Monday, September 7, 2015

Alden sa unang pagkikita nila ni Yaya Dub: Ang sarap ng feeling! ang saya!!!



Abot-langit ang pasasalamat ni Alden Richards sa milyun-milyong Pinoy na walang sawang sumusuporta sa kalyeserye nila ni Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Ito’y matapos ngang umabot sa 5.8 million tweets ang hashtag na #ALDUBBATTLEForACause noong Sabado kung saan nangyari ang una nilang pagkikita.

Ayon kay Alden na mas kilala na ngayon bilang Pambansang Bae, “Walang ibang dapat ipagpasalamat diyan kundi sa AlDub Nation, sila ‘yan. Sa lahat ng mga suppor-ters po, maraming-maraming salamat.

Kayo ang dahilan kung bakit gumagawa ng history ang Kalyeserye at ang Eat Bulaga. Maraming salamat po!” Hirit pa ni Alden, “Nakakatuwa na ang Kalyeserye ang nagiging way ng mga Pilipino para magkaisa…nagkakaisa tayo sa mga ganyan, ‘no, para kiligin, matuwa.

Siyempre, higit sa lahat, matuto ng lessons kay Lola Nidora (Wally Bayola). That’s the main purpose.”
Tinuksu-tukso naman si Alden kahapon ng co-host niya sa Eat Bulaga na si Sam YG, “blooming” daw kasi si Alden, mukhang maganda ang epekto sa kanya ng personal nilang pagkikita ni Maine Mendoza.

Ang tanging reaksiyon ng binata, “E, alam mo na…”

Diretsong tinanong ni Sam si Alden kung ano ang kanyang naramdaman nang una niyang makita si Yaya Dub, sagot ng binata, “Iba yung pakiramdam, e. Alam mo yung…yung for the past se-ven weeks, nakikita mo lang siya sa TV, tapos nakita mo siya sa personal.

Ang sarap sa feeling, masaya, parang ganu’n.” Pero nang tanungin kung ang pag-iyak ba niya noong Sabado sa kalyeserye ay tears of joy, ang tugon ni Alden, “Eto lang sagot ko diyan…” sabay pabebe wave.

E, ano naman ang masasabi niya sa kontrabidang “plywood” na humarang sa kanila ni Yaya Dub nang maglalapit na sila, sagot ni Alden sa tonong Lola Nidora at Babalu, “Wow, ayun na, e! Bumagsak ka pa, magkikita na, e!”

Para sa huling message niya kay Yaya Dub, “It was nice seeing you!”  Sa overnight ratings naman ng AGB Nielsen sa Mega Manila households, nakakuha ng 39.5% ang Eat Bulaga samantalang 8.7% naman ang nakuha ng It’s Showtime.

Kahapon ipinakita sa kalyeserye na hawak pa rin ng mga kidnapper si Yaya Dub at sa pagtatapos nito, biglang may humawak sa kanyang balikat. Abangan! Ha-hahaha! – EAS

No comments: