Friday, September 4, 2015

Malilisyosong litrato ni Alden na may kasamang beki kalat na





MUKHANG sinisira si Alden Richards now that he’s sikat na sikat.

Muli kasing naglabasan ang photos niya kasama ang isang beki na sinasabing organizer ng mga pakontes na panglalaki.

Tatlong photos ang naglabasan muli sa social media at parang may malisya ang muling paglabas ng mga litrato. It was made to appear that Alden is more than friends with the unnamed beki. Kuha ang mga shots sa isang swimming session.

Merong isang shot na pareho ng shorts ang dalawa, identical na identical ang mga ito. One picture naman showed the beki being on the lap of Alden while in a pool. Sobrang close silang dalawa sa mga photos na naglabasan.

Actually, last year pa namin nakita ang mga pictures na ‘yon na out of the blue ay biglang naglabasang muli.
Apparently, there are those who are trying to tarnish Alden’s image.

But hey, nothing can damage Alden now. Wala itong epek sa mga fans ng AlDub. He’s a hit kahit saan siya magpunta. 

He’s been mobbed anywhere he goes. Just recently, when he did a show in a mall in Pampanga, super daming tao, talagang hindi mahulugang karayom ang lugar. At wala pa si Maine Mendoza by his side niyan, ha.

How much more kung kasama pa niya sa show si Yaya Dub, siguro pandemonium na ang nangyari

No comments: