Monday, September 14, 2015

Billy 1 taon nang di nagyoyosi at umiinom




Pagkatapos mapanood ni Billy Crawford ang pelikulang “Ex With Benefits” ng kanyang girlfriend na si Coleen Garcia, ay hindi na napag-usapan ng magdyowa ang daring scenes ng aktres.

Pahayag ni Coleen, “Hindi na, basta ayaw lang niyang ma-limit ako sa isang role, and that’s what I also want for myself. Basta puro lang congratulations, I’m proud of you, puro ganu’n na lang, puro positive.”

“And also, he trusts me naman, hindi naman ako ‘yung nagpapaalam, sinasabi ko lang sa kanya, he really trust what I decide for myself,” kuwento pa ng TV host-actress.
Samantala, natanong naman si Coleen tungkol sa iskandalong kinasasangkutan ngayon ng ex-boyfriend niyang si Enrique Gil, lalo na ang ginawa diumano nitong pambabastos kina Jessy Mendiola at Liza Soberano.

“That was a very long time ago (relasyon nila ni Enrique), so people change in span of time, ako I changed a lot actually, pero ang masasabi ko kay Enrique, he’s a very good person and lahat ng tao nagkakamali and at the end of the day, siguro may pinagdadaanan siya, siguro let’s just respect na lang.

“Ako, I’m not in the position to say anything to judge kasi I wasn’t there when it happens and people are people, we all have different sides of ourselves na hindi nakikita ng tao na maraming pinagdadaanan, so it’s best kung don’t judge na lang,” paliwanag ng aktres.

Samantala, isang taon na ang nakararaan mula nang masangkot si Billy sa iskandalo dahil sa sobrang kalasingan matapos um-attend sa Star Magic Ball 2014. At ayon kay Coleen after that incident, napakalaki na ng ipinagbago ng kanyang boyfriend.

Kaya naman nu’ng Sabado pagkatapos ng Star Magic Ball 2015 ay hindi na nagpunta kung saan-saan ang dalawa para iwas-gulo na. Sabi nga ni Coleen, dahil daw sa gulong i-yon na maituturing na ba-ngungot sa buhay ni Billy, “You know, since that day, Billy stops smoking and drinking, so it’s been a year na, stop na siya.”

Very vocal si Billy na si Coleen lang daw ang nakapagpabago sa kanya, reaksyon ni Coleen, “Well, ako kasi ‘yung tipo ng tao na hindi ko siya pipigilan, pero kakausapin ko siya.

Kasi somebody na may problem, the more you talk to them, the more na hindi sila mag-stop.  “Ako, I really don’t like smoking, kasi my parents smoke, so ayoko.
Siya (Billy) naman, ang nangyari do’n, hindi ko siya pinigilan, pero sinabi ko sa kanya na I don’t like it (yosi at alak), tapos unti-unti, nahanap niya sa sarili niya na siya na ‘yung nag-stop mag-isa.

Dagdag pa, “Ganu’n kasi dapat na kung talagang gusto mong mag-stop, manggaling talaga sa sarili mo, hindi dahil gusto ng ibang tao.”

Bukod sa It’s Showtime, mapapanood pa rin si Coleen sa seryeng Pasion de Amor book 2. Nakakaloka nga ang mga sumusubaybay sa Pasion de Amor na ipinalalabas sa oras ng hapunan dahil ang laging sinasabi ng male viewers pag umeere na ito, “May ulam na tayo.”

Ganito rin ang binabanggit ng beking friends namin dahil naman kina Joseph Marco, Jake Cuenca at Ejay Falcon na palaging nakahubad sa kanilang mga eksena.



No comments: