Monday, September 14, 2015

Matapos makakuha ng 6.37 million tweets ang #ALDUBTheAbduction Aldub most powerful loveteam sa TV, Social Media




SIGURADONG agree ang buong mundo sa bagong bansag kina Alden Richards at Maine Mendoza – ang most powerful couple ngayon sa balat ng telebisyon. Sure kami na walang kokontra sa katotohanang ang AlDub na ang pinakasikat na loveteam ngayon.

Patunay nga rito ang mahigit 6.37 million tweets na nakuha ng Sept. 12 episode ng kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga na may hashtag na #ALDUBTheAbduction kung saan muli ngang nagkita ang dalawa matapos dukutin ng blonde New Yorker na si Duhrizz (ginagampanan Wally Bayola).

Kahit daw sina Alden at Maine ay na-shock nang malaman nila ang balita. Sila rin ang naka-break sa record nilang 5.8 million tweets para sa hashtag na #ALDUBBattleForACause na napanood noong Sept. 5 kung saan una ngang nagkita ang AlDub.

Sa panayam kay Alden ng GMA, sinabi nitong sobra-sobrang blessing na ang dumarating sa kanyang career, “Wala akong ibang puwedeng pasalamatan kundi ang mga nagpa-trend sa buong AlDub Nation sa buong mundo. Wala na po akong masabi!”

Sa nasabing episode, mas naging malapitan ang kanilang pagkikita at kitang-kita ang kaligayahan at kilig sa mukha ng dalawa. Pero hindi nga pumayag ang mastermind sa pagdukot sa kanila na si Duhrizz na magkausap sila.
Lalo pang kinilig ang manonood nang magkasunod silang sumipsip sa iisang straw, feeling ng viewers ay parang nag-kiss na rin ang dalawa.

Ayon kay Alden, hindi nila alam ni Maine ang mga magyayari sa kalyeserye, kaya lumalabas na natural na natural ang kanilang mga reaksiyon sa bawa eksena. Sey pa ng binata, “Wala kaming pressure, kasi ang main objective namin ay ang magpaligaya ng mga manonood.

“Naningkit nang husto ang mga mata ko sa sobrang tuwa. First time kasi na-ming magkita ni Maine nang malapitan!” dagdag pa ng Pambansang Bae.

Narito naman ang naging reaksyon ni Yaya Dub sa muling pagkikita nila ni Alden noong Sabado, “Wala akong kaalam-alam sa mangyayari. Gusto kong alamin pero walang nagsasabi sakin at hindi na din ako nagtanong pa.

“Gusto kong magulat sa magiging eksena, gusto kong makita yung tunay na reaksyon na lalabas sa aking mukha, o naming dalawa kung sakaling kami man ay magkikita.
Ayun.. Saan ka nakakita ng pinadukot na nakangiti at tumatawa? At puma-pabebe wave pa. (Ctto) #ALDUBTheAbduction #oneforthebooks #actinganlangtouy,” sey pa ng dalaga sa kanyang Instagram account.

Nagpatuloy ang winning moment ni Alden noong Sabado ng gabi matapos ipalabas muli sa Magpakailanman ang life story ni Alden. Naging top trending topic din ang hashtag na #AldenRichardsOnMPK.

Last Sunday naman, naging top trending topic din ang episode ng Sunday PinaSaya ng GMA na may hashtag na #SPSAngSayaSaya.

At kung hindi pa sapat yan para tawaging most powerful couple ngayon sa TV ang AlDub, kinagabihan ng Linggo, naging top trending topic din ang hashtag na #MaineMendozaOnKMJS, matapos ipalabas ang feature story ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Maine kung saan ibinuking ang ilang mahahalagang detalye sa buhay ng dalaga.

At kung kulang pa ito, silipin ang ilang mga litratong kuha sa naganap na mall show ni Alden sa Starmall sa San Jose Del Monte, Bulacan kung saan makikita ang daan-daang (o, libu-libo na?) fans na sumugod doon para makita nang personal ang binata.

Ang tanging nasabi lang ni Alden nang makita ang napakaraming tagahangang naghintay sa kanya roon, “I’m speechless. Kulang pa po ang salitang ‘thank you’ maraming maraming maraming salamat.”



No comments: