Monday, September 7, 2015

Pototoy ni Alex Medina pinisil, kinurot sa ‘Cosmo Bash 2015’




Nakakaloka! Hindi lang pala ang actor-politician na si Alex Castro ang nahipuan sa nakaraang Cosmo Carnival 2015.
Pati pala ang indie actor na si Alex Medina ay naka-experience ng pandadakma ng isang fan na nanood sa Cosmo Bash noong Sabado sa SM Mall of Asia Concert Grounds, sa Pasay City.

Sa isang panayam sinabi ni Alex (anak ng award-winning actor na si Pen Medina), na regular ngayong napapanood sa Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, “May humawak ng ano ko…babae naman ang humawak. Isa lang naman. Okay lang, pinisil niya, kinurot.”

Nang matanong kung ano ang nadakma sa kanya, sagot ng binata, “Yung hipon! Ha-hahaha! Wala naman sa akin. Okay lang. Sakto lang. E, nahawakan, e.”

Speaking of Pangako Sa ‘Yo, mas tumitindi pa ang mga kaganapan sa nangunguna pa ring teleserye sa primetime, kaya naman patuloy pa rin itong humahataw sa ratings game.

Nitong nakaraang Agosto ay nasa listahan pa rin ng Top 10 TV programs ang Pangako Sa ‘Yo, patunay lang na matindi pa rin ang magic ng KathNiel loveteam.

Tutukan ang pagpapatuloy ng kuwento ng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN, kasama pa rin dito sina Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Sarah Carlos, Bernard Palanca at marami pang iba.

No comments: