Monday, September 14, 2015

Ellen Adarna nalasing; Daniel, Kathryn nilanggam Bianca nagmukhang boldstar; gown nina Alex at Vina inokray





Moments of sweetness ang nakita namin sa mga photos ng Star Magic stars na dumalo sa ball.


Sweet na sweet sina Maja Salvador at Kim Chiu habang magkayakap sa isang shot.


Talagang gone with the wind na ang kanilang matinding tampuhan years back. Erich Gonzales was extra sweet with her boyfriend Daniel Matsunaga.

Napansin lang namin, parang tame na tame ang outfit ni Erich at nagmukha tuloy siyang manang. She looked like Daniel’s mom in the process.

Sina Julia Barretto at Inigo Pascual ay pa-sweet din sa ilang shots na magkayakap. Easily, sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang isa sa mga pa-sweet na love team.

Lagi silang magkahawak-kamay. Hindi rin nagpakabog ang hindi-pa-couple-pero-acting-like-one na sina Ejay Falcon at Ellen Adarna. Yakap kung yakap sila parati.

Ang chika, nalasing na rin daw si Ellen sa dami ng nainom na alak. Nakunan siya ng photo na tila lasing na nga. Iniwan din daw nito ang ka-date niyang si Ejay Falcon at “sumama” kay Paulo Avelino.

Now, let’s get on to the Worst Dressed List. Una sa lahat, by kilometric level, ha, ang kachakahan ng barely there gown ni Bianca Manalo.

See-through gowns do not complement her, nagmukha siyang porn star trying to tell e-veryone, “Hey, sexy ako!”. Nagpapansin yata si Bianca.

Kung si Bianca ang Reyna ng Kachakahan in this year’s Star Magic Ball, dama naman niya si Alex Gonzaga who decided to appear line one magikera in her all-white number.

She did create a scenario of panglalait dahil mukha siyang magsu-show sa perya. Vina Morales is another big disappointment. Napalitan na ng taba ang dati’y higlighted na muscles niya.

While she’s still shapely, sadly, she has lost that dangerous curves, isa na siyang malaking chubbylita. That said, she looks like a suman in her Spiderman-inspired gown



No comments: