Friday, September 11, 2015

Unang TV Commercial nina Alden at Yaya Dub tinutukan ng bayan




Ni-release na yesterday ang first TV commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza, more popularly known as Aldub.

Although parehong endorsements nila ang nasabing fastfood chain ay hindi naman daw nakunan ang dalawa na magkasama.

Anyway, much anticipated ang TV ad ng dalawa. Hindi pa man umeere ay marami na talaga ang nasasabik na makita sila sa isang commercial.

In fact, parang first time yata naming narinig na excited na excited na ang mga fans na makita sila sa isang TV ad. Apparently, hindi na makahintay ang fans ng dalawa na makita sila sa isang endorsement.

And as expected, nag-number one agad sa top trending topic sa Twitter ang #ALDUBKoTo na maaga pa lang ay umabot na sa more a million tweets.

Let’s see kung ma-break ng AlDub fans ang mahigit 5 million tweets na nakuha ng #ALDUBBATTLEForACause kung saan saan nga unang nag-meet sina Alden at Maine.

Anyway, angisa pang balita about the love team ay hindi pa raw sure kung makakasama si Maine sa Metro Manila Film Festival movie nina Vic Sotto at Ai Ai.

Parang si Alden pa lang ang sure na sure kaya naman nababahala na ang Aldub fans. They want to see the two together.
We felt na inaayos lang siguro ang schedule ni Maine. For sure ay isasama rin siya sa movie. Bakit naman siya iiwan ni Alden, eh, love team sila?

Meron ding rumors na Eat Bulaga is contemplating giving Aldub a third wheel. True ba ito?

Ang chika, naghahanap na raw ng isang girl ang executives ng show para gawing mas mainit ang story ng AlDub.

Tipo bang meron silang kukuning isang babae na magiging panggulo sa relasyon ng dalawa.

Yes, umabot na sa ganoon ang chika sa social media. Marami nga ang nalokang Aldub fans sa chismis na ito.




No comments: