Wednesday, September 9, 2015

2 Julia sa Doble Kara magkikita na



MAGAGANAP ngayong Bi-yernes ang pinakahihintay na pagtatagpo ng dalawang karakter ng Royal Prinsesa ng Drama na si Julia Montes sa mas umiinit na afternoon drama series ng ABS-CBN na Doble Kara.

Matapos mawalay sa isa’t isa ng maraming taon, matutupad na ang matagal nang hinihiling ni Kara (Julia) na makita muli ang kanyang kakambal na si Sarah (ginagampanan din ni Julia) mula nang umuwi siya galing Amerika.

Paano magbabago ang buhay nina Kara at Sarah sa muli nilang pagtatagpo?  Maibabalik pa ba nila ang dati nilang samahan matapos nilang lumaki sa magkaibang pamumuhay?

Huwag palampasin ang paghaharap nina Kara at Sarah sa Doble Kara, ngayong Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN Kapamilya Gold.



No comments: