Monday, September 14, 2015

Beauty nagmaldita kaya tsinugi sa Ningning; nag-sorry at nag-iiyak





NAKATANGGAP kami ng mensahe mula sa hindi namin kilalang numero na nagsasabing kaya tinanggal sa seryeng Ningning si Beauty Gonzales ay dahil sa attitude problem nito.

Sabi ng nag-text sa amin, hindi raw siya mapakali sa nabasa niyang sinulat namin dahil hindi naman daw ang pagbubuntis ng aktres ang main reason kaya siya tinanggal sa programa.

“Nag-aattitude (problem) si Beauty sa show kaya siya pinatay sa kuwento. Nag-sorry naman sa production, pero huli na dahil nakapag-decide na sila (management) na tigukin siya.

“Yung pagbubuntis, eh, puwede naman daw sana isama sa kuwento that is, kung okay ang attitude niya, kaya lang nagmaldita siya, kaya hayun, tinigok.

Umiyak nga nu’ng si-nabihang tsugi na ang karakter niya. Last Friday, kinunan na ‘yung libing scene, kaya RIP (rest in peace) na siya.”

Kagabi naman ipinalabas sa Ningning ang pagkamatay ni Beauty. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang official statement si Beauty tungkol sa isyung ito.



No comments: