.
Si Aling Jean na ang tumayong ina ni Engelbert (Kuting ang kanyang palayaw) na may sakit na cerebral palsy, palagi silang namamanata sa Poong Nazareno sa Quiapo, in-upload ng isang kababayan natin sa social media ang kanilang retrato.
Isang magandang istorya ng mag-ina ang i-pinalabas sa programa ni Jessica Soho, mas nagkaroon ng ningning ang istorya nang makita ng mag-ina si Willie Revillame, napakasarap ng ngiti ni Kuting nang makaharap na nito ang kanyang idolo.
Sabi ni Aling Jean, nang mawala raw sa himpapawid si Willie ay hinahanap siya ni Kuting, “Siya lang ang nagpapasaya sa anak ko, kaya nu’ng mawala si Willie sa TV, hinahanap siya palagi ni Kuting.”
Binigyan ni Willie ng jacket, cellphone at TV ang mag-ina, nagbigay rin siya ng monetaryong ayuda, pero hindi na niya ‘yun ipinakita sa mga camera.
Maligayang-maligayang umuwi sina Aling Jean at Engelbert pagkatapos ng kanilang pagkikita ni Willie Revillame. Puring-puri ng ating mga kababayan si Willie dito at sa iba-ibang bansa man.
Napakalapit naman kasi talaga sa puso ng aktor-TV host ang matatanda at bata lalo na ang mga special children. Isa lang ang nasabi ni Willie Revillame sa mga papuring tinatanggap niya, “Masarap tumulong sa mga higit na nangangailangan.
Mula sa puso ang lahat, napakasaya ko kapag nakakakita ako ng mga kababayan nating nakangiti.”
Tulad ng napakasarap na ngiti ng maysakit na si Kuting na hindi mapapantayan nang kahit magkano nang magkaharap na sila ng kanyang Kuya Wil.




Alex Medina payag magdyowa ng bading sa isang kundisyon…





WALANG kaarte-arteng sinabi ng gwapong young character actor na si Alex Medina na may posibilidad na ma-in love siya sa isang bading.

Sa interview kay Alex ng Aquino And Abunda Tonight nu’ng Lunes ng gabi, tinanong siya ni Boy Abunda ng, “Would you ever fall in love with a gay man?”

Ang tugon ng anak ng veteran actor na si Pen Medina, “Depends. Maybe. If we’re soulmates.”

Kontrobersiyal ngayon si Alex dahil sa panghihipo sa kanya ng isang babae nang rumampa siya sa bakaraang Cosmo Bachelor Bash 2015.


Sinabi nitong may nandakma at may kumurot sa kanyang birdie nang lumuhod siya sa isang bahagi ng stage malapit sa audience.

Nang tanungin kung nabastusan ba siya sa ginawa sa kanya, chika ng binata, “Actually, I just played it off eh, but it’s okay.”
Hindi rin daw sure si Alex kung babae ba o bading ang nandakma sa kanya, isa sa mga kaibigan lang niya ang nagsabi na girl ang “suspek”.

Kaya ang tanong ni Boy Abunda kung may difference ba kung bading talaga ang gumawa sa kanya ng ganu’n?  “It’s okay, sanay naman ako,” natatawang sagot ni Alex.
Hindi diretsong sinagot agad ni Alex ang tanong kung may experience na siya sa bading, tinawanan lang niya ito sabay sabing, “Anong experience? Ha-hahaha! No.”

Napapanood si Alex ngayon sa Primetime Bida serye na Pangako Sa ‘Yo at kasali rin siya sa pelikulang “Heneral Luna” na mapapanood na sa Sept. 9 sa mga sinehan.



Sey ng bashers sa litrato nina Pauleen at Vic: Nakakadiri!





Clearly, hindi lahat at mas marami ang ayaw sa May-December affair nina bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. When Pauleen posts pictures of her with Bossing Vic, almost always ay merong negative remarks ang mga tao.

Just recently, two photos of Pauleen showing off her kilig moments while talking to her fiancé made it to a website. As usual, marami ang tila naimbiyerna sa photos na iyon.

Many were obviously not kilig upon seeing the photos. Yucky para sa kanila ang mga litratong ipinost ni Pauleen. “Sorry na pero hindi talaga ako nakakaramdam ng kilig sa dalawang ito.

Pede na syang apo ni bossing eh (haha mejo OA!). F na F ang fiancé huh hahahaha congrats anyway. Yun lang.”“Totoo. Nanginig ako at kinilabutan hindi sa kilig kundi sa *ulk* *rolls eyes* pero kngg happy sila, congrats! Ganun naman talaga, sa love pag tinamaan ka wala nang pipiliin yan kahit ano pang edad or anyo.”

“Im more of crept out than being kilig for her… Maybe because neneng nene pa sya at tatay levels na si vic nung sumali sya little ma. Phil pa sya?! Hahahaha tapos ngayon fiance na nya hahahahah oh well…

Luck dear… Regards sa future step son at daughters mo hahahaha we all hope they are also kinikilig at happy for u. Hahahaha.”
“Hay Poleng please lang walang kinikilig sa inyo nang lolo, este fiance mo. as a matter of fact nakakadiri lang, okay sana kung Albert Martinez yan kasi ang hot pa nun! gets na namin magpapakasal na kayo, but please spare us the PDA.”

Mamatay na lang kayo sa inggit dahil magpapakasal na ang dalawa either November or December. At bongga ang wedding gown ni Pauleen, ha, either Vera Wang or Monique Lhuillier lang naman.

Pero ang pinaka-nakakalokang chika, wala raw pre-nup na mangyayari between Pauleen and Vic. Hindi raw isyu sa kanila ang kayamanan.



Sharlene San Pedro (1999 - )


Image result for sharlene san pedro

Sharlene San Pedro

Born: Sharlene Santos San Pedro

 Apr 5, 1999 
           Pulilan, Bulacan, Philippines
Other names: Epang, Shar, Shirley, Gigi
Occupation: Actress,
Yrs active: 2004-present
Height: 5 ft  2 in


Sharlene Santos San Pedro or Sharlene San Pero is a Filipina actress

In 2004, Sharlene joined ABS-CBN's talent search Star Circle Quest, She got in the Magic Circle of 5 and Got the 1st runner up spot. She is popularly known for playing the role of Gigi in Mga Anghel na Walang Langit and Shirley Bernardo in Luv U. 

In 2007, She was chosen among all the child actresses of ABS-CBN to reprise the role of Princess Sarah. She was first paired with Nash Aguas during her childhood years in the love team of NashLene.Now in her teenage years, She's paired with Jairus Aquino their loveteam is known as Jailene.

Sharlene got many nominees and awards she nominated in 17th Asian Television Awards as Best Actress in a Lead-Drama Role for MMK: T-Shirt

Wency Cornejo naglabas ng sama ng loob, na-bad trip daw kay Jovit





HABANG sinusulat namin ang balitang ito kahapon ay hindi pa nakakalapag ang eroplanong sinasakyan nina Wency Cornejo at Jovit Baldivino sa Maynila galing ng Ge-neral Santos City.

Bago siguro sumakay ng eroplanong pabalik ng Manila sina Wency ay nag-post muna ang After Image vocalist sa kanyang Facebook account tungkol kay Jovit.

Ayon kay Wency, “Nag show ako kagabi sa Labangal, Gensan (General Santos City). Nakakalungkot isipin na may mga performer katulad ni Jovit Baldivino na hindi marunong rumespeto sa mas nakakatandang musiko (musikero).
“Hindi man ganu’n kasikat, kung ang nagsulat at orihinal na nag record ng awitin ay kasama mo sa isang show, hindi mo dapat unahang kantahin ang a-witin niya.

Kahit pinakiusapan na hindi pa rin sya pumayag na huwag kantahin. It just goes to show, it is very hard to teach humility, respect and class.”

Tinanong namin si Wency tungkol dito pero hindi na niya kami nasagot pa dahil siguro, kasalukuyang nasa ere pa sila nu’ng mga oras na ‘yun.

Alin kaya sa mga orihinal na kanta ni Wency ang kanyang tinutukoy sa kanyang post? Tinanong naman namin ang handler ni Jovit sa Star Magic at ang naging sagot niya sa amin, “Hi Reggee, inaalam ko pa, nasa plane pa sila.”
Gusto naming isipin na baka kasi walang dalang ibang extrang materyal si Jovit sa show nila sa GenSan kaya ipinilit pa rin niyang kantahin ang song ni Wency.

Bibigyan namin kayo ng update tungkol dito kapag sumagot na sa amin ang dalawang panig.



2 Julia sa Doble Kara magkikita na



MAGAGANAP ngayong Bi-yernes ang pinakahihintay na pagtatagpo ng dalawang karakter ng Royal Prinsesa ng Drama na si Julia Montes sa mas umiinit na afternoon drama series ng ABS-CBN na Doble Kara.

Matapos mawalay sa isa’t isa ng maraming taon, matutupad na ang matagal nang hinihiling ni Kara (Julia) na makita muli ang kanyang kakambal na si Sarah (ginagampanan din ni Julia) mula nang umuwi siya galing Amerika.

Paano magbabago ang buhay nina Kara at Sarah sa muli nilang pagtatagpo?  Maibabalik pa ba nila ang dati nilang samahan matapos nilang lumaki sa magkaibang pamumuhay?

Huwag palampasin ang paghaharap nina Kara at Sarah sa Doble Kara, ngayong Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN Kapamilya Gold.



Anak ni Grace Poe tinawag na bastos, Jasmine umalma





We felt that Jasmine Curtis was trying to be polite when people bashed Brian Poe for appearing in her recent presscon for a teleserye she’s doing for TV5.

Unfair daw na i-judge si Brian just because he showed up sa presscon niya. Ang feeling kasi ng marami ay parang nabahiran ng politika ang pag-apir ni Brian sa presscon niya.
Actually, uncalled for ang pagdating ni Brian sa presscon. Parang nabastos ang dalawang leading men ni Jasmine na sina Luis Alandy at Vin Abrenica.

Umagaw talaga siya ng eksena. Parang gusto niyang pag-usapan siya. “Walang delicadeza, certified gate kraser, uninvited guest, akala ko may breeding.

Mabuti pa si Ronyan Poe tunay na anak ni FPJ kay Anna Marin hindi umeepal. Anak talaga ng poeto bumbong itong si Brian,” comment ng isang guy sa isang web portal.

“Akala ko si Jovit Baldivino, anak pala ni POE,” sarcastic comment naman ng isa pa.



0

=

Horoscope, September 09, 2015 By Madam Sophia





Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang pinakamasuwerte araw kung magsusuot ng kulay na pula. Sa kulay na nabanggit, mas madali mong mahihigop ang pera. Sa pag-ibig, sa kulay na pula may pang habangbuhay na ligaya. Mapalad ang 5, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Bukod sa pula ang silver ay buenas

Aries – (Marso 21-April 19)—Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Kaibigang hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Hindi mo siya dapat kausapin dahil mas malamang na lokohin ka na naman niya. Sa panahong ito na mahirap ang buhay ay huwag agad-agad maglabas ng pera. Mapalad ang 3, 9, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Mas magiging masarap ang feeling kung lagi kang ngingiti. Haluan ng saya ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, imbes na ang kasuyo ang laging nagpapatawa, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Maroon at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Alam mo bang kapag suwerte ang mga Virgo ay susuwertehin ka rin? Ganon nga, sapagkat ang ruling planet mong Mercury ay siya ring ruling planet ng mga Virgo. Panahon ngayon ng mga Virgo, kaya bubuwenasin ka rin. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Om-Gayatri.” Silver at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sundin lang nang sundin ang pinapagawa sa iyo ng kasuyo para hindi ka niya kulitin. Sa pagsunod sa iyong minamahal, mas marami kang suwerteng mapapala. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Asato-Om-Tomaso-Om.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Mas madaling uunlad ang kabuhayan kung lagi kang la-labas ng bahay. Sa mga social gatherings ay maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, dalawa lang ang hantungan: kung hindi ka sikat, ang nilalang na iyong mapapangasawa ang sisikat. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ang mga Virgo ay nagtataglay ng planetang Mercury ay sinusuwerte kapag sila ay nagkakaroon ng sasakyan. Kung may sasakyan ka na, 555 ang dapat na plate number. Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 36, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” Silver at blue ang buenas

Libra – (September 23-October 23)—Tama ang ginagawa mong unti-unting pag-iipon! Ngayon pa lang paglaanan na ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, ngayon pa lang pag-isipan na ang pinakanakakakilig na regalo para sa minahamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Dadapo ang magandang kapalaran kung pula ang isuot mong kulay. Sa kulay na pula, kusang darami ang pera. Pula rin ang magpapasulak ng libido upang lalo pang sumarap ang romansahan. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shivoham-Dharmo-Om.” Bukod sa red mapalad ang pink.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang lagi kang pagpalain ng tadhana, magdasal muna bago simulan ang anumang gawain. Kung lagi kang tumatawag kay Lord ay mas maraming biyaya ang sa langit ay kusang mahuhulog. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansyal, kailangang maging praktikal upang yumaman. Sa pag-ibig, may lihim na pagnanasa sa iyo ang isang katabi na nakasuot ng green. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Ganyan talaga sa simula ang anumang uri ng negosyo, lugi muna! Pagtagal-tagal kung iisip ka ng mga kakaibang gimik ay lalakas din ang iyong benta. Sa pag-ibig, pagsuotin ng magandang damit ang kasuyo at siya ang dapat dumisplay sa inyong business site. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Gold at red ang buenas

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pag-ibig, kapag patuloy kang nagpaganda, isang kapwa mo rin “same sex” ang mararahuyo sa iyo. Mag-ingat sa imoral na relasyon. Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita, hanggang sa buwan na iyan ng Disyembre. Mapalad ang 7, 15, 23, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Blue at lilac ang buenas.