Monday, September 7, 2015

Claudine umaming ‘kasalanan’ niya kaya nagkahiwalay sila ni Raymart






INAMIN ni Claudine Barretto na isa lamang “rebound” ang pakikipagrelasyon niya noon kay Raymart Santiago kaya hindi ito tumagal tulad ng kanilang inasahan.

Sa episode ng Kris TV kahapon, diretsong sinabi ng aktres na isa sa mga rason kung bakit nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama ni ni Raymart ay dahil simula pa lang ay alam niyang hindi naging buo ang kanyang pagmamahal sa nakahiwalay na mister.

“I think rebound kasi, ‘wag na, du’n na tayo, kasi masakit. ‘Wag na natin pag-usapan,” ang pakiusap ni Claudine kay Kris Aquino nang tanungin nga ito tungkol sa mga rason kung bakit sila naghiwalay ni Raymart. Magkasama sina Claudine at Kris sa pelikulang “Etiquette For Mistresses” together with Kim Chiu na guest co-host din ni Kris kahapon.

Sinabi rin ng nagbabalik na aktres na hindi pa siya “buo” bilang isang babae nang pumasok sa buhay niya si Raymart. Tanong uli ni Kris sa kanya, “So looking back now Clau, had it been na nagkilala kayo kaya ni Raymart na buo ka na it might have worked better?”

“Yes. Very important (ang buo ang pagkatao bago pumasok sa isang seryosong relationship) kasi parang nakita ko before I was so sad, I was so broken, namatayan ako tapos there was somebody (who) was there, parang knight in shining armor parang I played safe,” ang naging tugon ni Claudine.

Bukod dito, diretso ring sinabi ng aktres na March of 2013 nang ma-realize niyang, “Naubos na ako.” Ibig sabihin, dito na talagang nawasak ang relasyon nila ni Raymart kaya nagdesisyon na silang maghiwalay at makanya-kanya na sa buhay.

Sa Kris TV pa rin, bigla namang napaiyak si Claudine nang tanungin ni Kris tungkol sa kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay talagang nakatutok pa rin sa kanya kahit na nga malalaki na ang kanyang mga anak.
Bilib na bilib nga raw si Kim sa parents ni Claudine dahil lagi pa rin daw kasama ng aktres ang mga ito para tutukan ang kanyang mga ginagawa. Kitang-kita raw niya ito kapag nasa shooting sila ng “Etiquette For Mistresses”.

Nang hingan siya ng message ni Kris para sa kanyang nanay at tatay, dito na naiyak si Claudine, “I just want to tell them na I’m so grateful na nandiyan pa rin sila for me.

I love them so much. At ang lagi ko lang ipinagpe-pray ay mas humaba pa ang buhay nila para mas matagal pa kaming magkakasama. ‘Yun lang, live longer please!”



No comments: