Monday, September 7, 2015

Richard, Sarah pinaplano na ang pagpapakasal





“WE have so much in common.” Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit na-in love si Sarah Lahbati kay Richard Gutierrez.
Sa interview ni Korina Sanchez sa Rated K, inamin nina Sarah at Richard na talagang inilihim muna nila sa publiko ang kanilang relasyon, pero unti-unti nila itong i-pinapaalam sa kanilang mga tagasuporta sa pamamagian ng pagpo-post ng pictures sa kanilang social media accounts.

Dito rin inamin ni Sarah na nu’ng una ay medyo iwas ang kanyang parents kay Richard pero mabilis din nila itong nakagaangan ng loob simula nang makasama na nila ang aktor.

Naikuwento rin ni Sarah na takot na takot naman siya sa mommy ni Richard na si Annabelle Rama pero nang makilala na raw niya ito at lagi nang nakakasama, na-realize niyang hindi naman pala mataray ang talent manager, “She’s such a different person from what we see on TV,” chika ni Sarah.

Nasa Paris naman siya noong makumpirma niyang buntis siya kay Richard at dito na siya nagdesisyon na iwan muna ang showbiz pansamantala para maalagaan ang kanyang sarili at ang baby na kanyang ipinagbubuntis.

Nanatili siya nang ilang buwan sa Geneva, Switzerland hanggang sa makapanganak. Inamin din ng aktres na hindi talaga nila pinlano ni Richard ang magka-baby agad pero para sa kanya, isang napakalaking sa buhay nila ang pagdating ni Baby Zion.

“Long distance parental affair” ang tawag nina Richard sa nangyari sa kanila noon ni Sarah kaya itinuturing niya itong isa sa pinakamahirap na bahagi ng kanyang buhay, “Alam ko kasing mag-isa siya sa Switzerland.”

Sey naman ni Sarah “Wala naman akong ginagawa kundi bilangin ang araw ng pagdating niya at antayin ang paglabas ni Zion.”

“I was so happy na makita siya (buntis). Sobrang laki na niya nu’n. Sobrang cute para sa akin,” kuwento pa ni Richard kasabay ng pagsasabing na-enjoy talaga niya ang pagiging normal na tao noong nasa Switzerland siya, “I would ride the train alone, buy her food, and come back to her.”

Dagdag pa niya, “I was so happy I was there during the birth. Ako ang unang nakahawak kay baby Zion.”  Tungkol naman sa kanilang pagpapakasal, sinabi ni Richard na, “We have plans for soon.”

No comments: