Monday, September 7, 2015

Jodi, Lani, Rhea, Iya umamin na: Nakakakilig ang AlDub!





JODI Sta. Maria, Lani Mercado, Rhea Santos at Iya Villania. Ilan lang sila sa mga local celebrities na adik na adik din sa AlDub at sa kalyeserye ng Eat Bulaga. 

Tulad ng milyun-milyong Pinoy sa buong mundo, hindi rin nila napigilan ang kiligin sa pagkikita nina Alden Richards at Yaya Dub.

Sa episode noong Sabado ng kalyeserye, talagang tinutukan ng buong mundo ang kauna-unahang pagkikita nina Alden at Yaya Dub kaya naman winasak na naman ng AlDub ang sarili nilang record – umabot aa 5.8 million tweets ang hashtag na #ALDUBBATTLEForACause.

Ito na ngayon ang may hawak ng record bilang pinakamaraming tweets sa loob ng 24 oras sa bansa.

Sa social media accounts ng mga celebrities, bidang-bida rin ang AlDub pati na rin ang makasaysayang karakter ni Wally Bayola sa nasabing kalyeserye na si Lola Nidora na siya na namang pumigil sa “tamang panahon” na pagkikita nina Alden at Maine.

Maraming netizens ang natuwa sa pag-amin ni Jodi Sta. Maria na isa rin siyang AlDub fan. Tili ng Kapa-milya actress sa kanyang Twitter account, “Waaaaah!!! Nagkita na silaaaaaa!!!! Si Lola…KJ!!! Hahaha ang saya nito! Kinilig ako!”

In fairness, kahit kasali si Jodi sa seryeng Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay hindi siya nagpakaplastik sa pagkahumaling sa AlDub.
Ayon naman sa Kapuso TV host na si Iya Villania-Arellano, “Oh em!!!! Nagkita naaaaaa!!!!! #AlDub.”

Sey naman ng Kapuso singer na si Jonalyn Viray, na-delay ang pag-alis nila ng bahay dahil kina Alden at Yaya Dub, “Aalis na dapat kami ng bahay kaso nakaglue kami sa #ALDUBBATTLEForACause late na ako sa lakad. hindi ko maituloy pagbo-blower ko ng buhok, hindi ko maririnig tv. kudos to @EatBulaga creative team and sa lahat ng part ng Kalyeserye. galing!”

Maging si Rep. Lani Mercado-Revilla ay aminadong AlDub fan at talagang tumutok sa pagkikita ng AlDub, “Grabe talo pa ANG prime time soap! Abangan sa Lunes. #kalyeserye#aldub. Pambansang Kontrabida #lolanidora.”

Hindi rin magpapatalo ang mga taga-news and current affairs ng GMA, sa pangunguna ni Rhea Santos na isa sa mga tumayong judge sa “Bulaga Pa More, Tahitian Pa More” grand finals, kasama si Marian Rivera.

“Clueless… At the backstage of #eatbulaga but still no idea on what will happen to #aldub. Ngayon na ba? #ALDUBBATTLEForACause.” Dugtong nito ma-tapos ang kalyeserye, “Ay, naiyak ako. But, great message, Lola Nidora. ‘ Puso at Isip ang pairalin!’

Narito naman ang emosyonal na mensahe ni Michael V sa tagumpay ng kalyeserye ng Ea Bulaga, ,#KalyeSerye alone is enough reason para maging proud akong maging part ng #EatBulaga. Great job Dabarkads! Kung affected kayo habang nanonood sa TV, ‘di ko ma-explain ang reaction dito sa studio!

At siyempre, hindi rin matatawaran ang husay ni Wally Bayola bilang si Lola Nidora sa kalyeserye ng Eat Bulaga, actually, siya talaga ang isa sa mga inaabangan ng manonood sa programa, maliban sa AlDub.

Hindi lang ang viewers ang bilib na bilib sa galing ng komedyante, maging sina Tito, Vic & Joey ay walang masabi sa husay ni Wally, nakunan pa nga ang tatlo na napapanganga sa bawat eksena ni Lola Nidora.

Para naman sa lahat ng nagre-request, narito ang ilang bahagi ng naging monologue ni Lola Nidora nang hindi tumupad sa kanilang pangako sina Alden at Yaya Dub na hindi sila magkikita sa studio ng Eat Bulaga kahit na anong mangyari.

“Ang binitawang salita ay hindi dapat ipagsalawang-bahala. Dahil ang katumbas nito ay pagtitiwala ko sa inyo, Alden, Yaya Dub. Paano pa ako magtitiwala sa inyo kung sa isang simpleng pangako ay hindi niyo kayang matupad?”

Sabi pa ni Lola Nidora, “AlDub, mahalaga ang pagtitiwala. Hindi iyan nababayaran ng salapi. Sinusubukan ko lang kayo. I am very disappointed… very disappointed.”

No comments: