Wednesday, September 9, 2015

Wency Cornejo naglabas ng sama ng loob, na-bad trip daw kay Jovit





HABANG sinusulat namin ang balitang ito kahapon ay hindi pa nakakalapag ang eroplanong sinasakyan nina Wency Cornejo at Jovit Baldivino sa Maynila galing ng Ge-neral Santos City.

Bago siguro sumakay ng eroplanong pabalik ng Manila sina Wency ay nag-post muna ang After Image vocalist sa kanyang Facebook account tungkol kay Jovit.

Ayon kay Wency, “Nag show ako kagabi sa Labangal, Gensan (General Santos City). Nakakalungkot isipin na may mga performer katulad ni Jovit Baldivino na hindi marunong rumespeto sa mas nakakatandang musiko (musikero).
“Hindi man ganu’n kasikat, kung ang nagsulat at orihinal na nag record ng awitin ay kasama mo sa isang show, hindi mo dapat unahang kantahin ang a-witin niya.

Kahit pinakiusapan na hindi pa rin sya pumayag na huwag kantahin. It just goes to show, it is very hard to teach humility, respect and class.”

Tinanong namin si Wency tungkol dito pero hindi na niya kami nasagot pa dahil siguro, kasalukuyang nasa ere pa sila nu’ng mga oras na ‘yun.

Alin kaya sa mga orihinal na kanta ni Wency ang kanyang tinutukoy sa kanyang post? Tinanong naman namin ang handler ni Jovit sa Star Magic at ang naging sagot niya sa amin, “Hi Reggee, inaalam ko pa, nasa plane pa sila.”
Gusto naming isipin na baka kasi walang dalang ibang extrang materyal si Jovit sa show nila sa GenSan kaya ipinilit pa rin niyang kantahin ang song ni Wency.

Bibigyan namin kayo ng update tungkol dito kapag sumagot na sa amin ang dalawang panig.



No comments: