Monday, September 14, 2015

. Vina biglang nagkadyowa dahil kay Chavit Singson




Pitong taong walang lovelife si Vina Morales. Kaya naman nagpiyesta ang kanyang mga kaibigan at fans dahil finally, nakakita na ito ng lalaking magpapasaya sa kanya.

Sa interview ng ABS-CBN, inamin ni Vina na sinagot na niya ang isang French guy na matagal ding nanligaw sa kanya. “I have a boyfriend na after se-ven years. I’m very happy.

He’s not Fi-lipino. He’s French. He’s really a nice guy. He’s my age and he’s very responsible,” sey ng singer-actress. Nu’ng una ay hindi pa alam ng guy na kilalang artista siya sa Pilipinas, “He was introduced to me by Gov. 
Chavit (Singson) so siguro nu’ng medyo nagkakakilala na kami with the group, doon niya na lang nalaman na I’m a celebrity.”

Ang huli pang karelasyon ni Vina ay ang kontrobersiyal na businessman na si Cedric Lee, ito rin ang tatay ng anak niya. Mula nang maghiwalay sila nito ay hindi na siya nagkaroon ng boyfriend, itinuon kasi niya ang panahon sa kanyang baby.



No comments: