Wednesday, September 9, 2015

Horoscope, September 09, 2015 By Madam Sophia





Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang pinakamasuwerte araw kung magsusuot ng kulay na pula. Sa kulay na nabanggit, mas madali mong mahihigop ang pera. Sa pag-ibig, sa kulay na pula may pang habangbuhay na ligaya. Mapalad ang 5, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Bukod sa pula ang silver ay buenas

Aries – (Marso 21-April 19)—Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Kaibigang hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Hindi mo siya dapat kausapin dahil mas malamang na lokohin ka na naman niya. Sa panahong ito na mahirap ang buhay ay huwag agad-agad maglabas ng pera. Mapalad ang 3, 9, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Mas magiging masarap ang feeling kung lagi kang ngingiti. Haluan ng saya ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, imbes na ang kasuyo ang laging nagpapatawa, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Maroon at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Alam mo bang kapag suwerte ang mga Virgo ay susuwertehin ka rin? Ganon nga, sapagkat ang ruling planet mong Mercury ay siya ring ruling planet ng mga Virgo. Panahon ngayon ng mga Virgo, kaya bubuwenasin ka rin. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Om-Gayatri.” Silver at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sundin lang nang sundin ang pinapagawa sa iyo ng kasuyo para hindi ka niya kulitin. Sa pagsunod sa iyong minamahal, mas marami kang suwerteng mapapala. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Asato-Om-Tomaso-Om.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Mas madaling uunlad ang kabuhayan kung lagi kang la-labas ng bahay. Sa mga social gatherings ay maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, dalawa lang ang hantungan: kung hindi ka sikat, ang nilalang na iyong mapapangasawa ang sisikat. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ang mga Virgo ay nagtataglay ng planetang Mercury ay sinusuwerte kapag sila ay nagkakaroon ng sasakyan. Kung may sasakyan ka na, 555 ang dapat na plate number. Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 36, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” Silver at blue ang buenas

Libra – (September 23-October 23)—Tama ang ginagawa mong unti-unting pag-iipon! Ngayon pa lang paglaanan na ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, ngayon pa lang pag-isipan na ang pinakanakakakilig na regalo para sa minahamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Dadapo ang magandang kapalaran kung pula ang isuot mong kulay. Sa kulay na pula, kusang darami ang pera. Pula rin ang magpapasulak ng libido upang lalo pang sumarap ang romansahan. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shivoham-Dharmo-Om.” Bukod sa red mapalad ang pink.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang lagi kang pagpalain ng tadhana, magdasal muna bago simulan ang anumang gawain. Kung lagi kang tumatawag kay Lord ay mas maraming biyaya ang sa langit ay kusang mahuhulog. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansyal, kailangang maging praktikal upang yumaman. Sa pag-ibig, may lihim na pagnanasa sa iyo ang isang katabi na nakasuot ng green. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Ganyan talaga sa simula ang anumang uri ng negosyo, lugi muna! Pagtagal-tagal kung iisip ka ng mga kakaibang gimik ay lalakas din ang iyong benta. Sa pag-ibig, pagsuotin ng magandang damit ang kasuyo at siya ang dapat dumisplay sa inyong business site. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Gold at red ang buenas

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pag-ibig, kapag patuloy kang nagpaganda, isang kapwa mo rin “same sex” ang mararahuyo sa iyo. Mag-ingat sa imoral na relasyon. Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita, hanggang sa buwan na iyan ng Disyembre. Mapalad ang 7, 15, 23, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Blue at lilac ang buenas.

No comments: