Wednesday, September 9, 2015

Nathaniel nina Gerald, Shaina at Marco 3 linggo na lang





Laban para sa kabutihan ang i-susulong ng Kapamilya stars na sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Marco Masa sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Nathaniel na nakatakda nang magtapos ngayong sa Setyembre 25.

Mula nang umere ito noong Abril, gabi-gabing namayagpag ang Nathaniel sa labanan ang national TV ratings matapos nitong mabihag ang puso ng bawat pamilyang Pilipino dahil sa pagtuturo at pagpapaalala nito ng likas na kabutihan ng tao.

Samantala, tiyak na wala nang bitawan ang mga manunuod sa hu-ling tatlong linggo ng Nathaniel nga-yong haharap na sa pinakamahirap na pagsubok ang anghel na si Nathaniel (Marco) dahil sa paglaganap ng kasamaan sa mundo.
Magtagumpay kaya si Nathaniel sa kanyang misyon na ibalik ang pananampalataya ng tao sa Diyos? Mapipigilan nga ba niya ang masasamang plano ng Tagasundo (Baron Geisler) laban kina Paul (Gerald) at AVL (Coney Reyes)? Sa huli, ano nga ba ang gagawin nina Paul at Rachel (Shaina) kapag natuklasan nila na si Nathaniel ang namatay nilang panganay na anak?

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng Nathaniel, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

No comments: