Sunday, September 13, 2015

Nag-iisa ka sa Mundo by Aaron Paul



Nag-iisa ka sa Mundo

Aaron Paul

Canary Records

J. Mallillin
(composer)

L. Galvez 
(composer)

Aaron Paul
(composer)

J. Mallillin
(producer)

Sunny R. Ilacad
(arranger)

Amado Trivino

(strings arranger)

Barbara, Eddie & Daisy



Tinikling (Bamboo Dance) (1961) - 3 Rosas



Tinikling (Bamboo Dance)

1961

3 Rosas

Villar Records

Complete Kalye-Serye Edition of September 12, 2015



D'Big 3 Sullivans - Nagbomba si Candida (1971)


Nagbomba si Candida

1971

D'Big 3 Sullivans

Mayon Records

Mar Lopez
(lyrics)

Candida
(adaptation)

Billy: Gusto ko nang pakasalan si Coleen!





HANDANG-HANDA na si Billy Crawford na pakasalan si Coleen Garcia.
Ito ang diretsong sinabi ng TV host-actor nang tanunging kung nag-propose na siya sa kanyang girlfriend. Ani Billy, kahit anong oras ay pwedeng-pwede na siyang lumuhod sa harap ni Coleen at yayain na itong magpakasal.
Pero ayon sa binata, alam niyang hindi pa handa si Coleen na magpatali sa kanya dahil marami pa itong gustong gawin sa kanyang career.
Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight noong Biyernes, ready na siyang bumuo ng sariling pamilya kasama si Coleen pero hindi naman daw ganu’n kadali ang magpakasal lalo na’t mas bata sa kanya ang dalaga.
“To be honest, I would love to (mag-propose). I would definitely love to take that step. But of course, doon kami papunta. “Pero the fact is ang dami pa niyang pangarap na gustong maabot and she’s only 23.
Pero iyon lang ang sinasabi ko, I will always be here for her regardless of what it is and I’ll always wait. But when the time comes and I feel the time is right, I definitely won’t hesitate,” pahayag pa ni Billy.
Inamin din ng binata na apektado siya sa napanood niyang love scenes nina Coleen at Derek Ramsay sa pelikulang “Ex With Benefits”, “Sino ba naman ang boyfriend na hindi magseselos?
“I would definitely be  lying. But the thing is ang kakaiba dito is professional si Derek and he’s a good friend of mine. And I’m very thankful that it was done with class,” depensa ng binata.
Ayon pa kay Billy, mula nang dumating si Coleen sa buhay niya ay napakalaki na rin ng ipinagbago niya, “I changed myself for her. Hindi na ako naninigarilyo, hindi na ako umiinom and pumayat ako because of her.”



Jake tinawag na sinungaling at adik ng bashers; rumesbak agad





Rumesbak si Jake Cuenca sa mga netizens na tumawag sa kanya ng “sinungaling” at “adik”. Ito’y matapos magdenay ang hunk actor na may kinalaman siya sa paglalasing ni Enrique Gil sa loob ng eroplano habang papunta sila sa London kasama ang iba pang Star Magic artists.
Ayon kasi sa naunang report, sila raw ni Paulo Avelino ang bigay nang bigay ng alak kay Enrique hanggang sa malasing ito kaya nagwala raw ang binata at nasigawan at namura ang ka-loveteam nitong si Liza Soberano pati na ang kaibigang si Jessy Mendiola.
Sa interview ng press kay Jake sa nakaraang presscon ng ikalawang season ng seryeng Pasion de Amor na magsisimula na ngayong Lunes sa ABS-CBN, mariing itinaggi ni Jake na sila ni Paulo ang dahilan kung bakit nalasing si Quen (palayaw ni Enrique).
Tulog daw siya sa buong biyahe nila patungong London. Matapos nga siyang magdenay, isang netizen ang nag-post ng mensahe sa Twitter kung saan tinawag si Jake na “sinungaling”, “adik” at “nanlalaglag ng kaibigan.”
Sagot naman ng aktor, “Kahit kailan hindi ako nanlaglag ng kaibigan. Protectahan oo…Pero laglag? Never in my life. Be patient and truth will come out.”
Sa isa pang post ni Jake sa kanyang Twitter account, mababasa ang, “Don’t be too quick to judge” at “But to be misinterpreted for something you didn’t do and then be judged for that, it hurts. But hey, that’s life… You gotta roll with the punches.”



Liza pinatawad agad si Enrique, pero may pakiusap sa mga fans





MISMONG si Enrique Gil na ang humarap sa publiko para humingi ng sorry sa mga nagawa niya habang nasa eroplano patungong London.
Humingi ng personal na kapatawaran si Enrique kay Jessy Mendiola na kanyang nabastos na naging dahilan naman para ipagtanggol ni Luis Manzano.
At dito na nga nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang aktor kaya naman umawat si Liza Soberano pero pati ang dalaga ay nakatikim ng hindi magandang salita buhat sa kanyang ka-loveteam.
Base sa panayam ng TV Patrol noong Biyernes ay kitang-kita ang kalungutan sa mukha ng aktor, “I had some drinks sa plane, I mean, more than I should be having, so as a result things got out of hand.
At dahil po doon, I want to apologize to my brothers and sisters from Star Magic. I sincerely apologize to Jessy, to JM (de Guzman) if ever I offended him in any way, I’m sorry.
“Tao lang, nagkakamali, we all makes mistakes but you own up to it, you learn from it and you move forward,” dagdad ng aktor.
At habang nagso-sorry si Enrique ay katabi naman niya ang ka-loveteam na si Liza na nakasimangot at nakapangalungbaba. Pero nu’ng sinabi na ni Quen na nagpapasalamat siya kay Liza at sa fans nila ay napangiti na ang batang aktres.
Say ng aktor, “It’s the first and last time this will ever happen, so thank you so much po sa lahat ng fans namin sa lahat ng sumusuporta sa amin for all the love and support and we just want to reassure you that we’re okay, we’re fine.”
Dugtong naman ni Liza, “Thank you for understanding sa panahong kailangan kayo ni Quen, sana kahit po nangyari ‘yung mga nangyari, hindi po kayo magsasawa na magpakita ng pagmamahal and to support Quen, thank you.”
Samantala, nagbigay na rin ng official statement ang manager ni Luis Manzano na si June Rufino, anito, “There was an altercation. But apologies were made and accepted.
It was actually Enrique who apologized to the aggrieved party.”



Enrique wasak ang imahe; mga kapamilya sa Dos hugas-kamay




Kani-kanyang hugas-kamay na ang mga artista ng ABS-CBN tungkol sa hindi kagandahang insidenteng naganap sa eroplano habang bumibiyahe sila papuntang London.
May nagbigay ng alak, may nalasing, may nagwala. May mga naabalang pasahero, may mga nainis na flight attendant, pero walang may gustong umamin ngayon kung sino ang pinag-ugatan ng kahiya-hiyang sitwasyon.
Ang naipit nang todo, siyempre pa, ay ang naging makulit na si Enrique Gil. Pinakakain ng apdo ngayon ng mga netizens ang guwapong binata, pinangaralan siya’t sinisi sa nangyari, kundi sanay uminom ay huwag nang magtangka dahil siguradong may nakaabang na senaryo.
Ayun nga, nangulit nang nangulit si Enrique, minura sina Liza Soberano at Jessy Mendiola habang galit pa kay Luis Manzano nang sawayin siya nito sa kakulitan.
Maitatago nilang magkakasama ang insidente, kahit ang kanilang mga road managers ay makapagdedenay sa naganap, pero sila lang ba ang mga pasahero ng eroplano para hindi lumabas ang nangyari habang nasa biyahe sila?
Kulang na kulang sa pag-iingat ang maraming artista, itinuturing nilang pasaporte sa pagiging palalo ang popularidad na hawak nila, nasa huli ang pagsisisi.
Manghingi man ng paumanhin ngayon si Enrique Gil ay naganap na ang naganap, natatakan na siya, matagal na panahon pa ang kailangang lumipas bago makalimutan ‘yun ng publiko.



Enrique muntik nang makulong matapos magwala sa eroplano LizQuen fans: Pinapatawad ka na namin sa kasalanan mo!



EVEN though he has already apologized for his shenanigans, many still can’t seem to forgive Enrique Gil. Ang daming kiyaw-kiyaw ng bashers ng binata, hindi sila satisfied sa ginawang apology ng actor.
Para bang nakagawa ng mortal sin si Enrique na walang kapatawaran. Actually, we admire the actor for admitting he was at fault, that he didn’t behave well while he was intoxicated.

He owned up his mistake, hindi pa ba sapat ‘yon? Marami pa rin kasi ang nayayabangan kay Enrique. Marami ang hindi pa rin siya ma-take dahil sa kanyang ginawang kalokohan habang lasing.

What they didn’t realize is that ganoon lang ang ikinilos ni Enrique because he was intoxicated. Hindi naman siya ganoon kapag hindi nakainom, ah.
A few took Enrique’s apology as a gentlemanly act. “We forgive you, Enrique. At least you owned up to it, apologized and hopefully learned from it. ‘Yung iba dyan deny pa,” said one fan.

“It’s good that he owned up to it. Kesa gumawa ng excuses, I like that inamin niyang nagkamali siya. People will have something to say whether he owned up to it or gumawa siya ng excuse, but it’s good to see na umamin siya na mali siya,” another one echoed.

There’s an article in one popular website na muntik na raw makulong si Enrique dahil sa kanyang eksenang ginawa sa eroplano. It was alleged that network executives intervened kaya hindi naipakulong ang actor.



Katrina sa mga beking type magpaopera: Bahala siya, buhay niya ‘yun!




Malapit sa mga bading ang Kapuso actress na si Katrina Halili kaya nakaka-relate siya kahit paano sa bagong transgender serye ng GMA Afternoon Prime na Destiny Rose after Buena Familia starring Ken Chan na gaganap bilang transgender woman.

Chika ni Kat, “Masaya silang kausap, kasama. Hindi ako nabo-bore. Sa taping, ang saya-saya ko, kasi minsan, namamalayan ko, madaling-araw na.

Sabi ko, ‘Hala, ang sarap naman ng trabaho dito. Kuwentuhan lang tayo ng kuwentuhan!’ “Hindi ko namamalayan kasi tsikahan lang kami nang tsikahan.
Puro bading du’n sa set. Halos lahat ng nanay-nanayan ko, (beki) e. Tapos sa set, puro bading,” aniya pa. May maipapayo ba siya sa mga beking friends niya na magpaopera para maging ganap na babae?
“Siyempre kailangan sabihin mo sa kanya na pag-isipan muna niyang mabuti, di ba? Kasi mahirap din yun. Hindi mo na puwedeng alisin, e.
“Kailangang isipin mong mabuti kung ready ka. Kasi alangang ibalik mo pa, di ba? So pag-isipang mabuti kung makakapagpasaya sa kanya. Bahala siya. Buhay niya ‘yun,” ang pahayag pa ni Katrina na mapapanood na nga sa Destiny Rose simula bukas.



Anak ni Grace Poe basted agad kay Jasmine Curtis?




Wala pang time si Jasmine Curtis sa usaping lovelife. Puro trabaho raw ang balak niyang atupagin ngayon.

“With my schedule now, I don’t think I can put that in the schedule. So, if it’s there, then it’s there. Ngayon, it’s not something I’d like to pursue,” aniya sa isang panayam.

E, paano na ang panliligaw sa kanya ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares na mukhang desididong pormahan siya? “I don’t know…ayoko po kasi masyadong bigyan ng buhay ’yang mga ganyang topics.”



0