Monday, September 14, 2015

Isabelle makikialam sa Vic-Pauleen wedding




Makikialam sa prepara-syon ng Vic Sotto-Pauleen Luna wedding ang dating dabarkads na si Isabelle Daza. Naging close ang isa sa mga kontrabida sa seryeng Nathaniel kay Pauleen matapos ang ilang taong pagiging host ng Eat Bulaga.

“I’m so happy for Pauleen, alam ko doon talaga matutuloy iyong relasyon nila ni Bossing. At sabi ko sa kanya, tutulungan ko siyang mag-prepare ng wedding niya, makikialam ako talaga sa kanya.

“Isang simple, intimate wedding lang ang gagawin nila, na ang invited nila ang mga close members lamang ng family of both sides and their very close friends.

“Wala pa siyang sinasabi kung kailan talaga ang wedding, pero next year na siguro dahil magiging busy si Bossing sa filmfest,” sey ng dalaga.
Sa ngayon, wala pa ring plano si Belle na magpakasal sa kanyang foreigner boyfriend



No comments: