Friday, September 4, 2015

Heart nanay na nanay sa kambal ni Chiz





Sinisiguro ni Heart Evangelista na kahit busy siya sa trabaho ay nagagampanan pa rin niya ang kanyang mga tungkulin bilang misis ni Sen. Chiz Escudero pati na rin ang pagiging mommy sa mga anak nito.
Kapag walang taping si Heart para sa GMA Telebabad series niyang Beautiful Strangers with her best friend Lovi Poe, Rocco Nacino, Boyet de Leon and Benjamin Alves, nasa bahay lang siya para asikasuhin si Chiz at ang mga anak nito.
Pero kamakailan ay naispatan ang mag-asawa na ipinapasyal ang kanilang kambal na anak sa isang mall sa Q.C. Sabi nga nina Heart at Chiz, hindi pwedeng matapos ang isang linggo nang hindi sila naglalaan ng quality time together para makapag-bonding kasama ang kambal, lalo na tuwing weekends.
Sabi ni Chiz, nag-aadjust pa rin siya sa schedule ng misis lalo na’t busy ito ngayon sa Beautiful Strangers at iba pang showbiz commitments.
“Ibang-iba ang buhay ng mga artista. Sikat, malaki yung bayad, pero yung buhay mahirap din. Monday, Wednesday and Friday ang taping niya para sa teleserye.
Aalis siya ng bahay ng mga ala-5:30 ng umaga, matatapos yung taping niya ng ala-una ng umaga ng susunod na araw,” kwento ni Chiz sa isang panayam.
Bukod pa rito, busy rin si Heart sa kaniyang modeling career at sa weekly showbiz talk show na Startalk at ganoon rin sa kanyang hobby na pagpipinta.
Paglilinaw ni Chiz, hindi nila pinanghihimasukan ni Heart ang kani-kanilang career sa pulitika at showbiz. Ni hindi nga nababanggit ang pulitika at showbiz kung sila ay mag-uusap ng kaniyang maybahay, “Kwentong bahagi lang ng kung anong nangyari sa araw.
Sa araw ko, sa araw niya. Pagka-tungkol sa pulitika hindi namin pinag-uusapan. Pagka-tungkol din sa showbiz hindi ko rin pinanghihimasukan,” ani Chiz.

No comments: