Sunday, September 13, 2015

Liza pinatawad agad si Enrique, pero may pakiusap sa mga fans





MISMONG si Enrique Gil na ang humarap sa publiko para humingi ng sorry sa mga nagawa niya habang nasa eroplano patungong London.
Humingi ng personal na kapatawaran si Enrique kay Jessy Mendiola na kanyang nabastos na naging dahilan naman para ipagtanggol ni Luis Manzano.
At dito na nga nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang aktor kaya naman umawat si Liza Soberano pero pati ang dalaga ay nakatikim ng hindi magandang salita buhat sa kanyang ka-loveteam.
Base sa panayam ng TV Patrol noong Biyernes ay kitang-kita ang kalungutan sa mukha ng aktor, “I had some drinks sa plane, I mean, more than I should be having, so as a result things got out of hand.
At dahil po doon, I want to apologize to my brothers and sisters from Star Magic. I sincerely apologize to Jessy, to JM (de Guzman) if ever I offended him in any way, I’m sorry.
“Tao lang, nagkakamali, we all makes mistakes but you own up to it, you learn from it and you move forward,” dagdad ng aktor.
At habang nagso-sorry si Enrique ay katabi naman niya ang ka-loveteam na si Liza na nakasimangot at nakapangalungbaba. Pero nu’ng sinabi na ni Quen na nagpapasalamat siya kay Liza at sa fans nila ay napangiti na ang batang aktres.
Say ng aktor, “It’s the first and last time this will ever happen, so thank you so much po sa lahat ng fans namin sa lahat ng sumusuporta sa amin for all the love and support and we just want to reassure you that we’re okay, we’re fine.”
Dugtong naman ni Liza, “Thank you for understanding sa panahong kailangan kayo ni Quen, sana kahit po nangyari ‘yung mga nangyari, hindi po kayo magsasawa na magpakita ng pagmamahal and to support Quen, thank you.”
Samantala, nagbigay na rin ng official statement ang manager ni Luis Manzano na si June Rufino, anito, “There was an altercation. But apologies were made and accepted.
It was actually Enrique who apologized to the aggrieved party.”



No comments: