Friday, September 4, 2015

Netizens nag-away-away dahil sa kasalang Vic-Pauleen





Finally, inamin na rin ni Vic Sotto na engaged na nga sila ni Pauleen Luna.

Noong una, nag-post si Pauleen ng photo ng kamay niya while wearing what looks like an engagement ring. Then, a photo was also posted by Beverly Vergel sa kanyang Instagram account and she congratulated Pauleen.

Sa kanyang recent interview naman ay inamin ni Vic na engaged na nga sila ni Pauleen. Pero hindi naman siya nagbigay pa ng ibang detalye kung paano siya nag-propose, kung saan nangyari ang kanilang engagement. 

Wala rin siyang ibinigay na detail kung saan sila magpapakasal at kung kailan talaga ang wedding.
Agad-agad namang nag-post si Pauleen ng “ENGAGED” sa kanyang Twitter account after aminin ni Bossing Vic na engaged na sila ng dalaga.

This was followed by an Instagram post of her engagement ring which she captioned, “In God’s perfect time.”
Ang lumabas na chika, sa December daw ang wedding ng couple. At three karat diamond daw ang engagement ring ni Pauleen. Actually, sari-sari ang reaction ng mga tao sa engagement ng dalawa.

“Sana tuluy tuloy na. problem baka hanggang engagement lang. knowing vic, paasa,” said one fan.
“Grabeh 61 vs 26 pala ang age nito. Hay naku Vic kadiri ka!” tili naman ng isang guy.

Na kaagad namang sinagot ng fan ni Vic ng, “Ano namang kadiri ang sinasabi mo? Nothing is wrong with a huge age gap dahil pareho naman silang adults. At least inamin ni Vic ang engagement and there is nothing wrong with that at all!”
May nagmahadera naman at nagsabing, “Naalala ko tuloy yung video ng little ms philippines na si vic ang nagtatanong kay pauleen, lol!”

Teka, ano naman kaya ang reaction ng mga anak ni Vic na sina Danica Sotto at Oyo Sotto sa engagement ng kanilang ama kay Pauleen?



No comments: