Wednesday, September 9, 2015

Kyla matagal nang gustong magbida sa MMK




“Flying High” ang title ng nalalapit na concert ng Queen of R&B na si Kyla na gaganapin sa Kia Theater on Nov. 20. Her concert is in line sa kanyang 15th anniversary sa industriya.
Tama ang hinala namin na may kinalaman sa pagkanta ng theme song ni Kyla sa teleseryeng On The Wings Of Love ang title ng kanyang concert.

And why not? Hit na hit ngayon ang serye sa primetime ng ABS-CBN at umabot na sa more than one million ang hits sa Twitter ng version ni Kyla ng “On The Wings Of Love.”

Dahil dito, she’s very grateful sa ABS-CBN for giving her a chance na kumanta ng theme song ng kanilang teleserye. Knows naman natin na ang daming singers sa Kapa-milya network at una na diyan ang tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto na kapatid niya sa Cornerstone talent management.

E, sa ABS-CBN naman merong equal distribution ng theme song kaya nga na-happy si Kyla dahil feeling niya wala naman siyang natapakang Kapamilya talents.

As we all know, bagong “salta” lang si Kyla sa ABS-CBN. Nanggaling siya sa Kapuso network for the longest time and yet, paglipat niya sa Dos e, pinakanta agad siyang theme song.

That is why okey lang kay Kyla kahit wala siyang kontrata sa ABS-CBN ngayon. Hoping naman siya na gaya ng sabi ni Lola Nidora baka dumating din ang tamang panahon para papirmahin siya ng kontrata sa Kapamilya network.
And if ever, for the first time ay makaarte na rin sa mga drama shows on TV si Kyla na hindi pa niya nagawa uli sa loob ng 15 taon niya sa showbiz.
At kung mabibigyan daw ng chance gusto niyang makaarte sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos. Avid fan daw kasi siya ng longest drama anthology in Asia.
Wish din ni Kyla na sana ay manood ang mga bida sa On The Wings Of Love na sina James Reid at Nadine Lustre sa concert niya.
It will be a great pleasure raw for her na makita niya sa concert ang sikat na sikat na JaDine loveteam.
‘Yun na.




No comments: