Tuesday, September 8, 2015

Angelica tinawag na bobo si Kathryn




Mainit na pinag-usapan sa social media nu’ng isang gabi ang paghaharap nina Kathryn Bernardo at Angelica Panganiban sa mas tumitindi pang kuwento ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo.

Pinalakpakan ng netizens ang akting ni Kathryn bilang si Yna sa PSY nang labanan na niya ang pagmamalupit ng kanyang boss na si Angelica bilang si Madam Claudia.

Sa nasabing episode, inutusan ni Claudia si Yna na magluto ng isang putahe na hindi magugustuhan ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria). Ngunit hindi ito sinunod ni Yna kaya nagwala sa galit ang ina ni Angelo (Daniel Padilla).

“Madam, pasensiya na po. Pero pinapahalagahan ko po at nirerespeto ang pagluluto at ang pagkain. Nandito po ako para magluto ng masarap. ‘Yon po ang prinsipyo ko,” ang paliwanag ni Yna.

Nanggagalaiti namang sagot ni Claudia, “Eh bobo ka pala eh. ‘Yong pagkain kaya mong respetuhin, pero akong boss mo, hindi mo nirerespeto, ano ‘yon? Anong ibig mong sabihin doon? Ano bang pinagmamalaki mo, ha?”

Tinulak nito si Yna sabay sigaw ng, “Hindi ka namin kailangan dito, lumayas ka!” Nang makita ito ng nanay-nanayan ni Yna na si Belen (Amy Austria), tinulak nito si Claudia hanggang sa tumumba ito at nauntog sa lamesang metal.

Nagpadala ito sa ospital kahit na hindi naman talaga nasaktan. Nagdrama na naman si Claudia.

Habang umeere ang episode, ang hashtag #PSYPangamba ay nanguna na ito sa mga trending topic sa Twitter with over 312,000 tweets.

Siguradong tumaas pa ito hanggang sa matapos ang serye last Monday.

No comments: