Monday, September 14, 2015

Jennylyn epektib bilang malanding misis





NARITO ang kailangan n’yong tutukan sa pagpapatuloy ngayong gabi ng My Faithful Husband sa GMA TeleBabad. 

Pagsasabihan ni Arnaldo (Ricky Davao) si Dean (Mikael Daez) na dapat na nitong lubayan si Mel (Jennylyn Mercado), na maawa na ito kay Emman (Dennis Trillo).

Aawayin na naman ni Mercedes (Snooky Serna) si Mel, at ipagtatanggol ni Emman ang asawa-pero matitigilan ito nang itanong ng ina kung may kalandian bang iba si Mel.

Pupuntahan ni Arnaldo si Elvie (Timmy Cruz) para magpasamang pumunta kay Emman – at mahuhuli sila ni Lorenz (Nonie Buencamino).

Sasabihin ni Mercedes na nakita niya si Dean na naka-park sa labas ng bahay nila, at hindi mapipigilan ni Emman mag-react – na siyang pupunahin ni Mercedes.

Aawayin ni Lorenz si Arnaldo, at susumbatan na hindi ito naging mabuting ama o kapatid. Itatanong ni Emman kay Melanie kung totoong duma-ting si Dean, at hindi ito itatago ni Mel.

Hihilingin ni Emman kay Melanie na kung aayusin nila ang relasyon nila, kailangan wala na silang ililihim sa isa’t isa. Biglang itatanong ni Emman kay Mel kung ano ang kulang sa kaniya at nahulog ulit ang loob niya kay Dean.

Dahil malalakas ang boses nina Emman at Mel, maririnig ni Mercedes ang lahat ng pinagtatalunan nila.

Makikiusap naman si Arnaldo kay Elvie, hihingin nito ang address ni Emman para makabawi sa anak–at handa siyang mamura at itakwil ni Emman.


Kokornerin ni Mercedes si Doyee (Jade Lopez) para paaminin ang babae na may naging lalaki nga si Mel. Hahalughugin ni Mercedes ang buong bahay para hanapin si Mel.

Susubukan tawagan ni Doyee si Mel para warningan na alam na ni Mercedes ang lahat. Sasabihin ni Doyee kay Emman na kailangan nilang harangin ang paghaharap nina Mercedes at Mel, pero saka naman darating si Arnaldo sa bahay nina Emman.

Magtatawag si Mercedes ng mga kapitbahay, palalapitin sa kaniya si Mel na walang kaalam-alam sa kung ano ang binabalak ng biyenan niya. Ipapahiya nito ang asawa ng anak sa harap ng kanilang mga kapitbahay.

Ipagsisigawan sa lahat na malandi ito at nanlalandi ng lalaki kahit may asawa na. Samantala, puro papuri ang tinanggap nina Dennis at Jennylyn sa kanilang pagganap bilang mag-asawa sa nasabing serye.

Pero kung may natutuwa, meron ding inis na inis kay Jen dahil sa pangagaliwa nito. Ibig sabihin, epektib ang pagganap niya bilang malan-ding misis.



No comments: