Friday, September 4, 2015

Kasalang Vic-Pauleen aprub kina Danica at Oyo



Sa ngayon, ay wala pang planong pumirma ng pre-nuptial agreement sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Ito’y matapos ngang aminin ng TV host-comedian na engaged na sila ni Poleng.
Sa panayam kay Bossing, hanggang du’n lang muna ang maaari niyang i-share sa publiko, pero sa “tamang panahon” naman daw ay i- dedetalye rin nila ang tungkol sa wedding.
Nabatid na noong nakaraang trip nila sa Hongkong nag-propose si Vic kay Pauleen. Ayon sa manager ni Pauleen na si Manay Lolit Solis, sa December na raw ang Catholic wedding ng dalawa at posibleng sa ipinagagawa nilang bahay sa Laguna ito ganapin.
Nagtungo si Pauleen sa Amerika kasama ang nanay nito at balitang doon na rin daw pipili ng kanyang wedding gown ang aktres na mula sa mga design nina Monique Lhuillier at Vera Wang.
Samantala, nabatid na may blessing na rin ng mga anak ni Vic ang kasal nila ni Pauleen, kabilang na nga rito sina Danica at Oyo Sotto na nabalita noong hindi boto sa aktres para sa kanilang ama.



No comments: