Wednesday, September 9, 2015

Bukod sa fastfood, meron na ring mobile company ang nakalinya AlDub siguradong mag-uuwi ng milyones dahil sa sunod-sunod na TV commercial




SIGURADONG milyones ang aabutin ng talent fee ng mga gagawing commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.
May nakarating sa aming chika na bukod sa isang fastfood chain at mobile company, may gagawin din daw na toothpaste commercial ang AlDub ngunit hindi pa rin sure kung magkikita na sila sa TV ad na ito.
Aside from this, may retail clothing store din daw na nag-offer sa AlDub na any moment at magsisimula na rin ang shooting. Kung matutuloy ang lahat ng ito, sure na sure kaming makakamal ng milyun-milyong piso ang magka-loveteam.

No comments: