Tuesday, September 8, 2015

Derek sa dating girlfriend: Sobra niya akong sinaktan!





Si Angelica Panganiban nga kaya ang tinutukoy nitong si Derek Ramsay na kanyang ex-girlfriend na iniiwasan pa rin daw niyang makita.

Sa pagkakaalam namin, tatlong kilalang celebrities ang nakarelasyon ni Derek, sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes at Solenn Heussaff.

Sinabi ni Derek sa kanyang interview na matindi ang sakit na idinulot sa kanya ng ex niyang ito, “Sobra akong sinaktan intentionally,” he said.

Hindi na raw kasi sila nabigyan ng chance na makapag-usap bago sila nag-break. Marami sa nakapanood ng interview ang nagsabi na si Angelica raw ang tinutukoy ni Derek dahil hindi na ito sumagot nang mabanggit ang pangalan ng girlfriend ngayon ni John Lloyd Cruz.



No comments: